Gaya nga ng sabi niya sinundo niya ako. Nag hintay pa nga siya e.
Ngayon papunta na kami sa company. Habang nag dadrive siya tahimik lang kami.
Pagkaparking niya nag salita ako.
"Mauna na akong bumaba ha?" Sabi ko.
"Bakit? Sabay na tayo"
"H-ha? Wag na baka pag chismisan pa tayo"
"E ano naman?"
"I'm the boss here. I can do whatever I want" stubborn -_-"Sige bahala ka pauulanan talaga tayo ng mga masasakit na mga salita"
"Hays okay, talo na ako"
Buti naman, ayoko kasi na malaman nila saka di pa naman kami. Ayoko kasi ba iniisip nila na yaman lang ang habol ko, ayoko kong isipin nila na gold digger ako dahil di ko kailangan ng yaman niya.
Nauna na akong bumaba sakanya at ilang minuto pa bago siya sumunod.
Nang maka rating ako sa table ko may nag salita
"Uy, Mia saan ka nanggaling ng tatlong araw? Bat sabay kayo ni Sir Bryan nawala?" Ito na nga bang sinasabi ko e.
"Nag kasakit kasi ako, at Ewan ko kung bakit wala rin si Sir. Pwede naman sigurong coincidence lang"
"Yeah, baka nga" salamat naman at naniwala siya.
Nag trabaho nalang ako.
May nag lapag ng bouquet ng white roses sa table ko na may note rin pala.
"Miss padala para sayo" sabi nung lalaki.
"Ha? Wala naman akong natatandaang nag order ako ng mga rosas"
"Bayad na po yan. Basahin niyo nalang yung card. Sige po"
Binasa ko yung card.
"Morning, sabi ko naman sayo diba? Manliligaw ako kaya nag padala ako ng roses. Sana nagustuhan mo and about dun sa kanina wala akong pakialam kung husgahan man nila tayo kasi ipaglalaban kita pero kung yun ang gusto mo okay lang. I love you."
-B
Ang mokong nayun may nalalaman pang ganito 'uy pero aminin kinikilig ka naman' oo na.
Napa ulanan ako ng mga tukso sa mga ka trabaho ko nakakahiya talaga. Yumuko nalang ako at nag patuloy sa pag tatrabaho. Pupuntahan ko nalang siya pag lunch.
Lunch na papunta na sana ako sa office ni Bryan nang may naramdaman akong nag vibrate. I got my phone and tiningnan kung sino ang tumatawag. "Unknown number" ang naka lagay. Sinagot ko nalang baka importante to.
"Hello" sabi doon sa kabilang linya. Kilala ko tong Bose's na to ah.
"B-bryan?"
"Yes, humarap ka sa likod mo" lumingon naman ako. Nakita ko siya na naka ngiti.
"Hi" sabi niya.
"Paano mo nakuha number ko?"
"I have my ways Mia" oo nga naman tss. Edi siya na.
"Anong ginagawa mo dito? Baka may maka kita saatin"
"Walang makakakita satin at kung meron man wala akong pake alam"
"Oo na, ang yabang talaga"
"Tss, lika na nga. Gutom na ko"
Kumain kami sa isang restaurant sa mall. Di naman siya nag reklamo. Namasyal nalang kami.
"I miss this" out of nowhere kong sabi.
"Me too, pero pwede naman naging ibalik diba?"
"No. I want to start a new, ayoko ng nabubuhay tayo sa nakaraan"
"Okay kung yan ang gusto mo susundin ko. Sagutin mo lang ako ulit"
Di na kami naka balik sa company sabi niya kasi mag spend daw muna kami ng time na magkasama.
Pumayag ako. Gusto ko rin naman siyang magkasama ng matagal.
Sasagutin ko naman siya e pero di pa ngayon. I need to think first before entering this again. At least kung mag iisip talaga ako di ko na masisi ang sarili ko dahil naka pag isip nako.
I just need more time but it won't take too long.
I'll just have to find something then I'm off to go.
Sana lang makapag hintay siya.
Di naman ako magtatagal. Sasagutin ko na siya pag ready na ulit ako.
"Come on. Let's go home" sabi niya. Nagagabi na rin kasi.
BINABASA MO ANG
I'm Shattered But Now Your Back
Teen FictionMy heart broke scrach that.. My heart shattered into million pieces that I don't know how to build it up again anymore You left me hanging... You left me without a reason... You left me... Pero bakit sakabila ng ginawa mo saakin mahal pa rin kita? A...