*Flashback
Another morning, another beautiful day.
"Good Morning Cindy!"sabi ko sa sarili ko at tumayo na ako
*ring *ring *ring
Mm?! may tumatawag?, Sino kaya 'yun?
Pagka-punta ko sa kinalalagyan ng phone ko, biglang binaba ng caller.
1 new message!
From: Blake Arciaga
Goodmorning, Cindy! See you at school. I love you. :*
Aba!! ang aga-aga kinilig agad ako. hahaha!!
Replyan ko nga..
To: Blake Arciaga
Goodmorning Blake! Ingat on the way! Wag mong kalimutan yung deal natin haaa! 3:) I love you too. :)
Waaa! kinikilig ako!! Makaligo na nga, baka kaka-text namin ma-late pa ako!
"Mommy!!" sigaw ko paglabas ng kwarto habang nababa sa hagdan ng pagka-laki-laki naming bahay.
"Bakit!??" galit na sagot ni Mommy. Grabe talaga 'tong si mommy.
"Wala lang mommy" sabi ko sabay kuha ng isang saging sa la mesa.
Umakyat na din ako dahil di pa ako nakakaligo.
"Oo nga po pala Mommy, I need to be early today, Babaunin ko na lang po yung breakfast ko pati lunch Ma, paki-sama, thank you" sabi ko bago pumasok uli ng kwarto ko.
Ni-ready ko muna yung uniform ko sa bed ko and then gora ligo na!!
Kinuha ko uli yung phone ko sa bed, and then inopen ko yung spotify. Can't take a bath without music!
*1 new message
Blake, My gosh, mamaya na please baka di ako makatapos maligo.
*2 new messages
Ugh!! Bibilisan na nga eh ito na oh!!
*3 new messages
I'm done!! Nagsuot muna ako ng bath robe and then I grabbed my phone. Umupo ako sa work desk ko nag-ayos ng onti. Mamaya ko na babasahin yung message ni Blake baka di ako makatapos.
And so I wore my uniform, brushed my hair, wore one cute clip, wore my shoes, grabbed my bag, took one last look at the mirror, and lastly, I grabbed my phone.
Sobrang excited kong binuksan yung messages ni Blake. Syempre, boyfriend ko yun eh.
From :Blake Arciaga
Hoy?! Where are you? I'm at school already. Hay nako, always late.
----------------------------------------------------------------------------------------
From: Blake Arciaga
Aba!! No answer?? Uso pala sa'yo 'yon ha?? Lagot ka sa'kin!!
----------------------------------------------------------------------------------------
From: Blake Arciaga
Come on babe, where are you already? I've got surprises for you. :(
Wahh!!! He called me "babe" OMG OMG OMG for the first time. Before, I thought that word is so cheesy, pero ngayon na tinawag n'ya akong "babe", ok na! Ok na talaga. I really have to get going.
BINABASA MO ANG
I Have Lost You
RomanceHow is life worth living? How is life worth living when I've lost you?