MLFTC-42~
*****
"Nagtatampo ka sa lagay na yan, Yana." Bulong niya. Napairap ako.
"Kung ayaw mo, 'di 'wag!" Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap nito sa aking bewang ngunit masyado itong malakas.
"Ikaw nga ang nasa propesiya at ang ilan nga sa mga Seltzer ay hinahanap ka." Napaawang ang bibig ko sa narinig.
"A-ako? Ngunit bakit ako?" Hinaplos naman nito ang aking tiyan na nakaumbok ng konti.
"Dahil ikaw ang napili ng buwan..." Malungkot akong napatungo.
"Mapapahamak kami ng anak ko, iyon ba ang punto mo?" Hinawakan naman nito ang aking pisngi.
"Hindi mangyayari 'yon, Yana." Kusang gumalaw ang mga kamay ko para kumapit sa batok niya at siniil ito nang halik sa kanyang labi.
"Mahal na mahal kita..." Bulong ko. Inalalayan naman niya ako upang magkaharap kami.
"Mahal na mahal din kita, Yana..." Muli niya akong hinagkan sa aking labi at agad din naman akong nagpatangay dito.
Maingat nito akong kinabig palapit ng husto sa kanya. Banayad nitong hinaplos ang bawat parte ng aking katawan.
"...aah!" Singhap ko sa pagitan ng aming mapupusok na halikan. Nang maramdaman ko ang kahandaan nito'y walang pasubali itong pumasok sa kaibuturan ko.
"...aah..." Ungol ko sa bawat galaw nito.
"Luna plena sum in..." Biglang sambit nito at bigla akong natigilan. Para na namang may nagwawala dito sa sinapupunan ko.
"H-huwag ngayon..." Pakiusap ko.
Dahil alam ko, may kung ano na naman siyang sasambitin na ikakasakit ng buo kong katawan. Panay ang iling ko at ayaw ko talaga ito pakiramdam na ito.
"Kailan nating gawin ito, Yana..." Malumanay nitong sagot sa akin at muli akong hinagkan sa aking labi. Nang humiwalay ako'y muli akong nailing.
"Bakit pa Mattheaus?" Nag-aalangan kong tanong. Natatakot talaga ako, na baka 'di ko kayanin.
"Para mabuhay siya..." Napaawang ang aking bibig. Ayaw kong mawala ang anak ko, ang anak namin. Hindi ako makakapayag!
"Gawin mo na..." Matapang kong utos sa kanya.
Hinaplos nito ang aking pisngi at muling bumalik ang galaw nito. Napalunok ako at napahawak sa batok niya. Humugot din ako ng malalim na hininga at napapikit. Para sa anak ko kakayanin ko.
"...conspectu tuo..." Pigil hininga akong napakapit ng mahigpit sa batok nito. Biglang nanginig ang buo kong kalamnan.
"...oblationem carissimum sodalem..." Napatungo na ako sa sobrang sakit.
Daig ko pa ang napasailalim sa kulam at talaga namang napakasakit nitong tiyan ko.
"Ugh!" Daing ko at 'di na maiwasan pang maiyak.
Diyos ko! Nagsimula na namang kumalat sa buo kong katawan ang kulay itim na rosas. At alam ko kung saan ang pinupunterya ng mga ito, ang puson ko.
"...aah!" Napatungo na ako sa sobrang pagpipigil.
Oo nga't may sarap na kasama itong pagniniig naming dalawa ngunit mas nangingibabaw sa akin 'yong sakit, kirot at hapdi sa kaloob-looban ng aking sinapupunan.
"...quaeso audite..." Muling sambit niya at kulang na lang ay i-untog ko ang sarili ko sa pader.
Wala sa sarili akong napatingin sa aking kaliwang kamay at laking pagtataka ko nang humaba ng konti ang mga kuko ko.
"...benedixeris in utero!" Muling sambit niya kasabay nang pagbayo sa akin.
Napaliyad ako nang umabot ako sa rurok ng kalangitan. Maging siya'y napaungol din at niyakap ako. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang batok at unti-unti na namang bumabalik sa normal ang aking pakiramdam. Ang markang itim na rosas sa aking katawan ay muling gumapang pabalik sa aking pulsuhan at agad na naglaho. Ngunit bahagya akong natigilan. Pakiramdam ko'y parang lumubo pa ng konti ang aking tiyan. Hinaplos naman ito ni Mattheaus.
"Lalaki siya, Yana..." Bulong nito sa akin. Marahan kong inangat ang aking ulo.
"L-lalaki?" Alanganin ko pang sambit.
Paano naman niya nalamang lalaki ang magiging anak namin gayong wala naman itong gamit na aparato.
"Talagang lalaki?" Ulit ko pa.
"Hmm..." Aniya kasabay nang pagtango ng kanyang ulo.
Sa sobrang saya ko'y talagang nagawa ko siyang yakapin sa kabila ng panglalanta ng aking katawan.
"Diyos ko..." Mangiyak-ngiyak kong sambit. Hindi talaga ako makapaniwalang lalaki ang anak naming dalawa ni Mattheaus.
"Mahal na mahal kita..." Sambit ko at buong puso ko siyang hinagkan sa kanyang labi.
*****
Hindi nagtagal ay umahon na kami sa pagkakababad sa tubig. Inilapag niya ako sa kanyang may kalakihang kama at kinumutan. Tumabi sa akin si Mattheaus at niyakap ako ng marahan, tipong 'di ako masasaktan. Napangiti ako at ipinikit na lamang ang aking mga mata.
*****
Fb: Maikitamahome WPKung may mga tanong po kayo, kindly post it on my message board para po madali kong makita.
Salamat Fairies.
Miaki
BINABASA MO ANG
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2]
VampirosSeries 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-anakan na si Cather...