Badboy.10 [Learn to say NO!]

70 3 1
                                    

Magdiwang para sa panibagong update. ^^

Twitter: @siesiezii

IG: modernpandora_

******************************

"597, 598, 599, 600. Oh 600 pala yung pera natin na naipon e." tuwang tuwang sabi ni Sky. Nagiisip naman ang mga kaibigan nyang sina Jhune at Paul kung ano ba ang magandang gawin sa pera.

"Tutal tatlo tayo edi tig-200 tayo. Ano bayan ang onti parin para sa atin. Kulang pa yan sa pangbili ng regalo para sa mga chix e." banas na sabi ni Jhune.

"Tss.. Basta ako ok na dyan. Pero oo nga kulang pa. Bago na lang mag 28 natin yan paghatihatian para mas marami pa tayong maipon." sumangayon naman yung tatlo at ibinalik yung pera sa alkansiya.

"Tara uwi na tayo kanina pa uwian e." nagsi-alisan na silang tatlo.

---

"Lakad patakdaaaaaaaaaaaaa na. Pasulooooooooooong kad. Humintooooooooo na. Ok girls, upo na." na-upo narin sa wakas si DK. Kanina pa siya nagtitiis sa halos 2 oras nyang pagtayo.

Panay na ang pag-ensayo nya sa kanilang gaganapin na seremonya para sa darating na October 29. Dahil isa siya sa pinuno ay kailangan nyang magtiis mula sa pagod tutal naman ay ito na ang huling taon nya na maging lider ng Girl Scout.

"DK!" napalingon naman siya sa tumawag sa kanya.

"Oh ma'am. Ano po yun?"

"Pwede patulong naman ako. Wala pa kasing nagagawang Cheer and yell ang mga Star Scout. E malapit na yun diba. Ito kasing mga ito e, ngayon lang nagbigay ng gagawin kung kailan next week na yung scouting. Ano pwede ba?" nag-isip pa ng maigi si DK.

"S-sige po ma'am." kahit pagod na pagod na si DK ay um-oo na lang siya. Nakakahiya naman kasi sa guro niya kung tatanggi siya. Masyadong naging mabait si DK at lahat na lang ay inaako niya. Minsan kahit mga gawain ng guro ay siya na mismo ang gumagawa.

Minsan sa buhay ng tao ay kailangan matuto tayong sumagot ng 'HINDI'. Pag mabait ka kasi INAABUSO ka, pag naging madamot ka, ikaw pa yung mukhang MASAMA. Kaya nga ang mga taong MATALINO ay yung mga taong UTO-UTO. Ang nga taong TAMAD SA PAG-AARAL sila pa yung MATINO MAG-ISIP.

DK POV

Napa-subo na naman ako sa gawain na ito. Dagdag sakit sa ulo, kainis! Bakit kasi di ko kayang humindi sa mga tao sa paligid ko e.

Kumuha na ako ng papel at nagsulat ng maganda ipang-chicheer ng Star Scouts. Nakakaloko, yung sarili kong grupo wala pang nagagawa e samantalang itong Star Scout ay ginagawan ko na.

Tumayo muna ako at nagpunta sa pwesto ng nga Girl Scout. Tumayo ako sa harap nila kaya alam na nila na may sasabihin ako.

.

"Girls, next week na yung scouting. E may problema tayo. Kailangan pala nating maghanda ng Cheer and Yell. Ang kalaban natin ay yung Girl Scout at Boy scout ng kabilang branch which is yung Annex. So kailangan na ninyong mag-isip ng gagawin natin." nagtaas ng kamay si Tricia.

"DK, ako na lang gagawa ng cheer and yell. Cheerleader naman ako sa previous school ko e." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tricia kaya ngumiti ako sa kanila.

"Wow, ngumiti si leader."

"Oo nga. Nakita mo yun? Ang ganda pala nya pag ngumiti!"

"Sana lagi na lang siyang naka-ngiti hindi yung laging naka-simangot."

"Manahimik ka baka marinig tayo."

Tss, yeah right. Ngayon lang nila ako nakitang ngumiti. E sa wala naman ako sa mood ngumiti nung past months. Ngayon ko lang naisipang ngumiti dahil nabawan yung kalbaryo ko. What's the big deal with smiling.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon