Okay. Nagbigay nanaman ng surprise quiz ang aming magaling na teacher dahil sa trip niya kami pahirapan, ay mali, let me rephrase it. Trip ng teacher naming pahirapan ang mga classmate ko. Yes, sila lang. Kasi I am secretly genius. I can compute all this stuff with just my brain. And why secretly? Because this is my sort of
vengeance to my parents. You know why? Of course you don't. Nakakatamad ikwento. Pero sige ikukwento ko.Long ago , when I am just seven , my parents did force me to join a competition in T.V. . An intelligence competition which named Child Genius. Actually, that game is just adapted from a foreign country which makes the show corny. Ang corny niya talaga super. Hinaluan ba naman ng corny hosts which sa original show e wala naman talagang hosts. Iyong tipong wala naman silang maitutulong dun kundi magintroduce ng kung sino sino and to give some corny jokes . Tapos iba pa yung jury na supposedly serious and just kaya lang sila pa yung nagkakamali sa question tapos tatawa na lang after that. How unprofessional. Buti na nga lang hindi kilala iyong station. But hindi yun ang problema ko. My problem was my parents. Una, dahil everytime I commit even a single mistake kahindik-hindik na embarrassment ang abot ko. They are never contented. Maybe they thought that embarrassing me will push me to my full potential but they were wrong. I end up being the fifth placer. And because of that they said that they are totally ashamed of me. Simula noon pinakita ko na sa kanila kung ano ang totoong kahiyahiya. I gave them a child that can only have a passing grade and that is me. And how can I do that? Of course, I am genius that is why I can calculate my grade even before the teacher will.
Okay. Time's up. We must stop this mmk of mine. Kailangan ko pang tulungan itong katabi ko,si Jenny,nangangamote nanaman kasi. Why will I help her? Because I owe her a lot. She helped me build my secret garden inside this campus. Ewan ko kung may nakakaalam noong secret garden ko but the least I could know is that kami pa lang dalawa ang may alam noon.
Shocks. I forgot to wear my contact lens. Medyo malabo tuloy ang paningin ko. And so medyo hinabaan ko ang leeg ko towards Jenny. Hay kainis. " Tsk." Mapapailing ka talaga dito sa mga computations ng babaeng ito. Ilang beses na namin itong inaral tapos umabot na ng quiz 'di niya pa rin gets.
"Ms. Alison Swift! " Natuon bigla ang atensyon ko kay Mrs. Rivas na inakala siguro na kinokopyahan ko si Jenny. Hayyysss... Just a same old story. Pangalawa na ito ngayong grading period.
Now I need to act like an idiot, again.
"M-ma'am.. ehehe... Ano po 'yon?."
"Seems like you did it again,huh? Di ka na nadala. And because of that tear your paper here in front and leave this room." Kainis. Oo na. Bakit kasi nakalimutan ko suotin yung contact lens ko e. Sa genius kong ito may nakakalimutan pa ako.
Now I have no choice but to perfect our last quiz to get the five percent of my grade. Tapos magtataka nanaman sila kung bakit ako perfect and will end up them saying that I cheated. Oh well, I still don't care.
"Come on ms. Swift or else I will be the one to do it and you don't want that to happen." So I did what this old lady said.
Before I go out , I saw Jenny forming a peace sign in her fingers and murmurs "sorry".
Inirapan ko lang siya. And finally go out.
Yes, I know napakababaw ng lahat. I'm a genius, by the way. But you know, pride is all I have. I know I already lose this battle . I know this really doesn't came out as a vengeance but instead it became my cage for a long time. Kaya lang it is already done. Kailangan panindigan.
And if you will ask me why I am still doing this even the years have passed. Well , it is because I didn't see my parents sorry. I will just stop if they will finally realize that they are the reason why I became who I am now.
Huwag kayong mag-alala. Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. I always do self-study.
***
Vacant time namin. Nasa cafeteria ako. I actually don't want going here. Ayoko ng crowd. It is too noisy. Pero dahil nauna ako kailangan kong hintayin si Jen dito. Then we will head to my secret garden para doon mag-aral. Yun ang lair ko e. Where I can be the real me and be happy. Para sa akin kasi masaya mag-isa. Ewan ko ba sa iba kung bakit gusto nila parati ng may companion. Si Jenny naman , as I observe , gusto niya rin magkaroon ng kaibigan kaya lang kasi may pagka outcast ito at mahiyain. Iyong tipong nasa aura niya na madali siyang i bully kaya ayun she ends up being with me. And the process of that, it is a long story.
"Oh.. look who's here. " No. LOOK who's here! Kainis buyset! Panira nanaman ng araw.
"Bakit nanaman, Kath? Ano nanamang problema mo?" Kalmado ang pagkakasabi ko nito.
"Wala. Hahaha!" Jan ako naiinis e. Kapag tumatawa na siya. Ang plastik na ewan. "Nakikisimpatya lang ako kasi hindi ba? Awhile ago napapunit nanaman yung paper mo kasi you are cheating on Jen." Nakikisimpatya o nangaasar? Kainis talaga! Akala mo naman napakatalino. "Atsaka bakit kasi kay Jen ka kumokopya? E parehas lang naman kayo non. I think you should find other source, Alison. Hahaha." Aba. Kainis ,ha. Pati ba naman si Jen ibubully niya! Atsaka, minsan talaga tuwing tatawa na siya , parang gusto ko na lang siya patahimikin gamit itong kamao ko. Sa haba ng speech niya. I think oras na para barahin siya.
"And who is that other source? Ikaw? Edi lalo akong walang nasagot na maayos. " Isang pantamad na sagot. Hahaha.
"What did you just say? OMG. I can't believe this. Ako na nga ang nakikisimpatya gaganyanin mo pa ako?" So ngayon, siya ang anghel dito? The! Ang sarap niyang kantahan ng : You know the world can see us. In the way that is different from who we are.
"Oh. Sorry 'bout that but I don't need your so called sympathy." Sabay irap ko.
"Alison!",pagtawag sa akin ni Jen. Buti naman nandito na siya.
"Ayan. Magsama kayo. Bird brains!",sabi ni Kath. Ang daldal,juiceko.Whatever you say.
"Ano nanaman ang nangyari don?", tanong ni Jen.
"Just.. nothing. Tara na." Umalis na kami sa cafeteria. She already knew where will we go. Of course to my secret garden. Dun naman parati e.
******
Up next: Inside those walls. Papasok na tayo sa Secret Garden. Yehey.
P.S. Dapat talaga dito ko nilagay yung part na iyon e kasi it still belongs to Alison's depth. Kaya lang dahil kinakabahan ako dahil sa dami ng revisions na ginagawa ko ay baka madelete pa itong chapter na ito ,e pinublish ko na.
BINABASA MO ANG
Battle For Two
Teen FictionYin and Yang. Girl and boy. Heaven or hell. Life or death. We might not notice but all that is occuring in this world is just a battle for two.