Chapter 6

8 1 0
                                    


"Wow" was the only word I can say.

We just reached our destination, sakto sunrise. It's breathtaking!

"Astig no?"

Napatingin ako sa nag salita. I just smiled at him at muling ibinalik ang tingin sa pag sikat ng araw.

It's my first time to watch sunrise. I didnt expect to watch it with Titus beside me. Napaka magical.

Lahat kami mangha sa sunrise. Sino bang hindi? Ang ganda ganda. Pero ang inaabangan ko talaga eh sunset. First time ko ding manuod non.

Nag settle na kami. Malaki ung rest house nila Tita Jacky kaya kasya naman kami. Kaya lang, 2 families sa iisang kwarto. Kasama namin sa kwarto ung family ni Tita Anya. Yes. Sila Titus. Di ko alam kung dapat ba kong kiligin o ano eh! Hays.

--

"Hoy, Titut utut! Tara swimming tayo?" Aya ko kay Titus na naka upo lang sa may buhangin.

Umiling lang siya sakin. I frowned. Anong drama neto?

"Problema mo? Share naman dyaan!!"

"Tsk." Sabi niya at pinatong sa nakaunat kong binti ung cellphone niya na agad ko namang tinignan.

"Oh anong meron-- holy sht." Napatigil ako bigla sa nakita ko. Profile ni Andy? At may kasamang lalaki? Ano to? Kapalif agad?


I mean, oo. Ilang buwan na din ung nakalipas pero.. isang taon din sila ni Titus. Mula nung freshman pa si Andy at sophomore si Titus, sila na. Tapos..wow.


Napatingin ako kay Titus na umiiling iling habang nakayuko. I could swear I saw tear flow down from his eyes.


Napahawak ako sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng sakit. Nasasaktan akong makitang nasasaktan si Titus.


Hinawakan ko siya sa likod at tinapik tapik.

"Okay lang yan."

Umiling iling siya. "Mahal ko eh. Mahal na mahal" nakita kong nag tuloy tuloy na sa pag agos ang mga luha mula sa mata niya. Mahal na mahal niya nga si Titus.


Nagi guilty nanaman ako. Feeling ko kasi kasalanan ko.

"Sorry na okay? Kasalanan ko naman talaga. Kung di ko nai declare un, malamang kayo pa."

"Hindi na rin siguro. Matagal ko nang napapansin na gusto nang makipag hiwalay ni Andy. Ilang beses siyang nag cheat eh. Nasakto lang dun sa pag sumpa mo!"

"Alam mo, kung hindi tayo nag dadramahan nabatukan na kita!"

Tumawa siya. Pero alam kong may lungkot at sakit pa din siyang nadarama.

"Mag kwento ka nga." Sabi ko habang inaabot ung sanga sa gilid ng punong niyog.

"Tungkol saan?" His eyes were still bore sa dagat.

"Kay Andy. Kung bakit mahal na mahal mo siya at hanggang ngayon ay hindi mo pa din siya makalimutan?"

Tanga ko naman. Nagpakwento sa crush niya tungkol sa babaeng mahal niya. Wow.

Matagal siya bago nag response. Akala ko nga ayaw niya eh. Kaya hinayaan ko nalang. Pero nagulat ako ng nag salita siya.

"Nung una kaming mag kakilala ni Andy, galit ako sakanya non. Nabali niya kasi ung paborito kong drumsticks. Ayon, sinabi niyang papalitan niya pero hindi niya alam kung saan nakakabili ng ganun. Edi sinamahan ko siya. Naging close kami. Super close. Hanggang sa na fall na ngs ako sakanya at dumating sa puntong mahal na mahal ko na siya." Napangiti siya non na para bang may inaalala.

"Tapos isang araw nalang, nabalitaan kong nakikipag flirt siya sa kaklase ko. Astig diba? Pero kahit nagalit ako sakanya. Inisip ko nalang na baka may nagawa ako, na baka may pag kukulang ako. Kaya sinabi ko sakanya na okay lang. Kahit hindi okay. Kahit nasasaktan ako. Kahit nararamdaman ko ung mga hindi ko inaakalang mararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Tulad ng nararamdaman ko ngayon." Pagpapatuloy niya habang parang gripo pa din sa pagtulo ang mga luha niya.

Hindi ako nagsasalita nun. Nakatingin lang ako sakanya.

"Tawa na." Sabi niya habang pinupunasan ung luha niya at tumatawa. Pero ung tawa niya? Kakaiba. Humorless.

Umiling ako at nagtapon ng tingin sa dagat.

"Hinahangaan kita sa parteng yan. Astig. " tinapon ko ung sanga na kanina ko pa hawak. Naramdaman ko ang pag titig niya sakin.

"Kung ako ang nasa kalagayan mo? Hindi na ko magbibigay nh second chance. Bakit? Kasi nagawa na niya. Malaki ang posibilidad na gawin niya ulit. Kung baga pag ginawa mong mag bigay ng second chance sa taong nanakit sayo, para mo na din siyang binigyan ng pagkakataon ulit na saktan at wasakin ang puso mo. Ako kasi takot na kong masaktan ng paulit ulit. Parang hindi ko na kaya ung sakit in second time around. Kaya hinahangaan kita kasi ang tapang mo. Nag bigay ka pa ng second chance sa taong ilang beses ka nang sinaktan. Second chance pa nga ba ung binigay mo? Hindi na siguro. Dahil sa dami na ng binigay mong chance sakanya. Baka hindi mo na un mabilang. Kaya walang rason para tawanan kita. Kasi ung mga tulad mo, dapat hinahangaan. Minamahal, at pinapahalagahan."


"Deep." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.


"Hayup ka! Leche! Ang haba haba ng sinabi ko tapos 'deep' lang sagot mo! Walang kwenta to. Leche" tumayo na ako at aalis na dapat kaso hinila niya ung kaliwang kamay ko kaya napaupo ulit ako sa buhangin.


"Joke lang naman! Na speechless kasi ako. Di ko alam na may humahanga pala sakin dahil sa ginawa ko. Karamihan kasi sakanila, sinasabi na ang tanga ko daw."


"Well, tanga ka naman talaga. Nahiya lang akong sabihin kanina kasi nga ngumangawa ka. Kawawa ka eh."


"Sama neto oh."


"Line ko yan ah!"


"Peram muna!" Nagtawanan kami.


"Pero miss mo na ba si Andy?" Napatigil siya sa pag tawa dahil sa tanong ko.


"Sobra."


Alam kong katangahan tong gagawin ko at maaaring pagkawasak ng puso ko ang kapalit neto pero kailangan kong gawin. Gusto kong gawin..


"Edi kunwari ako nalang muna si Andy. " nakita kong nagkunot ang noon niya at parang nagtataka.


Napatawa naman ako sa reaksyon nya. Ang cute!!


"Lahat ng gusto mong gawin kay Andy, gawin mo sakin. Perooooo, subukan mong wag isipin si Andy habang kasama mo ako. You can hold my hand, hug me, place your arm around me, but you cant kiss me! Okay?? Feeling ko talaga obligado ko eh. Feeling ko kasalanan ko pa din ung break up nyo kahit alam ko na ung real reason behind. Pero, hayaan mo kong tulungan kang mag move on. "


"Sigurado kaba dyan?" Natatawang tanong niya.


"Siraulo, wag mo kong pagtawanan! Siguradong sigurado! Kaya kung ayaw mo, sabihin mo na! Epal. Tsk." Inirapan ko siya ng pabiro.


"Osige. Tulungan mo kong kalimutan siya ha."


Tumango ako sakanya at ngumiti.


Pero deep inside alam kong hindi ako obligado na gawin to. Gagawin ko to kasi gusto ko siya at gusto ko saakin siya mafall at hindi sa walang pagpapahalagang babae na nagwasak ng puso niya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon