Author's Note: Hello! First one-shot ko sya kasi honestly di ako dito magaling. So sa readers ko po sa isa kong story, sana support nyo rin to.
___________________________________________________________________
*August's P.O.V.*
HEY! I'm August Lianne S. De Vera, but my friends call me August. Yung mga di ko close, Lianne lang tawag nila. Third year highschool na ako and ako ang pinakabata sa aming lahat na magkakaklase. Ang dad ko ay nagmamay-ari ng pinaka-malaking company sa Spain at France. Ang mom ko naman, isa syang fashion designer. Sya ang nagdedesign ng mga damit ng ilan sa Hollywood stars. Well, so much for that.
~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~
We've been friends and classmates since we were in pre-school.
At one point, we even became really close to each other... but unfortunately, it was short lived.
Naging popular ka sa school at pinagkaguluhan ka na ng mga tao. Siguro, yun na rin ang dahilan kung bakit di mo na ako pinapansin ngayon. Although, para pa rin tayong normal na classmates, I can't help but feel na kinalimutan mo na nga ako dahil dyan sa pag-sikat mo.
You've changed a lot, you know that?
Kailan mo Kaya ako Mapapansin? Kailan mo Kaya Mapapansin ang nararamdaman ko para sayo?
~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~ ~~~
"Hoy, babae! Tara na, bago ka pa mapagalitan ni tita Mira." Pagtawag ng best friend kong si Angel. Mas excited pa tong umuwi sakin ah.
"Eto na nga, diba? Kita mong nag-aayos ng gamit eh." Sagot ko.
Paglabas namin ng school, madilim na pala. Pang-hapon pa kasi kami kaya gabi na uwi namin. Di raw ako masusundo ngayon ng driver sabi ni mommy kaya kasama ko si Angel uuwi.
Bigla ko naman tuloy naalala si Seth. Dati, nung grade six lagi kami magkasabay umuuwi nyan. Hapon ang uwi namin noon kaya tumatambay muna sya sa bahay tas uuwi pag gabi na. Lagi nya akong sinasamahan kahit san ako magpunta. Mapa mall man o kahit saan.
"Best friend kita, kaya di ko hahayaang may mangyari sayong masama."
I snapped back to reality nung siniko ako ni Angel at nagsalita sya.
"Uy! Ano, iniisip mo nanaman ba si Manuel?" Manuel ang surname ni Seth. Nakakatawa nga eh, kasi ang initials nya is SM. Yan din pinang-aasar ko sa kanya noon kasi ayaw nyang tawaging SM. Haha! Di naman daw kasi nya pangalan yun.
Nung di ako sumagot, nagsalita ulit si Angel.
"Baka gusto mong isa-isahin ko ang- "
"Oo na, Angel!" pagputol ko sa sinasabi nya. Alam ko naman ang flaws ni Seth eh!
"Chill! Ayaw ko lang naman kasi na lalo ka pang masaktan." Concerned na sabi ni Angel. "Alam ko kung gaano mo sya kamahal, August. Pero kung di mo susubukang kalimutan na rin sya, lalo ka lang mapapamahal sa kanya at lalo ka lang masasaktan." By then, tumigil kami sa paglalakad.
((beep))((beep)) *A/N: tunog lang po yan ng kotse*
"Andyan na yung kotse oh. Tara na."
Pumasok na kami sa kotse nila Angel and just when I thought na mahihinto na ang usapan kanina, nagsalita naman tong si Angel ulit.
"Hindi mo matatakasan ang katotohanan. Dahil kahit anong gawin mo, you still need to face it in the end." Sabi na, itutuloy nito talaga yung usapan kanina eh. "August, kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Hindi porket mahal mo sya, di mo na susubukang mag-move on at kalimutan sya." Magaling talaga mag-advice tong si Angel eh. Yun nga lang, di ko lagi nasusunod. Matigas ulo ko eh.
BINABASA MO ANG
Kailan Kaya Mapapansin?
Teen FictionWe've been friends and classmates since we were in pre-school. At one point, we even became really close to each other... but it was short lived. Naging popular ka sa school at pinagkaguluhan ka na ng mga tao. Siguro, yun ang dahilan kung bakit hind...