Special Chapter 10

3.6K 60 8
                                    

    
Riven Charles's PoV
      

Ngumiti sa akin si Chen Chen at nagthumbs up kaya ngumiti rin ako. Hinarap ko sila Mommy at Daddy habang hawak hawak ko ang kamay ng mahal ko.

"Mom, Dad, Loise... Si Afia, girlfriend ko."

Ngumiti silang lahat at masayang niyakap si Afia. Hindi na iba si Afia dahil mula pagkabata ay kilalang kilala na nila siya, magbestfriend ba naman ang mga magulang namin e.

     
"Wooh. Binata na si kuya. Hahaha." Sigaw ni Chen Chen habang tumatawa.

Speaking of Chen Chen, I explain it to him all about us, Afia, and he said he knew it from the start pero talagang timaan siya kaya ngayon ay itinutuon niya ang sarili sa ibang bagay katulad ng pagbuo niya ng band sa school at ngayon ay makikipagcontest sila sa ibang school.

Marami ang nangyari sa nakalipas na tatlong buwan. Si Hanna, ayun masaya siya sa ampunan, hindi siya natigil sa pag-aaral dahil sinusuportahan pa rin siya nila Mommy at Daddy.

Si tita Israel naman ay masayang nagbabakasyon ngayon kasama ang asawa niyang si Tito Allan, last month lang sila kinasal at ngayong month lang sila nakapagbakasyon for there honeymoon.

Sina Lolo at Lola naman ay papunta na daw dito. Pati sina --- Ehem---- Tito Cejay at Tita Ella ay nasa daan na. Sa totoo lang ay silang lahat pupunta dito pati na rin sina Vince at Lola Zenny because they're already part of the family.

"Yash~" bulong na tawag sa akin ni Afia. Nginitian ko lang siya at sinenyasang sumama kina Mommy sa kitchen para makabond nila sa pagluluto, nahihiya yan kaya ganyan. Hehe.

"Kuya."  Tawag sa akin ni Loise na may hawak na bulaklak. "Pakisabi nalang kina Mommy na pumunta ko ng cemetery saglit, dadalawin ko lang si Vince. Thanks kuya."

"Ingat bunso." Paalala ko sa kanya saka siya mabilis na hinalikan sa pisngi.

Si Chloe... I don't know if she already moved on with her Vince. Vince is a very important person in her life.

How important? Let's see.

Chloe Riezl's PoV

     
Pagkapaalam ko kay kuya ay agad akong pumunta ng sementeryo para bisitahin si Vince.

Everyweek ko siyang dinadalaw at sa mga nakaraang buwan ay palagi kong nadadatnan ang puntod niya na may bagong sinding kandila at fresh flowers.

Tinawagan ko ang parents niya pero nasa ibang bansa daw sila. Naisip ko, baka one of his relatives ang dumadalaw at hindi ko lang naaabutan tuwing dumadalaw ako.

Mula nong mamatay si Vince almost 3 years ago ay palagi ko siyang dinadalaw, feeling ko kasi nasa tabi ko lang siya palagi, kilalang kilala na rin ako ng mga guards dito kaya kahit gabi na ay pinapapasok pa rin nila ako.

Ipinatong ko ang bulaklak sa lapida niya at sinindihan ang kandila saka umupo sa tapat nito.

"Mukhang ako lang yata ang dalaw mo ngayon ah."  Usap ko dito at alam ko namang hindi siya sasagot. Hehe.

"Ako lang talaga kasi ang nagmamahal sa'yo. Hahaha." Tumingala ako sa langit para pagmasdan ang mga ulap at ibon na lumilipad.  Naks! Gabi na pero nakikita ko pa rin ang mga ibon na lumilipad! Hahaha "Ber months na naman pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa sinabi mo noon, i don't know if its true or you're only saying such thing para paniwalain ako at para pakawalan ka. Umasa ako na sabay tayong tatanda pero iniwan mo ko sa ere. You even said that we got arranged marriage by our parents, syempre natuwa ako dahil ang mapapangasawa ko ay bestfriend ko kaso andaya mo talaga e. Bakit ba kasi kailangang iwan mo ko ng ganito kaaga?"

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon