The Reprisal

15 0 0
                                    

Napakatahimik na ang tanging maririnig mo lang ay ang mga kuliglig sa gabi.Pahangos na nagising si Paulo at parang syang basang sisiw dahil sa kanyang pawis,hinahabol ang kanyang hininga at maya maya'y unti-unti ng tumulo ang kanyang luha.Isang napakalagim na panaginip,dinalaw na naman sya ng kanyang kasintahan sa kabilang mundo,ang kasintahang matagal nyang minahal ngunit nakakalungkot na isiping sa kamay nya mismo ito namatay.

Tinungo nya ang pintuan ng kanyang kwarto at paglabas nya'y tinungo nya ang kusina. Binuksan nya ang ref at nagsalin ng tubig sa baso.Kalahati palang ang naiinom nya dito ng ibuhos nya sa sarili ang kalahati nito at nagumpisa a namang umiyak.

Iyak lang sya ng iyak habang humihingi ng patawad sa kasintahan.Napatigil na lang sya ng marinig ang pakabasag sa loob ng kwarto nya mismo,dali dali syang pumasok at hinanap kung alin ang nabasag.Nagulat sya ng makitang ang nabasag pala ay ang picture frame na kinalalagyan ng litrato nya at ng nobya.Pinulot nya iyon at ng makita ang litrato ay bigla nya itong nabitawan.Nakakatakot,nakakapanindig balahibo ang makita nya,punit ang kanyang mukha ay may tumutulong dugo at ang litrato ng kanyang nobya ay nagiba na,may hawak itong kutsilyo ay nakasaksak ito sa kanya habang ngumingiti ng nakakaloko.

Maya maya'y nakarinig sya ng mga boses na iisang tao lang ang nagmamay-ari,hindi sya maaaring magkamali,kilalang kilala nya ang napakalambing na boses na iyon,unti unting nawala ang malambing na boses ng dating nobya at napalitan ng nakakatindig balahibong tawa.Napatakip sya ng kanyang tenga,at paulit ulit na sinasabing tama na.

Hindi nagtagal nawala din ang nakakatakot na tawa,ngunit pagtingin nya sa kanang bahagi ay sumalubong sa kanya ang ang duguang mukha ng nobya na umiiyak.Napaatras sya ng kunti,unti unti namang gumapang papalapit sa kanya ang nobya,ngunit unti unti ding nagbago ang mukha nito.Naging maitim ang mga labi nito,ang mga ugat ay bumabakat sa mukha na kulay itim,Humaba ang dila na nakalabas sa bibig nito at pinapaikot-ikot,pati na rin ang mata nito ngunit huminto ito at pinagkakatitigan syang mabuti.Gumapang ito sa itaas nya,hindi makapagsalita si Paulo,takot na takot sya,gusto nyang tumakbo ngunit parang may kinokontrol sya.Piglas lang sya ng piglas,magkapantay na ngayon ang mukha nila,mas lalong syang pumiglas ng biglang naging parang halimaw ang mukha nito,humaba ang mga kuko nito,naging mabangis ang mukha at ang bunganga nito'y lumaki habang ang mga ngipin nito naging mas matalim pa sa kutsilyo.

Dahil sa takot ay bulong pwersang kumawala si Paulo at tumakbo palabas ng kwarto.Tinungo nya ang pinto palabas ng bahay nya ngunit hindi pa sya nakakalapit ay biglang lumitaw ang nobya sa harapan,agad naman syang tumakbo ngunit kahit saan sya pumunta ay nadoon ang dating nobya.Sumisigaw sya ng tulong habang umiiyak,nakakabakla man ngunit takot na takot na talaga sya.Hanggang tumakbo sya sa kusina at yon ang pinakamalaking pagkakamali na ginawa nya.

Tumingin sya sa gawi ng tumatawa ng nakakatakot at nanlaki ang mga mata nya ng makitang may hawak na kutsilyo ang kanyang nobya at pinaglalaruan ito.Mas lalo syang kinalaban ng inilihis nito ang paningin sa kanya.Napasigaw sya sa sakit na natama sa pagkakasaksak sa kanya ng kutsilyo sa kanang balikat,hindi sya nakaiwas dahil nagulat nalang sya ng nasaharapan na nya ang nobya at nakasaksak na sa kanya ang kutsilyong hawak nito.

"Napakapamilyar ng pangyayaring ito hindi ba"-turan ng babae at biglang nagbalik tanaw sa kanya ang nangyari noon.

~~~~~~

Nagluluto sa kusina ang kanyang nobya habang sya ay nakaupo sa sala.Kanina pa may bumabagabag sa kanyang isipan at sa tuwing mahahagip ng kanyang paningin ang nobya ay kumukulo ang dugo nya.Napatigil sya sa pagiisip ng marinig ang cellphone ng nobya na tumunog.Naginit ang ulo nya ng makita kung sino ang tumatawag,hindi nya na tinawag ang nobya upang sagutin ang tawag sa halip ay sya ang sumagot.

[~hello Angela anong oras ka pupunta dito~]-bungad ng tumawag,biglang uminit ang ulo nya at hindi mapigilang sigawan ang kausap nya.Sinabi nyang layuan na ang nobya nya dahil kung hindi ay papatayin nya ito.

Mula sa kusina naman ay lumabas si Angela dahil narinig ang pasigaw ng nobyo.Tinanong nya kung anong nangyari ngunit tinignan lang sya ni Paulo ng masama,napaurong naman si Angela.Ngunit nasakal na sya ng nobyo,pilit syang kumawala dito pero kahit anong gawin nya ay mas malakas talaga ang lalaki.Ngunit hindi sya pinakingang nito sa halip ay itinapon sya nito na parang bagay lang.Napasigaw sa sakit si Angela,lumakad palapit sa kanya ang nobyo.Pilit naman syang lumalayo hanggang nahablot na sya nito.Nasa loob na sila ng kusina"P-paulo ano bang nangyayari sayo"-mahihimigan ang sakit sa tinig ni Angela.Parang walang narinig si Paulo at sinakal ulit si Angela,pumipiglas naman ang dalaga at dahil don mas lalong nainis si Paulo hanggang nahagip ng mata nya ang kutsilyo at pinagsasaksak ang nobya at hindi pinakinggang ang pakiusap nito,hanggang mabawian na ito ng buhay.

Nabalik naman sa katotohanan si Paulo at nakitang lasog na lasog na katawan ng dalaga sa kakasaksak nya.Nabitawan ni Paulo ang kutsilyo at napaluhod at nagumpisa ng umiyak habang humihinga ng patawad sa nobya.

At dahil sa kinabahan sya kapag may nakaalam sa ginawa nya ay isinilid nya ang katawan ng nobya sa sako at itinambak sa bodegahan ng bahay nya.

~~~~~~~

Nabalik ang diwa nya ng naramdaman nya na sinaksak sya ng dating nobya sa tiyan.

"Patawad"-umiiyak nyang sabi ngunit umiling ang kaluluwa ni Angela

"Hindi,pinatay mo na nga ako hindi mo pa ako pinatahimik"-at sinaksak sya ulit sa binti.Umiyak lang ng umiyak si Paulo para sa sarili,pinagsasaksak sya ulit nito hanggang naghihikahos na ito

"Bubuhayin kita ngunit habang buhay kang gagambalain ng konsensya mo,yon ang pinakamasakit na parusa sa tanang buhay ng tao"

>>>>>>fast forward

Sa loob ng hospital room

"Sir ano pong nangyari"-tanong ng Ina ni Paulo sa pulis ng malaman nya ang balitang na ospital ang kanyang anak na lalaki.

"Sa ngayon po ay inaalam pa po naman ang nangyari hindi pa po kasi sya nagigising,basto po ay nakatanggap kami ng tawag na may sumisigaw sa bahay nito at pagkarating namin ay madami na po itong saksak na natamo at nagaagaw buhay"-Pulis

"Jusko po ang anak ko"-tanging nasabi ng Ina.

"Angela"-napatingin sila sa gawi ni Paulo,agad na lumapit ang Ina at ang pulis naman ay tumawag ng doctor

"Salamat naman sa diyos ay nagising ka na"-Ina,nagulat sya ng makitang nagbabadyang luha ng anak

"Anak bakit"-tanong ng Ina ngunit hindi sya sumagot at bigla na lang itong nawala at paulit ulit na humihingi ng tawad kay Angela

"Anak,jusko anong nangyayari sayo"-umiiyak na turan ng Ina,pumasok namana ng mga doctor at tinurukan sya ng pampakalma

"Dok ano pong nangayri sa anak ko"-Ina,hindi pa nakakasagot ang doctor ng biglang nagsalita si Paulo na nakapagpagulat sa lahat

"Pinatay ko sya,pinatay ko si Angela ang.....mabuti kong kasintahan"-Paulo

..........

Hindi mapigilan ng pamilya ni Angela na umiyak,natagpuan na ni,a ang katawan nito na inuuod na.

Ang hindi nila alam ay nasa tabi nila si Angle at malungkot na ngumiti at namaalam.

Sa kalagayan naman ni Paulo ay naconfine sya sa mental institution.Nakaupo sya sa isang bench sa hospital ng biglang humangin at naramdaman nalang nya na parang may yumakap sa kanya.Napaluha sya ng tignan nya ito,si Angela.....ang babaeng mahal na mahal nya ngunit napatay nya.Ngumiti sya ng malungkot nasa harap nya ngayon ang dating Angela,ang maganda nito ng mukha,ang ngiting makakapagpagaan ng kanyang kalooban.

"Mahal kita"-turan ni Angela at unti unting lumaho.Hindi na mapigilan ni Paulo ng umiyak ng malakas.Napaluhod sya sa kalungkutan

"Mahal din kita Angela,mahal na mahal.....patawad"-Paulo

Macer MorcisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon