Chapter TwentyTaehyung
--
Inis na tinabig ko ang bintana sa kwarto ko. Kanina ko pa inaabangan na umuwi 'yung hilaw na 'yun. Ba't ba hindi pa umuuwi 'yon?! Okay lang sana kung si Momo ang mag aalaga sa kanya.
Atleast kahit masungit 'yung babaeng 'yon mapagkakatiwalaan siya, hindi katulad ng hilaw na 'yon. Masama ang mukha, mukhang rapist. Tsk, hindi talaga ako mapakali kapag maiisip ko pa lang na nandoon 'yung lalaking 'yon sa bahay nila.
Nanginginig na ako sa inis!
Napatingin lang ako sa pinto ng kwarto ko ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si mama.
"Kain nㅡ Teka?! Ba't ka namumula? May lagnat ka na rin?!" Agaran na lumapit sa akin si mama. Dinampi niya ang kamay niya sa ulo't leeg ko pagkatapos no'n ay pumamewang siyang tumingin sa akin.
"May problema ka ba?" Kunot noong tanong sa akin ni mama, umiling lang ako tsaka ako naglakad papunta sa kama ko't humilata doon na mabigat pa rin ang paghinga ko. Nabibwisit lang kasi talaga ako eh!
"Nag aalala ka kay Aren ano?" Sinamaan ko ng tingin si mama, ano bang klaseng tanong 'yan? Nang aasar ba siya o ano?
"Anong nag aalala? Lagnat lang naman 'yon." Bumangon ako at bumalik sa may bintana upang tingnan kung lumabas na ng bahay nila si Vernon.
"Oh bakit kanina ka pa nandyan? Tsaka 'di ka mapakali? Sigurado kang hindi ka nag aalala sa kanya?" Inis na ginulo ko ang buhok ko.
"Maaaa!" Nanggigil na suway ko sa kanya. Sabing hindi nga kasi ako nag aalala sa kanya, wala lang akong tiwala sa lalaking 'yon.
"Oh ba't kasi hindi ka pumunta doon? Kahit dalawin mo lang siya?" Nakangiti na si mama sa akin ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Basta kung pupunta ka doon, saglit ka lang." Dugtong ni mama, tinaasan ko ng kilay si mama.
"Bakit kailangang saglit lang? May tinatago ba kayo sa akin ma?" Bigla namang namula si mama.
"A-anong tinatago? Wala naman ah? Sige baba na ako. Punta ka na doon kila Aren." 'Di pa ako nakapagsasalita ay tumalikod na si mama. May tinatago sila, sigurado na ako doon. Pero ang tanong? Ano iyon at bakit?
Napailing na lamang ako.
Pupunta ako doon. Tumakbo na ako palabas ng bahay. Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay huminga na muna ako ng malalim tsaka tuluyang pumasok kahit hindi nagpapaalam.
Paakyat pa lang ako sa kwarto niya, parang gusto ng kumawala ng puso ko sa katawan ko sa sobrang kaba.
Patuloy lang ako sa pag akyat hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya, nakabukas iyon at kitang kita na si Momo naman ngayon ang nag aaruga kay Aren.
Hanggang ngayon tulog pa rin siya.
"Kim?" Binaling ko ang tingin kay Vernon na nagtatakang nakatingin sa akin. Anong pinagtataka nito? Bakit bawal ba ako dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Bakit kung makapagtanong 'to akala mo naman hindi ako pwede dito. Hindi niya 'to pamamahay ah?
"Dinadalaw si Aren. 'Di ba halata Vernon?" Walang emosyong sagot ni Momo sa kanya.
"Tsk.." Napangisi na lamang ako. Buti pa siya, kahit papaano naintindihan niya kung bakit ako nandito. Hindi katulad niyan na ang tanga tanga. Bakit anong akala ba nito? Nandito ako para kumain?
"Ayos na si Aren, 'di mo na siya kailangang dalawin." Nag init bigla ang dugo ko sa sinabi niya, anong sabi niya? Kailan pa ako tinanggalan ng karapatan ng hilaw na 'to na dumalaw kay Aren?
"Masama bang dumalaw sa kanya?" Tanong ko sa kanya. Kalmado pa ako sa lagay na 'to, pero oras na sumobra na ang hilaw na 'to matitikman na nito ang kamao ko.
"Wala akong sinasabi." Walang ganang sagot niya. Napailing na lamang ako, lumapit ako kay Aren na wala pa ring malay. Hahawakan ko na sana ang ulo niya para pakiramdaman kung gaano ba siya kainit pero ang gago lang kasi tinabig ng hilaw na 'to ang kamay ko.
Kunot noo ko siyang hinarap.
"Ano bang problema mo?" Mahinang sigaw ko sa kanya para hindi masyadong mabulabog ang tulog niya. Nakakagago lang kasi ang king inang tao na ito, parang lahat na lang bawal.
"Wala." Wala pa ring ganang sagot niya sa akin. Parang namamastos na siya ah? Wala pala siyang problema sa akin, pero ba't ganyan siya makaakto? "Wala? Edi huwag mo akong pakialamanan sa gusto kong gawin." Hindi na ako napigilan ng lalaking 'yon ang sumunod na ginawa ko. Maya-maya pa ay dumating na si Tita Arian, hinihingal pa siyang lumapit kay Aren.
"Kumusta siya?" Hinihingal na tanong ni Tita Arian sa amin.
"Okay lang daw po siya." Sagot ni Momo. Hinawi ni tita Arian ang buhok na tumabig sa mukha niya.
"Sige, salamat sa pag aalaga niyo sa kanya, pwede na kayong umuwi." Tumango kami tsaka nauna ng lumabas si Momo sumunod 'yung hilaw at ako.
Nakalabas na kami ng bahay nila Aren ng bigla akong hinarap ni Vernon at kwinelyuhan. Nagulat ako sa ginawa niya, ano bang problema ng hayop na 'to?!
Buong lakas ko siyang tinulak, aambahan ko na sana ng suntok ng bigla naman akong hilahin palayo ni Momo. "Hoy ano bang problema niyong dalawa sa isa't isa?! Kanina pa kayo sa taas ah?! Nakakairita na kayo!" Tinulak ako ni Momo.
"Bakit kasi dumalaw pa 'yang taong 'yan?!" Sigaw niya sa akin. Sabi na nga bang may problema sa akin ito eh! Pakialam niya ba kung dumalaw ako? Bawal ba?! Sinong nagbawal sa kanya?!
"Gago ka ba?! Sinong nagbawal sa'yo na dalawin ko siya?!" Lumapit ako sa kanya at tinulak siya palayo.
"AKO! Hindi ko gustong pinupuntahan o nilalapitan mo siya!" Tinulak ko ulit siya sa galit.
"Tang ina mo! Gago ka! Wala kang karapatan na diktahan ako! Syota ka lang niya! Hindi mo desisyon kung gusto kong puntahan o lapitan siya!"
Ngumisi sa akin si Vernon na mas lalong nagpainis sa akin. "Ikaw na rin ang may sabi sa akin kung anong papel ko sa buhay ni Aren, girlfriend ko siya at may karapatan akong magdesisyon kung sino sinong lalaki ang pwedeng lumapit sa kanya."
--August 8, 2016 || 8:53 PM--
A/n: Dedicated pala 'to kay catheriiiwne88 sa pagbabasa :)
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016