Chapter 22: The Guilty Party Part 2

180 9 5
                                    

TERENCE’S POV

“Terence…”, napalingon ako sa nagsalita…

Nagulat ako na nandun si Eiji

“Eiji…”, yun lang ang nasabi ko, kanina pa kaya siya?

“Totoo ba? Kelan pa?”

Nastiff naman ako bigla… Narinig pala niya…

“Oo… Last week…”

Pagtapos kong sabihin yun, lumingon siya sa kanya at nagsalita

“Would you mind to explain…

..

Diana?”

*FLASHBACK* <chapter 20>

“Bakit mo ako sinusundan?”, tanong niya

Napansin pala niya ako… Wala na akong magagawa kundi tanungin siya

“Sabihin mo sakin ang totoo… Ikaw ba ang may kagagawan nung lumabas na balita?”

“Bakit mo naman naisip na ako? E magkasama nga kami ni Desi kanina…”

“Dahil alam kong may gusto ka kay Eiji…”

*END OF FLASHBACK* <balik sa school>

DIANA’S POV

“Would you mind to explain, Diana?”, tanong ni Eiji

Narinig kaya niya?

“I don’t have anything to explain… Pinaghihinalaan niya lang ako… Alam ko namang hindi ka naniniwala sa rumors di ba?”

“Oo hindi nga… pero this time I heard you…”

“A-anong narinig m-mo?”

“Na ikaw ang may gawa… bakit? Di ba kaibigan mo si Azalee?”

“Kaibigan? Si Azalee? Oo mabait siya… Pero di mo maalis na niloloko ka niya…”

“Niloloko?… E ano naman?”

“Okay na sana e, pero di ko matanggap… Dahil kung ganun lang din naman, sana akin ka na lang…”

“Wala kang pakialam kung ano man ang meron sa aming tatlo..”

“Meron akong paki! Dahil kung ako siya, hindi kita lolokohin!”

*FLASHBACK* <one year ago>

Nandito ako sa canteen ngayon, kumakain mag-isa… Sino ba naman ang gustong sumama sa isang weird na tulad ko…

Hays…

*SPLASH*

Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko at napatingin sa uniform kong natapunan ng juice…

Ay mali, tinapunan pala…

“oooppss sorry… paharang harang ka kasi sa daan ko…”

“itapon mo na din yung basura, tutal basura ka din naman, NERD!”

“hahahaha”

Hays… Niligpit ko yung mga basura nila, tapos umalis na din ako…

Nagpunta ako sa likod ng school, dun sa sink malapit sa mga court…

Kukusutin ko yung uniform ko na tinapunan nila ng juice… at magpPE uniform muna ako…

“Miss anong nangyari sayo?”

Nagulat ako sa nagsalita… Hindi ko namalayan na may lumapit na palang lalaki

Anong sasabihin ko? Nakakahiya?

Inayos ko yung salamin ko saka ako nagsalita…

“A-ah w-wala… natapunan lang ako”, tapos yumuko agad ako

Tumango lang siya at pumunta siya sa katabing sink para maghugas ng mukha niya…

Sumulyap ako sakanya… at ang gwapo niya…

Kaso bigla siyang humarap sakin at ngumiti, kaya napayuko ulit ako…

Dug dug… Dug dug…

“Alam mo kung mag-aayos ka, hindi ka na nila ibubully… Maganda ka naman eh… at isa pa kelangan mo ding matutunang ipagtanggol ang sarili mo...”

Ako? Maganda? Siya ang unang nagsabi sa akin nun…

“Sa-salamat”

“Eiji!”, biglang tawag sa kanya

“Sige alis na ako… bye!” tapos wala na siya

Eiji pala pangalan niya…

*END OF FLASHBACK*

Simula nun inalam ko na yung mga bagay na tungkol sa kanya… saan siya nakatira… favorite color, sports, food, candy, lahat! Ultimo favorite brand ng brief niya…

Nag-ayos na din ako ng sarili ko gaya ng sabi niya… at totoo nga, hindi na nila ako binubully pero di pa din nila ako pinapansin… Mas okay na yun kesa kung ano anong ginagawa nila…

Maraming nagkakagusto sakanya… binabantayan ko nga silang lahat eh… okay sakin kahit sino wag lang yung mga malalanding babae…

Until one day nabalitaan kong may babae sa labas ng gate na naghintay kay Eiji… Inalam ko kung sino siya… Azalee Mylchreest, anak ng isa sa pinakamayaman sa buong mundo… Pwede na… maganda siya…

Nalaman ko din na siya yung bagong transfer student… kaya nakipagkaibigan ako sa kanya, dahil alam kong mapapalapit ako kay Eiji…

mabait siya, bagay talaga sila ni Eiji… Bukod pa don siya ang una kong kaibigan sa campus…

Pero di ko matanggap na may iba siya…

Kaya ginawa ko ang bagay na yun…

===================================

A/N: Ano na ang manyayari ngayong alam na natin na si Diana ang may salarin? 

Paano ang pagkakaibigan nila ni Azalee?

Well!!! Abangan niyo po sa susunod... Wiiiihhh!!!

PLEASE FOLLOW ME  ||  VOTE  ||  AND LEAVE A COMMENT!

A Mess We've MAde (*EDITING*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon