The Second Time Chapter One: Moving on

694 16 3
                                    


"Life is about taking risk. Kung hindi ka marunong sumugal, hindi mo malalaman kung anong kaya mong gawin. Sometimes you need to do the most absurd thing, para masabi mong dito ako magaling at dito ako masaya. Sometimes it's best to get out of your comfort zone. Bitawan ang mga bagay na kailangan nang bitawan lalo na kung nasasaktan ka na. Kahit pa minsan naging napakahalaga ito sa'yo. Kasi malay mo diba, yan yung magpapagaan ng buhay mo at mare realize mong hindi ka na iiyak at hindi ka na masasaktan," Tumulo ang mga luha ko, "Kaya ayoko na sa'yo!!"

"And...Cut!" Nagsipalakpakan ang mga staffs sa paligid ko at pati si direk Maricel.  She stood up from her seat and hugged me. "Ang galing mo talaga, Denise. I'm so proud!"

I faced her and smiled,"Syempre naman. Magaling ang direktor ko eh, diba? At saka, gusto ko nga maging kagaya mo." Ate Maricel has been my mentor since I started Cinematography sa College last year. And never siyang naubusan ng tiwala sa akin. She tapped my shoulder, showed off a small smile and looked back at me.

"Okay guys!" Sabi ni ate Maricel habang nakatingin sa mga crew, "Break muna tayo for one hour." Finally! Just what I needed! Pumunta si ate Maricel sa banyo, habang ako ay pumunta sa canteen. We're at the campus para mag shooting for our cinematography society university project. First day ngayon at ako ang bida.

Nasa loob na ako ng canteen ng biglang nakakita ako ng babaeng nakahawak ng poster ni Daniel Pangilinan. I can't help but smile. Naalala ko last year, iyak pa ako ng iyak dahil paulit-ulit nalang pumapasok sa utak ko si Daniel. Paano ba naman, sa tv, billboards, sa mga usapan, sa radio, at kahit sa mga pamabatang notebooks lage ko siyang nakikita at naririnig. Pero nun, mabuti nandun si ate Maricel. She introduced me sa mundo ng cinema at unting-unti nakakalimutan ko si Daniel. Kahit Makita ko siya, wala ng effect.

Di nagtagal biglang may naglagay sa harapan ko ng orang juice na can. "Stress ka ba, my labs?"

"My labs mo yang mukha mo!" I laughed.

He sat in front of me and I stared hard at him. His eyes met mine. His brown eyes, his soft black hair, at ang napaka kissable lips niya, sino bang hindi magkakagusto sa taong to. Ibang- iba tong si Jason sa mga nakilala ko. Napakabait. Matalino. At higit sa lahat, kahit campus heart throb siya at daming nagkakagusto sa kanya, kaya niya maging humble at loyal. Hindi ko matiis na tumitig  sa kanya habang nakangiti.  "But seriously, okay ka lang?" He asked again.

"Oo naman. May iniisip lang pero wala lang to."


Mabuti nalang okay lang sa kanya kahit hindi ko pa siya sinasagot. Many people asked me, bakit di ko pa sinasagot ang manliligaw kong almost perfect? Yes, he's really almost perfect. Pero ewan ko. Parang may pumipigil sa akin. Hindi ko alam. Baka hindi ako ready, o baka...

"HE'S HERE OH MY GOD!!" Biglang sigawan ng mga babae na tumatakbo papunta canteen. "Guys, you won't believe it!!" Sabi ng babaeng napa pink ng shades. Tinanong siya, "Ano?! May artista ba?!"

"You bet! Nandito si Daniel Pangilinan!!" Uh-oh. Parang sumakit yata tiyan ko gusto kong mag cr. Gusto kong magkulong sa isang classroom at mag lock hanggang sa umuwi na lahat ng tao. I don't understand myself. Kanina pa ako tinitignan ni Jason. "Come on Denise, it's obvious sa mukha mong may iniisip ka na malalim. Ano ba yan? Please tell me."

I stood up and grabbed my bags and notebooks. "Ang kulit mo din ano! Okay lang ako!" Then I walked out. Hindi ko na pinapansin na tinatawag ni Jason ang pangalan ko. Hindi ko na pinapansin na hinahabol niya ako. Sa pagtakbo ko, maraming lalaki ang nakasuot ng black jacket at naka shades. Naku, ganun na ganun pa naman si Daniel.

Jason followed me until umabot kami sa venue ng shooting ko. Pagdating ko dun, napansin kong tahimik ang ibang mga cast at crew. Si direk naman medyo tulala. Anong nangyayari dito? Tumitingin-tingin ako sa paligid. Baka nandito yung taong yun. Nakakaloka!

When ate Maricel saw me, bigla siyang nagsalita, "I have an important announcement to make." Announcement daw? Bakit ganun, di ko pa nga alam sobrang kabog na ng damdamin ko. Hindi kaya...hindi kaya...huwag naman Lord please! Sana hindi si Daniel ang bagong cast namin!

 "I'll be in Canada for a  quiet long time. So mukhang may dapat pumalit sa akin bilang director dito," Everyone gazed at me. Ayan ka Denise, sobrang assuming mo. Teka, nanghihinayang ba ako? Ano ba yan!

Lumapit si ate Maricel sa akin at sabi, "Is it okay if ikaw ang pumalit sa akin, Denise?" Muntik na akong hindi makapag salita. Nagulat ako at lumaki ang mga mata ko. Then finally, I responded, "Of course, direk. Para sa'yo."


Ngumiti si ate Maricel and she announced sa lahat na ako na muna ang director ng pelikula. Sumangayon naman ang mga cast at crew. Friends ko din sila eh. May iba ngang nag congratulate sa akin. Umalis na si Jason bago kami nagsimula mag take. Madami raw siyang gagawin.

After the last shooting with ate Maricel,  nag-ayos kami ng mga gamit nila para pauwi sa bahay. Hay naman salamat, akala ko talaga magkikita kami ni Daniel.


"Oo nga pala, Denise," sabi ni ate Maricel habang may inaayos siya sa loob ng bag niya, "May nakita na akong actor para sa role ni Franco."


"Sino yan?"


"Pinsan ko. Si Daniel Pangilinan. Nandito nga siya kanina pero umalis agad. Huwag kang mag-alala babalik naman siya bukas para sa shooting."


Anak ng kalabaw! May LBM na yata ako. Hindi ko kaya pumasok bukas.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon