We Meet Again

4.4K 189 13
                                    

"HUY, HANNA!"

Napapiksi ako. Nasa harapan ko na pala si Winnie, classmate at best friend ko. Sinimangutan ko siya. "Huwag ka ngang nanggugulat diyan." Ang bruha, tinawanan pa ako.

Ipinatong ni Winnie ang tray sa mesa saka umupo sa tapat ko. Napangiti ako nang malawak. Ang dami niyang biniling pagkain.

Naghugis-puso ang mga mata ko pagkakita sa egg pie at potato chips na paborito ko. Alam na alam talaga ng babaitang 'to ang gusto ko. Libre niya kasi. Pambawi dahil iniwan niya ako kahapon sa ere para lang i-stalk-in ang crush niya kahapon.

Pumalatak si Winnie. "Kaya naman pala wala ka sa reality. Absorbed na absorbed ka na naman sa pakikinig diyan sa music box mo. Hindi ka ba nagsasawa, girl? Every day mo na lang 'yan pinapakinggan. Anytime, anywhere ang peg."

"Hindi ako magsasawang pakinggan 'to, 'no? Favorite song ko 'to, eh." Kahit maingay dito sa school cafeteria, malinaw pa rin sa pandinig ko ang tunog ng music box.

She rolled her eyes at me. "I understand na may sentimental value 'yan sa 'yo. Na bigay sa 'yo 'yan ni Mr. Music Box at siyang dahilan kung bakit naka-move on ka sa pagkamatay ng ate mo. Na-memorize ko na nga ang lyrics sa kapapatugtog mo. Pero umay na umay na ang beauty ko diyan, girl! Please lang. Kahit isang araw lang. Huwag mong patugtugin."

I chuckled. "Kumain na nga tayo." I rubbed my palms in excitement. "Salamat dito, bes, ah." Una kong nilantakan ang bacon clubhouse. Napaungol ako. "Mmm. 'Sarap talaga 'pag libre!"

"Alam mo, ang liit ng katawan mo pero kung makakain ka, daig mo pa ang sampung sundalo. Hindi ko alam kung saan napupunta 'yang mga kinakain mo, eh."

Nagkibit-balikat ako. "Kung ganito ba naman lagi, eh, payag na akong iwanan mo ulit sa ere. Kailan mo ulit i-stalk-in 'yong crush mo?"

"Gaga! Brokenhearted ako," nakabusangot na usal ni Winnie at sumubo ng maliit na piraso sa sandwich. Sigurado akong hindi niya 'yon mauubos kasi brokenhearted siya. Hihingiin ko 'yon sa kanya mamaya.

"Bakit? Anyare?" Nang maubos ko ang clubhouse ay chocolate muffins naman ang tinira ko.

"Baklush si Ruiz!" parang batang nagpapadyak si Winnie. Si Ruiz 'yong crush niyang taga-Maria Fatima University. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok doon. Katulad ng Monica Verde, hindi rin basta-basta nagpapapasok ng outsiders ang Maria Fatima University. "Hindi kami talo. Lalaki rin pala ang gusto!" mangiyak-ngiyak siya pero wala namang luha. Pinunasan niya pa ang imaginary tears niya.

"Iyong hitik sa biceps, bakla?" Kahit ako nagulat. Nakita ko na kasi si Ruiz Jimenez. Walang duda, guwapo naman. Maputi, matangkad, clean-cut ang buhok, at maganda ang pangangatawan. Basketball player din ayon kay Winnie.

"Oo! God, I still can't believe it. Sinundan ko kasi siya. Halos malaglag ang panga ko sa lupa nang sa pinagkukublihan kong halaman ay nakita ko si Ruiz na may ka-holding hands na lalaki! Ang sweet-sweet pa nila! At ang endearment nila? 'Mahal ko'! Hindi pala siya basketball player. Mali 'yong source ko. Masasakal ko talaga 'yon. Iyong boyfriend niya ang basketball player. Kaya lang siya naglalaro ng basketball kasi kasali sa varsity team 'yong jowa niya. Kitang-kita ko kung paano kumendeng si Ruiz, Hanna. Mas malambot pa ang katawan sa akin. Ang sakit!" Pinunasan na naman niya ang kanyang invisible tears.

Napangiwi ako. "Move on ka na lang, girl."

"Ano pa ba nga ba? Sayang si Ruiz." Damang-dama ko ang panghihinayang niya. Isang linggo din kasi niyang pinagpantasyahan ang lalaking 'yon na berde pala.

Sanay naman na ako sa kaibigan kong 'to. Marami siyang crush. 'Sing-haba nga ng Great Wall of China ang listahan niya, eh. Noong nakaraan ay hindi si Ruiz ang crush niya, pero nang malaman ni Winnie na may girlfriend 'yong guy, tumigil siya. Ayaw daw niyang pagnasahan ang may sabit.

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon