CHAPTER 48.5

44 0 0
                                    

CHAPTER 48.5

<Continuation of Diane POV>

Kinuha ulit ni Jazer yung upuan nya kanina at ipinwesto ulit sa tabi ko. Pareho na kaming nakaharap sa nakahiga't walang malay na si Dark. Pakiramdam ko mukhang mahaba-haba ang sasabihin nitong Jazer na'to saken.

"Gaya nga ng nasabi ko, di malayong maikwento ka saken ni Dark. Halos bestfriend na rin kasi ang turingan namin sa isa't isa," sabi nya

"... All about I.D. yun diba?" dagdag nya

Hindi ako sumagot, Yup totoo nga na nagkakilala lang naman kami dahil sa I.D. ko. Pero hindi ako sumasagot, tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi nya.

"Pinatawad mo na ba sya?" tanong nya

"Ah uhm, hindi pa," sagot ko

"Well di na ako magtataka na ganito sinapit ni Dark," sabi nya "... At talaga namang sinugal nya pa ang buhay nya para sayo,"

My god, pinaalala pa ng isang ito. Guilty, guilty nanaman ako. Ano bang gustong mangyari ng isang to? Tungkol nanaman ba sa pride ko? Sige na nga, patatawarin ko na sya pagkagising na pagkagising nya. Nang sa ganun ay di nya na ulit ibuwis ang buhay nya para saken. Hmpt!

"Alam mo, bilib din ako dito kay Dark eh," pinagpatuloy nya muli ang pagkekwento "... Sya yung tipo ng tao na parang lunok lang ng lunok ng pride, okey sabihin na natin na oo medyo mahiyain din sya minsan. Pero heto may ikekwento ako sayo Diane, sandali lang ah,"

Lumapit siya kung saan naka higa si Dark, tapos tinapat nya yung bibig nya malapit sa tenga ni Dark.

"Ahm Dark," binulungan nya ito pero sa tonong medyo abot ng aking pandinig "... Pasensya na ah, makikialam nanaman ako sa buhay mo,"

Pagkatapos bumalik nanaman si Jazer sa upuan nya sa tabi ko. Tapos muli nya akong kinausap. "Haha, malay mo nga naman marinig nya. May mga ganun daw kaso eh na kahit walang malay ang isang tao eh aktibo naman ang kanilang pandinig. Ewan ah di ako sigurado dun. Pero kasi may sasabihin kasi ako sayo na alam kong tututol sya haha,"

Nung sinabi nya yun, medyo napangiti ako. Loko din tong kaybigan nya, may pagkamadaldal. Pero sige makikinig ako, na-curious na ako eh. ( >,< )

"Natatandaan mo ba nung kaylan P.E. class natin. Diba magKakalase tayong lahat dun," sabi nya

"Uhm," tumungo ako

"Eh natatandaan mo pa siguro yung lalaking nakapiring na kumanta ng sorry na,"

"Ah, medyo... pero umalis na rin agad ako nun eh," sagot ko

"Oo nga eh sayang,"

Pagkasabi nya nun, medyo nagtaka ako. Teka paano ba kami napunta sa usapang yun.

"Sayang? Bakit naman?" tanong ko

"Para sayo kasi yung kantang yun Diane. Ang kantang si Dark pa mismo ang umawit para sayo,"

"Huh?" anudaw

"Oo, Sya yung lalaking nakapiring,"

Oh mygad! Harana? Sya ba yun? Napatulala ako habang inaalala yung mga panahon na yun. Nakatingin din ako sa face ni Dark at the same time habang nagfa-flashback ako.

What? Oo nga medyo tumutugma nga yung itsura nila. Tapos, ngayon ko lang na-appreciate yung song na kinanta nya. Seryoso ba talaga sya nun.

"Natatawa nga ako pag naaalala ko yun eh. Pero seryoso ha, si Dark talaga yung kumanta na yun tanong mo pa kay Kiel, yung kasama nya na nag-gitara," nagpatuloy lang sya sa pagkwento habang ako tulala parin "... Well di ko lang alam kung ano pumasok sa isip nya kung bakit sya nagpiring ah, pero wala tayong magagawa, buhay nya yan eh"

Shocks! Parang ako pa yata yung naging masama ah. Kumanta sya sa harap ng maraming tao para lang i-accept ko ang apology nya. Kung ako tatanungin hinding hindi ko gagawin yang bagay na yan pero sya ginawa nya para saken. My god talaga. (@.@)

"Oops, pass twelve na," tumayo na si Jazer sa upuan nya "... I need to go, sorry ah di na kita masasamahan pa dito,"

"Ah okey lang," tugon ko

"Gudnight nalang," pahabol nya

Pagkaalis nya, medyo na bored na rin ako. Kaming dalawa nalang ni Dark yung narito, di ko pa makausap dahil di parin sya gumigising. Wala na rin akong makalikot sa cellphone ko at halos lahat nagawa ko na. Nakapagpaalam lang ako sa parents ko na dito na ako magpapalipas ng gabi, tapos hindi na sya nagreply.

Hayst. Di parin ako makapaniwala, parang panaginip lang ang lahat ng nangyari ngayon. Pero truth, kasama ko si Dark. Nakatitig lang ako sa mukha nya, hinihintay ang kanyang muling pagmulat.

Paulit ulit kong naiisip ang mga ginawa ko sa kanya before. Puro hindi magandang ugali yung pinakita ko sa kanya na parang ako pa yata yung kaylangan mag-apology sa kanya.

Wait gabi na masyado, wala bang extrang kama dito? Ampt No choice kundi ang matulog sa upuan hayst. Pinilit kong umiglip ng nakasandal sa upuan habang nakatakip ng face towel yung mata ko. Pero hindi talaga ako makatulog hindi dahil sa posisyon ko sa upuan. Kundi dahil may bumabagabag sa isip ko. Lagi ko kasi syang naiisip.

Huh! Ano ba'to, ba't puro si Dark na ang nasa isip ko.

(O///O)

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon