Eleventh of October

177 12 5
                                    

“Love is like the wind. You can’t see it, but you can feel it.”

-Nicholas Sparks

********************

October 11, 2015

Nandito ulit ako, naglalakad papunta sa park na nakasanayan ko ng puntahan tuwing sasapit ang petsa na ito. Sinigurado kong may laman na barya ang bulsa ko at saka ako umupo sa tahimik at paborito kong parte ng park na ‘to.

“Walang palya Mam ah.” Pagbibiro sa akin ng isang matandang lalaki na naglilinis dito. Napansin niya din siguo na lagi akong nandito tuwing ika-isa ng Oktubre. Nginitian ko naman siya bilang tugon.

Oo, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to, ang lugar na ‘to, at ang lahat ng nangyari sa araw na ‘to. It has been three years mula nang nagyari iyon pero pakiramdam ko nagiging sariwa sa alaala ko lahat ng nangyari  tuwing eleventh of October.

February 18, 2010

“Bri, nakita ko kung paano tinanong ng crush ko si Pamela kung pwede siya manligaw. Brian ang sakit pala nun. Akala ko crush niya din ako e.”

Nandito kami ngayon ni Brian sa paborito naming tambayan na park habang kinukwento ko sa kanya ang bawat detalye ng nangyari sa akin at sa crush ko. Nakakalungkot, pero alam mo yung pakiramdam na crush mo lang yung isang tao pero nabo-broken hearted ka? Masakit pala ‘yun.

“Bata ka pa Sandy, fifteen ka pa lang. Madami ka pang makikilala kaya wag ka na magmukmok dyan. Malay mo nasa tabi tabi lang pala yung hinahanap mo.” Pagpapangaral sa akin ni Brian. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nandito siya para damayan ako, o maiinis dahil lagi niya ako sinesermunan.

 “Halika nga.” Saad niya saka ako hinila papunta sa harap ng isang balon. “Wishing well” ang nakalabel dito kahit na hindi naman talaga ito ganoon kalalim para matawag na balon.

“Ayan. Maghulog ka ng coin at saka ka mag-wish.”

Para naman akong bata na sumunod sa sinabi niyang iyon. Kinapa ko ang pantalon ko at luckily, may coin dito. Kinuha ko ito saka nag-wish,

“Sana po makita ko na ‘yung tao na para sa akin.”

At saka ako tumalikod sa well at ibinato ang coin ng patalikod.

Pareho kaming nakatalikod sa balon kaya nakita kong bahagya siyang natawa sa naging hiling ko ngunit ganoon din naman ang ginawa ni Brian pagkatapos ko, humiling siya nang tahimik at saka nagbato ng barya patalikod.

Siguro nga bata pa ko para sa mga ganoong bagay, pero please? Kahit makita ko lang po siya Lord, masaya na ako.

November 20, 2010

“Akala ko ako lang yung nililigawan niya. Tapos nakita ko na may ka-holding hands siya. Ang sakit Bri. Ang tanga tanga ko talaga. Mas masakit pa ‘to sa ginawa ng crush ko.”

Kagaya ng dati, nabigo na naman ako. Kitang kita ko kung paano akong niloko ng inaakala kong taong magpapasaya sa akin. Akala ko siya ng yung sagot sa hiniling ko sa “Wishing Well”, pero mukhang hindi pa pala. Katulad ng dati, ang lalaki na namang ito ang kasama ko ngayon.

“Alam mo, wag ka malungkot kung palpak ang lovelife mo. Sadyang malakas lang manalangin ang taong pumapangarap sa’yo. Saka, hindi hinihintay yang ganyan, kusang dumarating ‘yan.”

Magkasama kami ulit ni Brian ngayon kahit alam ko na sesermunan niya lang ako ulit, gaya ngayon. Niyaya ko naman siya papunta sa “Wishing Well” saka kami tumalikod at bumunot ng barya sa bulsa ng mga bag namin.

Eleventh of OctoberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon