"Tapos ka na ba? Malapit na matapos ang lunch period. Naku nakakatakot pa naman kung magalit si Ean kapag na-late tayo~" Naiinip na sabi ni Yvonne. Huh? Ano naman kinalaman ni Ean dito?
"Teka! Nakita mo yung babae kanina diba?!"
"Yup, kawawa naman siya~" Sabi niya pero hindi naman siya mukhang naaawa! Parang normal na normal na sa kanya na mangyari ito.
"Sabihin natin sa teachers!" Palabas na ako ng CR nang hinawakan ako sa kamay ni Yvonne.
"Hindi pwede. Kasalanan niya iyon. At ang nangyari sa kanya ngayon ay parusa sa ginawa niya. Kung gusto mo matulad sa kanya, sige hahayaan kita." Hindi ko alam pero nanginig ako sa pagsasalita ni Yvonne. Makikita sa mata niya na seryoso siya. Hindi ito ang Yvonne na kilala ko!
"Pero tignan mo~ Ta-da! Buhay ka pa! Ibig sabihin nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko." Bumalik na ang dating masayang tono sa pagsasalita niya.
Anong trabaho ang sinasabi niya? Sino ba talaga siya?
"Hindi ka man lang ba nagaalala sa kanya? Sa pamilya niya?" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin, kaso wala itong nagawa.
"Eh? Hmm... wala akong pake sa iba, basta masaya, gagawin ko~" Hinatak niya ako palabas at naglakad na kami papunta sa classroom ko.
Hindi ko alam kung bakit pero.... parang mapanganib kapag kasama siya...
Maya-maya tumigil kami sa paglalakad.
"Anong problema?" Sinubukan ko ulit tanggalin ang kamay niya pero ayaw talaga maalis.
"Ah! Naalala ko pala na may laro ang section natin ngayon! Kaya pwede tayong ma-late o hindi na pumasok kung gusto mo~"
Huh? Laro? Anong klaseng laro? Mga isip bata ba ang mga kaklase ko para magkaron ng laro dito?
"Isang laro na nagde-desisyon ng pagkatao mo. Hihihi~ punta na nga lang tayo, excited na ako ii~" At nagmadaling naglakad si Yvonne, wala akong magagawa kundi sumunod.
Kung laro ito ng hilaan, panalo na si Yvonne. At anong klaseng laro ang nagde-desisyon ng pagkatao ng isang tao? Puro kalokohan naman.
Pagkarating namin sa classroom, mukhang maayos naman ang lahat. Hindi pa nila siguro nalalaman ang nangyari sa kabilang section.
Pagkapasok namin ang una kong napansin ang grupo ng mga babae na nasa likod. Wait... sila ba yung-
"Buti naman hindi ka naligaw, masasayang yung welcome party na ginawa namin *smirk*"
Classmates ko sila?! Biglang lumapit sa akin yung 'Queen' at tinulak ako ng malakas, napaupo tuloy ako sa sahig. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi na nakahawak sa akin si Yvonne o magagalit dahil sa ginawa ng babae na ito.
Mabilis na lumapit sa akin yung 'Queen' at balak na sampalin ako. Hindi ako nakareact dahil sa bilis ng pangyayari, napapikit na lang ako. Hinintay ko yung pagsampal niya pero wala akong naramdaman. Pagtingin ko, hinawakan ni Yvonne ang kamay niya.
Woo! Mahigpit talaga humawak ng kamay si Yvonne.
"Ano sa tingin mo ginagawa mo, Ms. Yvonne dela Antimony?!" sigaw ng 'Queen'. Iyun ba ang full name ni Yvonne?
"Aww~ na touch naman ako doon, Ms. Olivia le'Belle. Naalala mo pa name ko" Siguro pangalan iyun ng 'Queen', teka bakit full name ang tawagan nila?
"How dare you! Nakalimutan mo na ba ang posisyon mo? O nabagok ang ulo mo at nakalimutan mo lahat ng rules na ginawa ko?!"
BINABASA MO ANG
Axion University: School of Murder
Misterio / SuspensoAng Axion University na mas kilala bilang Murder University. Normal na ang pumatay at mapatay. Ngunit huwag ka dapat pumikit, dahil baka ikaw na ang sumunod. Ito'y mayroong ranking system na kailangan sundin ng lahat. Kung ikaw ay may kapangyarihan...