"Hanna, hindi na ba talaga magbabago desisyon mo? Basted na talaga si Nicholo sayo?" Pang-ilang tanong na sakin ni Samantha
"Mas masasaktan ko lang yung tao kung itutuloy ko pa, yung pagod lang nya kada hatid sakin kapag uuwi e hindi ko na matiis. Ako yung nahihirapan para sa kanya." Hindi na halos ako makapagfocus sa tinatype ko.
"syempre nililigawan ka nung tao?! Normal effort yun! Kaya ka nasasaktan e, yung taong mahal na mahal ka inaayawan mo." Halata na sa tono nya na naiinis na sya sa katigasan ng ulo ko, sa wakas ay nagkatinginan na kami, napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko nanaman alam pano magsasalita.
"Sinubukan ko naman na magkafeelings ulit, sinubukan ko yon kay Nicholo, kaso kapag nagtatagal, nagiging rude na ko sa kanya kasi naiinis ako sa sarili ko na kahit sobrang bait nya sakin ay wala akong maramdaman sa kanya. Mas okay na yung itigil ko na yun, kesa paasahin sya."
"Alam mo kung ano ang sabi nya? Handa daw sya maghintay sayo. Parehas ko kayong kaybigan Hanna, syempre nasasaktan lang rin ako para dun sa tao dahil witness ako kung pano ka nya inalagaan, minahal, pusta ako mamayang uwian lang nandito nanaman yun." tinalikuran na nya ako dahil kahit sya rin naman natatambakan na ng trabaho kakasalita.
Naalala ko yung araw na binasted ko si Nicholo, bago matapos ang team building naming doon na ko nakapagdesisyon. Nakuha pa naming mag-away sa harap ng mga katrabaho namin, kahit sa harap ng mga admin dahil sa ayokong ihatid pa nya ako pauwi.
Para sakin sapat nang sinubukan kong mahalin sya kaya nagtagal ng isang buwan, pero noong nasiguro kong wala na talaga akong nararamdaman, mas mabuti nang itigil ko ang pagpapaasa sa tao... Masakit rin para sakin yun.
---
Pagdating ko sa elevator nagulat akong nandun si Nicholo, may dala pa syang pagkain at ngiting-ngiting nakatingin sakin. Wala akong ibang choice kundi maglakad palapit sa kanya dahil kaylangan kong sumakay ng elevator para umuwi.
"Hanna! Para sayo oh!" Ngiting ngiti syang inaabot yung pagkain sakin. Hindi ko alam ang gagawin, ayoko na sanang magsalita pa sa kanya para di na madagdagan yung sakit na nararamdaman nya.
"Nicholo sorry talaga, please tama na. Tigil na Nicholo wala na..." Gusto ko sanang magmukhang nangingiyak para kahit papaano maisip nyang dinadamayan ko sya, ang plastic ko pero hindi ko na alam!
"Pero Hanna, hayaan mo lang ako. Diba sabi mo noon nagugustuhan mo na ko? Magsisimula ako sa umpisa, hindi kita susukuan. Alam ko magbabago pa isip mo. Diba?" Nakikita ko na sa mukha nya yung sakit at pagkadismaya.
"Hindi na Nicholo. Sorry, ayoko talagang sabihin sayo lahat ng ito sa personal pero andito na e. Oo sinubukan ko kaso hindi ko kaya. Nasaktan talaga ako noon, hanggang ngayon wala parin akong maramdaman. Sorry Nicholo." Sumakto namang bumukas ang elevator at pagkakataon ko na ito para tumakas. Pagpasok ko ay nagulat akong nilapag ni Nicholo yung pagkain sa loob ng elevator ngunit hindi sya pumasok.
"Alam kong hindi mo tatanggapin kapag inabot ko pa, sana kainin mo." Unti-unting sumara ang elevator at hindi siya pumasok. Naiyak na ko ng tuluyan sa sakit na nakasakit ako ng tao ngayong alam ko ang pakiramdam ng baliwalain ng taong mahal na mahal mo. Kinuha ko ang pagkain, dito manlang hindi ko sya mabigo.
Paglabas ko ng elevator paparating yung isa sa admin, si admin Marcus. Nakatingin rin sya sakin dahil sasakay siguro ng elevator kaya binati ko na sya ng goodevening at tumango lang sya at ngumiti.
Biglang pumasok sa isip ko noong August, 2 months ago lang iyon noong nagbirthday ang isa rin sa admin namin. Yung katrabaho naming si Reyson na kababata ni admin Marcus ay pinasabay na kaming umuwi sa sasakyan ng kapatid nyang si Bon, pero hindi lang kami ni Karen ang kasabay. Kasabay rin namin si Admin Marcus at isa pa nilang kaybigan na sa harap pumwesto.
BINABASA MO ANG
Will Always be Your Star. Will Always be My Moon
Romance"Kung pwede lang maging tayo!!! Saya lang." -MC "Label lang yon! Meron man o wala mahalaga "tayo"" -MA