CHAPTER 50
Ako naman bilang lalake, syempre oo kinikilig nga ako. Dati ligaw tingin lang ako kay Diane dahil parang ang hirap nya maabot. Sobrang ganda nya pero di ko sinasabing panget ako ah.
Pero di dapat ako basta basta nag-eexpect na baka nga mahulog saken si Diane. Ang habol ko lang ay magkasundo kaming dalawa.
"Ahm nurse Ashley," sabi ko
"Bakit?"
"Binisita ba ako ng mga magulang ko dito?"
"Ahh... If I'm not mistaken, mother mo yata yung nagpunta dito kagabi, pero umalis din agad eh," paliwanag nya
Huh, Si mama? Parang masama pa ang loob ko ng marinig na umalis din sya kaagad. Mas mahal pa nya yata ang bingo kaysa sa anak nya.
"Pero okey lang," muli nanamang humirit yung nurse. "...Nandyan naman yung sweet friends mo, ayiii,"
( "Oh My God, ako yata ang kinikilig sa kanila, hihi," ) >>>Ashley
"Aw ayoko na nga," sabi ko. "...Hindi naman kami closed, at saka galit po sya saken,"
"Oh common," engk, ayaw talaga sumuko ng nurse na'to.
"...Alam mo, kaming mga babae. Minsan sinasabi namin na nagtatampo kami or galit galitan ang eksena pero wag ka! Deep inside, gusto lang namin na lambingin nyo kami tapos okey na,"
Hindi na ako sumasagot pero hinahayaan ko lang syang dumaldal ng dumaldal hanggang sa nagsawa sya at bigla na syang tumayo sa upuan.
"Wait lang ah tawagin ko sya, usap kayong dalawa ah goodluck," sabi ni nurse Ashley
Aw di pa ako prepare, adik na nurse to, pero nagmadali na syang lumabas ng room at seryoso talaga sya na papuntahin ulit dito si Diane.
**Eengk** (door opened)
Saglit lang eh, si Diane na yung sunod na pumasok sa kwarto. Dahan dahan pero disente ang paglakad nya papunta saken. Tapos umupo sya sa upuan kung saan sya nakaupo kanina.
Ako naman nakatingin lang sa kawalan, kunwari wala sa mood makipagusap. Pero ang totoo nahihiya talaga ako at wala akong mai-topic sa kanya.
"Ahm kamusta ka na?" mahinhin na tanong nya
Whoa? Kinukumusta nya ba ako? Malamang oo. Kaming dalawa lang naman nandito eh. Ganunpaman nananatiling deretso lang ang paningin ko.
"Ah eto buhay pa rin,"
Oops! Syete, mali yata yung sinabi ko ah. Ano ba naman klaseng pagsagot ang ginawa ko. Naku tatarayan nya na siguro ako ngayon dahil sa pamimilosopo ko. Pero ilang segundo pa ang lumipas hindi pa rin sya nagsasalita. Pumaibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa...
"Sorry,"
Isang salita galing sa kanya ang bumasag sa katahimikan at naging dahilan para magkusa ang ulo kong lumingon sa kanya.
"Huh? Teka para saan? Diba dapat ako ang magsabi nyan sayo?" sunod sunod na tanong ko
Oy ah, pero nung nakatingin na ako kay Diane, hindi sya makatingin ng deretso saken bagamat natatakpan ng mahahaba nyang buhok ang kaliwang bahagi ng mata nya, kita ko naman sa kanan nyang mata na nakatingin sya paibaba.
( "My gad, di ko alam sasabihin ko ah. Hindi naman ako dating ganito ah. Anong bang nangyayari saken, teka hindi kaya? Hindi kaya in love ako?" ) >>>Diane
"HAH?" sigaw ko
Hindi ko na napigil yung sarili ko at biglang napasigaw ng mabasa ko ang iniisip ni Diane. Ansabe? Inlove? Inlove daw ba sya sa aken. Grabe ngayon lang ata ako nagreact ng ganun matapos makabasa ng isip. Pero di dapat ako magpahalata ng ganun kaya pati si Diane nataranta sa sigaw ko. Akala nya tuloy pinepresure ko sya.
"Ah eh, sorry kase, naging mahigpit ako sayo masyado... na dapat sana pinatawad na kita noon pa... ayun," paputol putol na sagot ni Diane
Hah, panaginip lang ba ito! Pinatawad na ako ni Diane ngayon. Sobrang saya ko ng mga sandaling yun, ewan ko kung anong itsura ko nun pero sigurado nakangiting aso ako haha.
"Really?" oh ha, napa-english pa ako ^_^
"Oo nga!" sagot nya
"Hay salamat,"
Pagkatapos nun saka ko naalala isauli sa kanya yung I.D. nya. Tutal pinatawad nya na ako ngayon, siguro naman tatanggapin nya na yung binato nyang I.D. saken noon. Alam ko nasa loob pa ng bag ko yun eh. Teka ayun, nakita ko yung bag kong nakapatong sa sahig. Babangon sana ako sa kama para kunin yung bag ko na yun pero agad namang napansin ni Diane ang gusto kong gawin.
"Oops dyan ka lang, ako na kukuha," tumayo si Diane at sya pa talaga ang kumuha ng bag ko para saken
"...Wag mo ng pwersahin ang sarili mo, okey," dagdag nya
How sweet diba, sabi ko na mabait talaga itong si Diane eh. And what if pa kaya kung totoo nga na in love sya sa akin. Posible kaya, totoo kaya na ako rin ang nilalaman ng puso nya hindi lang ng isipan.
"Ano bang kukunin mo?" tanong nya sabay abot ng bag
"Basta," sagot ko
Pagka-abot nya ng bag ko ay nagkataong nahawakan ko rin yung kamay na pinanghawak nya. Normal lang naman yung mga ganung senaryo pero masyado na yatang matagal ang pagkakahawak ng mga kamay namin sa bag ko.
Parang mga magnet na nagtama ang mga mata naming dalawa at malaya kong napagmasdan ang mala-anghel nyang mukha kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
( "My gad, I'm totally in love," ) >>>Diane
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasiAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...