Marso 29, 2016 / 10:02 am
Mensahe ni Tonto sa FB ni Anghelita,
(pamangkin ng asawa nya na nakikituloy sa kanila)
Dahil sa pangyayari kagabi
At sa aksyon ng paglaban sa Tita mo.
Mas mabuti na sigurong umuwi ka na muna sa inyo
Para di na ito maulit uli
At may mangyaring mas malala pa.
At para makahingi lang din ako
Ng kaunting respeto bilang may ari ng bahay.
Ang gusto lang naman sana ng Tita mo
Ay kaunting pakisama lang.
Bilang nakikitira sa bahay.
Nahihiya na kasi sya akin
Dahil ako na nga nagpapakain
Ako pa yung maghuhugas ng pinggan
Na pinagkainan mo.
Gaya nila Tito mo, at mga pamangkin halimbawa
Di ba nakatira sa inyo?sa bahay ng MAMA mo.
Pinapakain ng MAMA mo.
Tapos kung di sila nakikisama, tamad, tambay,
Text lang ng text at di tumutulong sa bahay,
yung pinagkainan nila ayaw nila hugasan
mama mo pa maghuhugas.
Palagay mo masisiyahan ba ang mama mo
Na pagod na pagod na para lang may
Mapakain sa kanila.
At kung sabihin mo n kaunti ka lang kumakain
Gumagamit ka din nman ng iba naming binabayaran
Gaya ng Kuryente, tubig, sabon atbp. Di ba.
Di ito para isumbat kundi para ipakita
At may matutunan sa sitwasyon
Na kahit san ka pa pumuntang bahay
O lugar mahalaga ang hiya at pakikisama.
Umuwi ka na muna at ipapadala na lang namin
Yung mga gamit mo.
Balikan mo na lang yung card mo
Pagkuhanan na.
Sana di mo msamain ang una
at huling pagkakataon na magsasalita
ako sa iyo sa lahat ng ginagawa mo dito sa bahay
Bagkus magamit mo itong aral.
Salamat sa pang unawa.
BINABASA MO ANG
Diary ni Tonto
FanfictionDiary ni Tonto Taguan ng mga lihim kong kuwento. Na gusto kong itala. Bilang alaala sa mga kakaibang bahagi at araw ng aking buhay na lihim kahit sa aking asawa, anak, kamag-anak at lalo na ng mga di ko kakilala na kilala ako. In short isang Diary...