Bidding Goodbye
Prologue:
Nagawa mo na bang tumaya sa pag-ibig?
eh ang magparaya? Ang sinaktan at masaktan? Ang gawing tanga at mag pakatanga? ang umasa at magpa-asa?
Parang sa laro ng basketball tataya ka para manalo kahit alam mo ng talo ka sa huli.
Parang Basketball kailangang bantayan ang kalaban para hindi maagaw ang bola.
Ang Pag-ibig parang Basketball may foul,may defense, at may time-out. Kahit na pagod kana kahahabol ng bola, kahit na tagatak na ang pawis mo at hirap ka ng huminga, kakayanin mo parin para makuha ang bola.
CHAPTER 1
****prrrrrrttt***
“FOUL!!”
“number 13 travelling ..” sabi ng referee. wala akong nagawa kundi tumunga-nga. Lumilipad nanaman ang isipan ko.. naalala ko nanaman..
“Rhian okay ka lang?” tanong sakin ng kasama ko. Tumango nalang ako kahit na ang totoo malapit ng tumulo ang namumuong liquido sa mata ko..
‘Rhian umayos ka kahit ngayon lang.. kailangan nyong manalo.. para sayo rin to’.. eto naman ang gusto mo diba?’ bulong ko sa sarili ko na nangiginig na. nabigla nalang ako ng may tumawag ng pangalan ko at ipinasa ang bola,
Ang bigat nito kasing bigat ng dina-dala ng puso ko.Kung isa lang akong ordinaryong babae baka natumba nako.
“ Rhian shoot!” sigaw nila sa akin.. ang lakas ng hiyawan ng mga tao pero mas malakas parin ang pintig ng puso ko. Kanina pa ako naglalaro pero ngayon ko lang nararamdaman ang ganito..ewan ko, parang may matang titig na titig sakin..nawiwindang lang yata ako..
Itinakbo ko ang bola papunta sa kabilang court, ang lalaki ng kalaban namin pero hindi sila uubra.Tama! hinding-hindi sila uubra.
Isho-shoot ko na sana ang bola ng matyempuhan ko ng mas maganda kung ipapasa ko yung bola.
Ipapasa ko nasa ang bola nang ma-agaw sakin ito. Hindi pwede to, nasaakin na nga makukuha pa ng iba. Pati ba naman sa laro. Hays! Laro lang to Rhian walang personalan..
Agad akong tumakbo para mahabol at makuha uli ang bola. Hinihingal na ako at basang-basa pa ng pawis. Ang laki nya, sigurado ba kayong babae toh? Pagod na akong kaaagaw ng bola, at alam kong wala nakong pag-asa pero may nasagi ang isipan ko.. Bawal to pero kailangan..
Humanap ako ng magandang tiyempo para matapakan ang shoe lace nya. Hindi kasi yun nakatali ng maayos. Natisud sya kaya nabitawan nya yung bola, agad nya naman iyong hinabol ..
makukuha nya n asana pero huli na..
Sinipa ko yung bola..
“FOUL!” inunahan ko na ang referee.. Tawanan at puro palakpak naman ang mga tao. Shunga lang..haha.Minsan kailangan mo rin mandaya..
Tumingin ako sa mga kasama ko at kitang-kita ang pagkadismaya..pero meron ding natatawa dahil sa katangahang ginawa ko.
Sa huli Talo kami, wala eh! Ganyan talaga! May nanalo at may natatalo. Atleast..I try hard..I can accept my failure, but I can’t accept without not trying. Wow! May pinanghuhugutan..Hayys!may susunod pa..babawi rin pag may time..
Natigilan nalang ako ng naramdaman ko nanamn ang titig sakin, maraming tao kaya diko malaman kung sino.
Hindi ko alam kung sino lalong lalo na ang isip ko, pero ang puso ko nagsasabing sya..
Naluluha ako na natatawa ewan ko pero di ko rin alam… Gusto kong paniwalaan na sya pero mali..
Nagkakamali lang ako.hindi pwede na nandito sya..
Dahil matagal na siyang wala…
BINABASA MO ANG
Bidding Goodbye
Short StorySix letters, two words, Easy to say. Hard to explain, but Harder to do: MOVE ON. Ika nga, yan ang paulit-ulit na payo para sa mga broken-hearted. Mahirap magmahal sa taong hindi masuklian ang pagmamahal mo, sa taong akala mo makakasama hanggang sa...