---
"Ano ba! Sinabi nang ayaw ko eh! Bakit ba ang kulit mo, ha!," nanggagalaiti nyang sabi. Kinukulit kasi sya netong panibagong nagkakagusto sa kanya na kung pwede daw bang makuha ang number nya.
"Peachie naman eh! Wag ka na kasing pakipot!," nagmamaktol na yung lalake at dinaan pa sa pagpapacute. Nakita ko naman na mas lalong nagsalubong ang kilay ni Peachie sa inasal ng lalake. Haynako! Hindi naman kasi sya katulad ng ibang babae na konting pilit pa eh papayag na dahil etong si Peachie, kung ayaw nya...ayaw nyang talaga!Wala ka nang magagawa.
"Pakipot pala ha!Osige,"inalis nya ang isa nyang sapatos at akmang ipampapalo sa lalake ang takong nito. Agad namang tumakbo yung lalake papalayo.
"Hala,lapet! Ano?Itsura neto!" Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Ang tuwid at mahaba niyang buhok na umakma sa hugis ng kanyang mukha, ang medyo singkit nyang mga mata na binagayan ng matangos nyang ilong at manipis na labi, ang maayos nyang postura at maputi niyang kutis na mas nakadagdag sa kagandahan niya. Idagdag pa ang natatangi niyang ugali kung ikukumpara sa ibang babae. Lahat ng katangian nyang iyon, maging ang palagi nyang pagsusuot ng relos sa may kanang pulso... ay sadyang nakadagdag sa espesyal na nadarama ko para sa kanya.
Naalala ko tuloy ang araw na iyon, kung saan una ko siyang nakilala.
"Bwiset na teacher yang si Sir Stalk, wala nang ginawa kundi magstalk! Bean pa ang pangalan! Pfft. Kakorni! Ako na nga itong nakopyahan eh ako pa itong pinalabas ng room," rinig kong sigaw ng isang babae habang andirito ako sa may rooftop para sana umidlip. Magmula kasi ng pumasok ako sa eskwelahang ito eh nakasanayan ko nang dito tumambay tuwing bakanteng oras ko. Tahimik kasi dito, malayo sa mga makukulit na estudyanteng walang ginawa kundi magtsismisan.
Napabangon naman ako ng di oras dahil sa ingay ng babaeng ito.
"Pwede ba, wag ka dito magsisigaw. Kita mong natutulog 'yung tao eh," walang gatol kong sabi at akmang hihiga na ulit para sana umidlip kaso bigla ba naman akong binato ng boteng walang laman netong babae. Napahimas tuloy ako sa ulo ko.
"Ano bang problema mo ha?,"iritable kong sabi. Anlakas din naman nyang manghagis ng kung ano eh siya na nga itong basta basta nalang makapangbulabog!
"Pakielam mo ba,ha? Kita mong badtrip yung tao eh! Manahimik ka na nga lang!," sabi nya habang salubong ang kilay na nakatingin ng masama sa akin. Sa inasal nyang iyon ay nakadama ako ng kakaibang pakiramdam sa may dibdib ko, na parang mas lumakas ang tibok ng puso ko. Kaba?Hindi eh. Para bang wala akong narinig na ingay kundi ang boses lang niya, napaka-weirdong pakiramdam na ngayon ko lang naranasan.
"Eh kung isumbong kaya kita kay Sir Bean Stalk?," ewan ko kung baket iyon ang lumabas sa bibig ko at ang dating tuloy sa kanya eh ikinatakot nya. Sa totoo lang, hindi ko naman kilala 'yang si Sir Bean Stalk na 'yan eh. Kasalukuyan akong nasa second year highschool na ngayon at sa pagkakaalam ko eh nagkaroon ng karagdagang guro sa eskwelahan namin sa ika-unang antas, isa na siguro sya sa mga iyon.
Nilapitan nya ako at hinawakan sa braso na ikinabigla ko naman.
"Kuya, joke lang 'yun! Hindi mo naman ako isusumbong,diba? Friends naman na tayo eh,ha?Peachie nga pala!"
Napangiti ako sa sarili ko habang sinasariwa ang alaalang iyon. Hindi ko akalaing sa di sinasadyang pang-aasar na nasabi ko sa kanya eh eto at naging matalik na kaming magkaibigan hanggang sa kasalukuyan. Isang taon narin pala ang nagdaan...at isang taon narin ang tagal ng pagtatago ko ng espesyal kong nadarama para sa kanya.
"Tara na nga, Kuya Greg!," sabi ni Peachie paglapit sa akin, kalmado naman na ang itsura nya. Pero para saken, kahet ano pang timpla ng mukha nya eh maganda parin naman sya sa paningin ko.
"Ikaw kasi eh! Ang ganda mo! 'Yan tuloy, panibago na namang karagdagan ng mga nagkakacrush sa'yo!" Isa na ako dun...Dinadaan ko lang sa biro ang pagpuri ko sa kanya, kahit sa loob loob ko, gustung-gusto ko ulit-ulitin sa kanya ito ng walang halong biro.
Napanguso naman siya na parang bata sa tinuran ko, isang ugali na sa akin lang nya ipinapakita, dahil ang tingin ng iba eh masyado syang palaban (na totoo naman) kaya mahirap daw syang pakisamahan, pero wala naman akong pakialam sa opinyon nila dahil ako ang sadyang nakakakilala sa tunay na "Peachie."
"Binobola mo na naman ako,Kuya eh! Pero sabagay, totoo namang maganda ako," natawa syang saglit."Yan tuloy, maraming nagkakacrush sa kin! Nga pala, kuya...kamusta crush mo?," tanong nya, na palagi ko namang dinadaan lang sa pagngiti at paggulo ng buhok nya.
"Ayun, may crush nang iba," yan lang ang palagi kong sinasagot sa tanong nyang iyon.
Inalis naman nya yung kamay ko at inayos ang buhok nya. "Tss. Lagi nalang ganyan ang sinasabi mo. Wala na bang bago? Sa tinagal-tagal na nating magbestfriend eh ni minsan hindi mo man lang sya tinuturo saken! Kahit man lang yung itsura nya diba? Sige na naman kuya oh!," pangungulit pa nya sabay yugyog sa braso ko. Kelangan pa ba yun?
Humarap lang sya sa salamin...ayun na ang sagot sa lahat ng gusto nyang malaman eh.
"Hindi na kailangan," sagot ko naman.
Mas lalo lang niyang niyugyog ang braso ko, para syang batang nagmamaktol dahil hindi nabilhan ng ice cream.
"Bakit naman?," halatang interesado syang malaman ang lahat.
Hinarap ko sya at sinabing "Kasi nga may crush naman na syang iba,okay? May...crush...na...syang iba!"
Inirapan nya lang ako. "Sus,selos ka lang eh. Siguro, mahal mo na noh?," pang-aasar pa nya sabay kiliti sa akin. Para kaming ewan na pinagtitinginan sa may hallway dahil sa kakulitan namin. Pinigilan ko sya sa pangingiliti nya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang kamay nya, bagay na wala namang malisya sa kanya.
Sinagot ko ang katanungan nya kahit alam ko namang pang-aasar lang iyon.
"Konti lang," sabi ko.
Siya namang pagdaan ng kaklase kong si Austin. Tumango siya sa akin at ngumiti bilang pagbati, ganun narin kay Peachie.
At sa paglampas nya, nakita ko sa sulok ng aking mga mata kung papaanong unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Peachie at ang pamumula ng pisngi nya, kasabay ng pagtingin sa lalaking iyon habang naglalakad papalayo.
Wag kang mag-alala,Peachie.
Hindi naman ako nasasaktan eh, konti lang.
Konti lang at sasabog na ang kalooban ko sa tindi ng sakit na nadarama ko.
Hindi ako nagseselos, konti lang.
Konti lang at gustung-gusto ko nang hawakan ang magkabila mong pisngi para sakin ka nalang tumingin .
Konti lang. Konti lang na panahon, pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman kong pagkagusto o sabihin na nating pagmamahal ko sayo, dahil alam ko naman na eh, alam ko na ang katotohanang... may gusto kang iba at ang paghanga ko sayo ay hanggang dito nalang talaga.
---