Hihintayin kita

25 0 0
                                    

Nasaan ako?....
Bakit ang liwanag ng aking paligid?....
Payapa ang aking kalooban....
Gusto kong manatili na lamang sa lugar na ito....

Kriiiiiiiiiiing!.....hudyat na tapos na ang klase, habang abala sila sa pagdampot ng kanilang mga bag ay tulala pa din ako at tahimik sa aking upuan. "Gino!" isang mala businang tinig ang sumira sa aking katahimikan, paglingon ko ay isang matamis na ngiti at isang masakit na hampas sa aking braso ang sumalubong sa akin. Kanina pa pala ako pinagmamasdan ng aking nobya na si Maya. Isang malakas na hatak sa aking damit at sabay na namin tinahak ang daan pauwi.

Si Maya ay isang estudyante kagaya ko. Pareho kami kumukuha ng kursong Narsing. Nakilala ko siya noong unang araw ng klase, habang binabagtas namin ang mga puno ng acacia ay di ko mapigilang alalahanin ang una namin pagkikita....

Habang nagmamadali ako at hinahanap ang silid ng aking unang klase ay bigla na lamang akong natumba at ang mga sunod kong naalala ay ang malapad na noo, bilugang mata, matangos na ilong at mapulang labi na nakadikit sa aking muka. Parang tumigil ang oras habang tinititigan ko ang estrangherong nakapatong sa akin, na halos magkadikit na ang aming mga labi, at damang dama ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa aking mga pisngi. Napatulala din siya habang ang mga dala dala kong papel ay unti unting nahuhulog pa lamang dahil sa pagbabanggaan naming dalawa. Ang ang di ko makakalimutan ay ang isang malakas na sampal na gumising sa aking inaantok pang diwa. Agad akong humingi ng paumanhin pero patuloy pa din sya sa pagsisi sa akin sa nangyari. Ang mala anghel na pinagmamasadan ko kanina ay naging mala halimaw na nanlilisik ang mga mata sa galit. Tanging natatandaan ko nalang ay ang matatalim niyang mga mata na patuloy na nakatitig sa akin habang nagmamadali din siyang umalis.

Ilang hakbang pa ay nakita ko na din ang silid ng aking klase. Tahimik ang lahat dahil halos hindi pa magkakakilala ang lahat, habang ako ay naghahanap ng aking mauupuan ay kasabay kong pinagmamasdan ang mga mukha ng aking mga bagong kaklase, ng biglang mamataan ko ang isang pamilyar na mukha, Nakita nya din ako at isang mapait na ngiti ang bati nya sa akin at sabay baling ng kanyang tingin palayo sa akin. Bakante ang upuan sa kanyang tabi kaya naman pinili kong maupo sa kanyang tabi upang makahingi muli ng paumanhin sakanya.

Lumipas ang araw, buwan at taon...ay lumalim ng lumalim ang aming relasyon. Ang dating estranghero sa paningin ng bawat isa, ngayon ay magkasintahan na.....

Kahit langit at lupa ang estado ng aming pamumuhay kahit kailan ay hindi yon naging hadlang sa aming relasyon. Si Maya, nag iisang anak, Doktor ang kaniyang mga magulang, nakatira sa isang subdivision na pawang mayayaman lamang ang pwedeng manirahan. Ako na anak ng isang karpintero at ng labandera, panganay sa tatlong magkakapatid at naninirahan sa isang maliit na kubo sa labas ng siyudad ay pinipilit makapagtapos upang makatulong sa aking mga magulang...

Nakakatawa man isipin na kahit karpintero ang aking ama ay hindi niya kami kayang ipagtayo ng maayos na tirahan, masakit man sakanya ay pilit na lamang niyang tinatapalan ang mga butas sa bubong at pader sa twing ito ay nasisira.

Ang pagmamahal ko kay Maya ang isa sa mga dahilan kung bakit pilit akong bumabangon araw araw. Madalas kaming kumain ng kwek kwek at fishball sa tuwing wala kaming klase. Bukod sa paborito niya iyon ay yun lang din ang kaya ng aking bulsa. Habang kumakain siya ay pinagmamasdan ko siya, damang dama ko ang kaligayahan nya habang kami ay magkasama. Sabay ng pag ihip ng preskong hangin ay siya namang kalabit sa aking gitara, gustong gusto niya sa tuwing kinakantahan ko siya. Isasandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at nakapikit na papakinggan ang aking pagkanta. Hindi man kagandahan aking tinig ay mas namumutawi ang tinig ng aking puso na inaawit ang kanyang pangalan. Madalas malamig ang kanyang palad kaya naman hahawakan ko ito ng aking dalawang kamay at hihingahan ko ng mainit na hangin galing sa aking bibig. gustong gusto niya iyon dahil ang init daw na nararamdaman niya ay nanggagaling mismo sa aking puso, dadaloy sa kanyang palad at papunta muli sa kanyang puso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hihintayin kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon