CHAPTER 46
Nakita ko kung paano sinundan ng tingin ng kahinahinalang lalaki ang paglabas ng gate ni Diane at hindi ito napapansin ni Diane hanggang malampasan nya ang naturang lalaki.
( "Yeah heh! This is it, sa akin ka na ngayon Diane! Pasensyahan na lang," )
Pagkatapos nun ay di ko na muling nabasa ang mga iniisip nya dahil nagsuot na sya ng helmet. Remember, hindi na sakop ng ability ko ang makabasa ng isip kapag natatakpan ang kanilang mga mata.
Kung nagsuot sya ng helmet, nasaan ang motor nya? Biglaan din syang naglakad at sigurado akong susundan nya si Diane dahil pareho sila ng direksyon na tinahak.
Nagkaroon ako ng masamang kutob kaya napatayo ako sa kinauupuan ko para sundan din sya. Bahala na kung di na ako madatnan ni Jazer dun, kasalanan nya yun eh ang tagal nya dumating
Hindi nga ako nagkamali sinusundan nga ng lalaking yun si Diane. Dahan dahan akong sumunod sa likuran nila hanggang makaliko sila sa medyo madilim na bahagi ng kalsada.
Nagtago ako kung saan di nila ako kita. Pagsilip ko sa palikong bahagi ng kalsada. Nagulat ako kasi ang bilis ng pangyayari dahil nakalapit na pala ng tuluyan yung lalaking nakahelmet kay Diane. Nakaakbay ito mula sa likod at mukang may tinututok itong patalim sa leeg ni Diane para takutin sya.
Narinig kong nagsalita yung lalaking may helmet "Sumama ka sa akin at wag kang gagawa ng ingay!"
Sh*t, patay kang Diane ka, kidnaper pa yata yung loko. Takbo na dali, ouch nakatutok pala yung patalim sa kanya. Teka wala na bang ibang taong pwedeng tumulong sa kanya. Teka hihingi ako ng tulong.
Pero mali! Hindi ako pwedeng malingap saglit baka mawala sila sa paningin ko. Ilang sandali pa, mula sa madilim na kalsada ay may napansin ako na may paparating na tricycle pero hindi sila nasindak sa pagdating nito, huminto pa nga sa tapat nila.
Shocks! Hindi kaya, Get away vehicle yun. Kaylangan may gawin na ako bago pa sya matangay ng mga kidnaper. Bahala na, buwis buhay na! Para kay Diane ang gagawin kong ito!
"KYAAAHH!"
Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at patakbo kong ibinwelo yung suntok ko dere-deretso basta makatama sa kanya. Yun nga lang sa nervious ko nakalimutan kong nakahelmet nga pala sya kaya dun tumama yung suntok ko.
**PLAK**
Ouch! Putek ang tigas ng helmet nya. Wala na akong nagawa kundi ang napahimas sa kamaong ginamit ko. Ang good things lang na nangyari eh binitawan nya si Diane.
"Dark!" sigaw ni Diane
Wow for the first time, tinawag ako ni Diane sa pangalan ko. Oops pero hindi ito ang tamang time para kiligin ako. Lalo't pakiramdam ko na mukhang pagtutulungan yata ako ng lalaking nakahelmet at ng tricycle driver na nakaparada pa rin hanggang ngayon sa harapan namin. Pero dahil nasa harapan ko lang yung lalaking nakahelmet, sya ang unang umatake sa akin...
"HHAAAAH!!"
Hinabol nya ako ng patalim, nakaiwas ako sa unang atake nya. Pero kamusta naman yung pangalawa? yung pangatlo? pang-apat? Syempre naiwasan ko lahat, sa wakas nagbunga rin yung panunuod ko ng mga laban ni ippo makonochi sa ring. XD
Ang sumunod ay pinakawalan ko sya ng matinding uppercut. Haha joke! Nakahelmet nga diba, syembre dinamba ko lang sya hanggang matumba sya sa lupa. Dinaganan ko sya sa pagitan ng mga hita ko habang hawak ang mga braso nya.
Sa di malamang dahilan ay di bumaba yung tricycle driver sa halip ay pinatakbo nya na lang ang tricycle nya at saka mabilis na lumayo samin.
"Hoy bumalik ka dito!" narinig kong pang sigaw ni Diane
"Huy huy wag mo ng pabalikin yun! Madedehado ako nyan eh," sabi ko
Buti nga di tumulong yung tricycle driver mukhang natakot yata, eh tsamba na nga lang ako at nahuli ko pa ang kriminal na to, kaya habang may pagkakataon pa tinanggal ko na agad yung suot nyang helmet.
"Lester?" narinig kong sabi ni Diane
"Kilala mo ang taong toh?" tanong ko
"Oo yung mukhang yan," sagot nya
Okey, Lester pala pangalan ng loko. Pero bilib talaga ako sa pasok ko, pang knight in shining armor talaga, akalain nyo nakapagpatumba ako ng kriminal.
"Diane, tumawag ka ng pulis o kahit ano para madakip na'to," utos ko sa kanya
Muli ay binalik ko ang tingin ko sa lalaking kriminal. Bagamat hindi sya maKakailos ay alam kong may lakas pa sya, hindi ko naman sya pinuruhan pero himalang hindi na sya nagpapapalag.
( "okey ka sana bata eh, yun nga lang weak ka parin," ) >>>Lester
Anong weak? Lamang pa nga ako eh...
**TSK**
"Ugh!" Hindi ko inaasahan ito pero nasaksak ako ng loko sa tagiliran
Paanong! Akala ko tumilapon na kutsilyo nya kanina. Hinde! Ibang kutsilyo pala ginamit nya, isang balisong na ang nakatarak sa akin ngayon.
Kinapa ko yung tagiliran ko sh*t ang daming dugo, nanlumo ako parang unti unting nauubos ang lakas ko. Pagkatapos bigla nya akong tinuhod at para akong papel na bumagsak sa lupa.
"Dark!" narinig kong boses ni Diane
Medyo malabo na sa akin ang mga pangyayari, unti unti na kasi akong nanlalambot, ah! Mamamatay na ata ako (T_T)
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantezieAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...