Part II
"Salamat sa paghatid kuya." sabay sarado ko ng kotse. Umalis na si Kuya driver at pumasok na ako sa bahay.
"Oh? Kumusta ang review? Kumain ka na ba?" tanong ni ate na nanunuod ng t.v.
"Opo. ayos naman kahit papaano." matamlay kong sabi.
"May nangyari ba?" tanong niya pa. Umupo ako sa tabi niya at niyakap si Ate at di siya sinagot.
"Hay nako. Kaw talaga. Ano na naman ba ang ginawa mo?" tanong niya pa.
"Eh tinignan ko lang naman ang nakataob na picture frame niya eh. Nakita niya ako, tapos medyo nagalit yata siya kasi pinakialaman ko yun, kaya ayun, di na siya bumalik ng mini library niya pagkalabas niya at tinext ko nalang siya na uuwi na ko pagkatapos kong kumain sa hinatid niyang pagkain saakin." simangot kong sabi.
"Hay! Ikaw talaga." sabay gulo sa buhok ko.
"Sige na ate. Magha-half bath muna ko tas tulog na." sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"oh sige." sabi niya at ngumiti. Tumayo na ko at dumiretso sa kwarto ko.
"Ano..Lay..so-sorry sa ginawa ko kahapon." sabi ko sa kanya. Break time na naman ngayon kaya nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Tumayo siya at nilagpasan lang ako.
"Lay.." sabay pigil ko sa kanya. Nilingon niya ako at inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Bahala ka." sabay alis na niya.
"Argg! Nakakainis! Nag-sosorry na nga ako eh! Ayaw pang tanggapin!" sabi ko at umalis na lang din.
A week has passed na hindi ako kinikibo ni Lay. Oo, magkasama pa din kaming nag-aaral pero talagang pag out-of-the topic ang sinasabi ko at lagi nagsosorry sa kanya, di niya ako pinapansin. competition na ngayon at kinakabahan na ako. pero siya, seryoso at kalmado lang.
"Lay nanalo tayo!" sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at kinuha na ang trophy namin. Napasimangot naman ako. Grabe ha! Ilang days na siyang walang kibo saakin, namimiss ko tuloy yung weird niyang ginagawa. Hay. Natapos ang lahat lahat at pauwi na kami. Kasama ko ang teacher ko at siyang maglakad palabas.
"Lay, may susundo sayo diba?" tanong ni Ma'am Reyes. Tumango lang siya. Ako naman tong si walang imik. Biglang tumunog yung cp niya at sinagot niya ito at lumayo saamin. Dirediretso naman kami ni Ma'am sa van ng school. May tatlo pa kaming kasamang ibang students na representative sa Math at English.
"Ma'am Reyes, Congrats ha." bati ni Ma'am Romualdez kay Ma'am Reyes.
"Nako, kayo din. Tayo naging over-all champion sa Math, English at Science Highschool division." ngiting sabi ni Ma'am. Pumasok na kami isa-isa sa van at hinihintay na magpaalam kay Lay.
"Lay." tawag ni Ma'am. Lumapit si Lay at di na ko nakiusyoso pa. Ako lang ang nakaupo dito sa dulo at sana, ako lang talaga dahil matutulog ako. Gabi na din kasi natapos nag competition. Nagsoundtrip nalang ako mag-isa. Magse-senti ako. Nakakainis kasi yang Lay na yan. Snobber na rich kid. Sumandal nalang ako sa upuan ng nasa unahan na upuan at pumikit nalang. Wala na sigurong pag-asa tong pakikipagkibuan ko kay Lay. Ang tatag niya eh. Grabe lang. Haaaaaay!