OH, GOD. Hindi ko akalaing iisa ang university na pinapasukan namin. Mapaglaro talaga ang tadhana. Matagal ko na palang nakilala si Mr. Music Box pero wala akong kaalam-alam. Palagi kasing naka-jacket si Chase kaya hindi ko agad nakita ang clue—ang peklat niya.It made sense to me now. Kaya pala hindi ako natatakot sa kanya. Kaya pala hindi ko siya mahusgahan basta-basta. Kaya pala tuwing tinitingnan ko siya, may curiosity akong nararamdaman. Iyon pala, siya si Mr. Music Box. Siya ang batang lalaking nakilala ko noon.
"Nakita rin kita sa wakas. Ang tagal kitang hinanap," puno ng galak na pahayag ko kay Chase.
"What the fuck are you talking about?"
Nabawasan nang very slight ang ngiti ko. Hindi niya naaalala?
Malamang! Ikaw ba naman ang biglang susulpot na parang kabute sa harapan niya at tatawagin siya sa ibang pangalan. Singit ng tinig sa isip ko.
Oo nga pala. Lihim akong natawa. Ang tanga ko talaga. Natural walang idea si Chase na Mr. Music Box ang tawag ko sa kanya.
"Eww. What's that at the top of your head?" maarteng tanong ng babaeng kahalikan ni Chase.
Kinapa ko ang nasa tuktok ng ulo ko at kinuha 'yon. "Tuyong dahon. Na-shoot kasi kami ng kaibigan ko sa basurahan kanina."
"Yuck! Kaya pala ang baho rito." Lukot ang mukhang tinakpan ng babae ng kamay ang ilong.
Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho. Exag naman nito.
"Are you on crack?" Dumagundong ang boses ni Chase. "Kasi wala akong time na pumatol sa kabaliwan mo. You're disturbing us." Kung naiba lang ako, baka kumaripas na ako ng takbo dahil sa matalim na tinging ipinupukol ni Chase sa akin. This was Chase Mondragon's deadly stare. Kahit sino matatakot. Except me.
"Oo nga. Nagmo-moment kami rito ni Chase ko, 'tapos nanggugulo ka? Sino ka ba, ha?" pagsegunda ng maharot na babae, sabay parang sawang ipinulupot ang isang braso sa baywang ni Chase.
"Hindi ako nababaliw. May proof ako." Kinuha ko iyon sa bag. "Ito, o. Ikaw ang nagbigay nito sa 'kin nine years ago. Ako 'yong batang babaeng nakita mong umiiyak sa park ng Diamond Village. Sinabi ko sa 'yo ang reason kung bakit ako malungkot, pagkatapos nilapitan mo ako at ipinahiram mo sa 'kin ang panyo na 'to at ibinigay ang music box na napalanunan mo sa perya. Isasauli ko sana ang panyo mo pero bigla kang nawala. Tandang-tanda ko pa, Chase. Hindi ka nawala sa isip ko throughout the years. At masayang-masaya ako na nagkatagpo uli tayo."
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Chase pagkakita sa panyo at music box. Halatang nagulat siya. Nabuhayan ako. Naaalala niya!
"You're the reason why I recovered from my sister's untimely death, Chase," I continued. "Kung hindi dahil sa 'yo, baka sinisisi ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon. You helped me. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita para magpasalamat. Thank you, Chase. I'm Hanna Joy Andrade, second year Fine Arts student. Can we be friends?" Nginitian ko siya nang matamis.
This is it, Hanna. This is it! Please say yes. Please—
"Sorry to burst your bubble, Miss. Whoever you are. But I don't remember you. I don't know what you're talking about and definitely not the owner of those. Now, get out of my sight."
What? Hindi niya talaga naaalala? Pero taliwas sa sinasabi niya ang reaksiyon niya kanina!
"No! You're lying!" Nagtagis ang mga bagang ni Chase. "Ikaw ang batang lalaking 'yon. Why are you denying that? Nakita ko ang reaksiyon mo pagkakita sa panyo at music box kaya sure na sure akong naaalala mo."
"My, my. I never thought you are this persistent. Paano ka naman nakakasiguro na ako 'yong batang lalaking sinasabi mo? Maybe you're the one here who's making up stories just to get my attention. You're one of those fucking girls trying to woo my ass off. Well then. Congratulations. It worked. Good story."
"I'm not making up stories. I'm certain you're Mr. Music Box because of this." He flinched when I held his right arm, 'yong may peklat. "The moment I saw this scar, hindi ako nagduda. Malakas din ang kutob kong tama ako. Iyong letrang nakaburda sa panyo mo. C is for Chase, right? At saka matanda ka rin sa aking isang taon. Eleven years old ka no'ng nagkakilala tayo at ten naman ako. 'Mr. Music Box' ang tawag ko sa 'yo kasi hindi ko alam ang pangalan mo. Hindi ako nagkaroon ng chance na itanong sa 'yo."
"Don't touch me!"
Tinulak niya ako. Tinulak din niya 'yong babaeng kasama niya. 'Buti na lang nakabalanse ako kaya hindi ako natumba. Iyong babae ang napasadlak sa damuhan.
Bewildered, I looked at Chase. Galit na galit na siya. Nagbabaga ang mga mata niya at nagngangalit ang mga ngipin.
"Hindi lang ako ang may peklat na ganito at hindi lang ako ang may pangalang nagsisimula sa letter C kaya huwag kang assumera. Hindi ka nakakatawa. Huwag na huwag ka nang lalapit sa akin. I don't wanna see your face ever again."
"Pero Cha—"
"Hanna!"
Hindi ko na napigilan sa pag-alis si Chase. Siya namang paglapit ni Winnie.
"Oh, Chase, baby. Wait for me!" Nagmamadaling sumunod kay Chase 'yong sawang babae. Puno ng damo ang puwet niya.
"Hanna, nababaliw ka ba? Ano'ng pumasok sa utak mo at nilapitan mo si Chase Mondragon? He almost hurt you!" nanghihilakbot na tugis ni Winnie. "My gosh. Masisiraan ako ng bait sa 'yo, babae ka!"
"Winnie, siya si Mr. Music Box."
"What?!"
"The scar on his right arm confirmed it. Pero ikinaila niya. Hindi raw niya naaalala."
Shocked na napasandal si Winnie sa pader. "I can't believe it. So, what are you going to do?"
"Siyempre, hindi ako susuko. Hindi ako titigil hangga't hindi siya umaamin," determinadong sagot ko. Kahit nalungkot ako sa pag-deny niya.
"I suggest you stop, Hanna. Ikaw na rin ang nagsabi. Ikinaila niya. Meaning, he's not interested. Natatakot lang ako sa maaari niyang gawin sa 'yo. Kilala kita. Makulit ka pa naman at hindi mahaba ang pasensiya ni Chase. Look what he did to you. He freaking pushed you! People change, Hanna. And it's been what? Nine years. Sobrang tagal na ng panahon ang lumipas. Hindi na siya 'yong dating nakilala mo. Just leave him in the past, girl. At least, nakilala mo na siya at nasabi mo na ang gusto mong sabihin. Okay na 'yon."
"No. I won't give up on him. Isa siyang malaking parte ng buhay ko, Winnie."
What happened to you, Chase? Ibang-iba ka na. Wala na 'yong masayahing batang lalaki na nakilala ko. I know Chase was not a bad guy. I saw sadness in his beautiful eyes. Kino-conceal lang ng galit. Sigurado akong may nangyari na nakapagpabago sa ugali niya.
Winnie's right. How did I forget that I'd be dealing with the notorious bad boy in our campus that is Chase Mondragon? Actually, iyon ang unang beses na nag-usap kami. Siguradong mahihirapan ako.
I made up my mind. So what kung mahihirapan ako? Hindi pa rin ako susuko. Hindi lang pagkakaibigan ang goal ko, pasasayahin ko rin siya. I will bring back the cheerful Mr. Music Box I've known nine years ago. This time, ako naman ang magpapasaya sa kanya.
Aja!
BINABASA MO ANG
MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔
RomansaIpinangako ni Hanna na kapag nakita niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng music box ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Naitaga na nga niya iyon sa bato, eh. Malaki ang naitulong ng music box para maka-move on siya sa nangyari sa ka...