***3 years ago**
"Babe! Ghad! What happened to you? Bakit ang dungis mo?" tanong ko sakanya na may halong pandidiri pero sa totoo lang kinikilig ako dahil kahit na pawis na pawis sya ang bango at mas lalong nagpagwapo sa kanya.
"Hindi kaya! Ang bango ko nga eh!" sabay akbay nya sakin.
"eew! Lumayo ka nga saakin, pinagpapawisan ka kaya!" Biro ko sa kanya..Kalalaro nya lang kasi ng basketball.
"sus! Kunwari ka pa gustong-gusto mo nga eh! Haha!" Tawa sya ng tawa kaya pinaghahampas ko sya pero di namn ganun kalakas..
" Babeboo! Lika na nga! Hahatid na kita, Gabi na delikado maraming adik dyan sa kanto." Habang hawak-hawak nya yung kamay ko.. naglalakad kami habang pasway-sway pa yung kamay namin.
"Boo~" tawag ko sa kanya.
"Hmmn?" lumingon naman sya saakin na nakangiti. Natakot tuloy ako. Hindi naman sa hindi ko sya nakikitang ngumiti pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa ngiti nya. Wag naman sana...
"Mag-iingat ka ah! Wag mong pababayaan yang sarili mo. Atsaka umiwas ka sa mga gulo okay? Uulitin ko, mag-iingat ka ngayong malapit na tayong ikasal." Sa susunod na linggo na ang kasal namin. Malapit na malapit na.
"Aye. Aye Captain! Ikaw rin ah! Lagi kang mag-iingat! Wag mong pababayaan ang sarili mo kahit na wala ako. Wag kang magpangayayat. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Sabay nun ang paghalik nya sa noo ko.
" hmmp! Gaya-gaya inulit mo lang yung sinabi ko eh!" pinapasaya ko lang maykakaiba kasi akong nararamdaman.
"hehe!" tawa nya habang kinukudkod nya yung batok nya..Hindi ko mapigilang yakapin sya.
"why? Malayo pa ang honeymoon natin babe~ uting tiis pa wag kang masyadong atat okay? Makukuha mo rin ako." Hinampas ko naman yung braso nya.
"Bastos! Ahh basta.. kung dito ka nalang kaya magpalipas ng gabi?" tanong ko sa kanya na napangisi sya.
" what?" tanong ko.
'Hindi naman halatang atat ka noh?"
" Hindi noh! Gabi na kaya at.. atsa.. atsaka maraming rugby boys dyan tapos may mumu baka makasalubong mo pa si haring aswang."Hinila nya ako at yinakap ng pagkahigpi-higpit.
"sshhhhh! Okay lang naman ako eh! Lalaki ako! Kita mo tong katawan ko? Haha.."tapos kunwari nagbobody builder sya..
"Paano aalis nako Mahal ko.. Paalam.."
ewan ko pero hindi ko gusto yung sinabi nya.
Noong gabing iyon..nagtext sya saakin na maayos syang nakauwi. Nawalan ako ng tinik sa dibdib ng mabasa ko yun.. Mabuti naman...Dahil hindi ko makakaya kung may mangyayari sa kanya...
Hindi ko akalain na pati Hanggang pagtulog hindi ako pinakawalan ng hindi ko inaasahang bangungot.
Kinabukasan nagising nalang ako nang umiiyak.. that wasn't just a Dream but a nightmare. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng binasa yang katagang sinabi ko ngayon lang basta ang alam ko yang ang mga linyang lumabas sa bibig ko..
Patuloy parin sa pagluha ang mga mata ko.. Hindi ko maaninag ang panaginip ko. Iniligo ko nalang para mawala ang gulo na nasa isip ko.
"I'm sorry..Rhian..I need to go."
"but...but I thought you Love me?" pag-mamakaawa ko sa kanya para pigilan sya.
" Im sorry.." He is breaking up with me. He is totally breaking my heart.. parang ilang milyon akong pinagsasasak-sak sa mga katagang ng galing sakanya.
" Y-you said you Love me..b-but ....."
"I never did.. at kung sinabi ko man iyon that is pure lies..niloloko lang kita.Sorry."
"sorry? Sorry? Yan lang ang sasabihin mo? Sorry? Magagamot ba ako ng sorry mo? Can it heal my wounds? the pain and my heart?...
I thought you love me but you never does.."nakaluhod at kaawa-awa akong tignan kung tutuusin.pero..
"please! Byy! Wag.. wag ngayon..ikakasal na tayo..wag mo'kong iwan."
" paalam mahal ko..."
Napamulat ko nalang ang mata ko sa pagsha-shampoo hindi ko mapigilan ang luhang lumalabas sa mata ko. Isang bangungot..eto.. eto yung napaginipan ko kagabi..na sana hindi ko na lang naalala.
Para akong piñatay ng buhay..at kung ano yun hindi ko alam..
Ang sakit.. ewan ko panaginip lang naman iyon pero hindi ko matumbok kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko..
**~Goobye.goobye.goodbye... My loveI can't hide. Ican't hide .can't hide wasn't come. I have to go. I have to go and leave you alone but always know, always know. Always know that I love you so....i love you so***
Biglang nagring yung phone ko, hindi ko inakalang yun ang ringing tone ng phone ko..Goodbye... Binilisang kong maligo at agad na tinungo ang kanina pang tumutunog na cellphone.
Nabitawan ko nalang ang cellphone ko at balisang-balisa sa nakalap kong balita. Akala ko kapag nagigising na ang isang tao mawawala ang bangungot sa pagtulog.Hindi ko inaasahang hanggag paggising k,o isang bangungot rin gigising sakin.
Kaya ba ganun nalang ang kabang nararamdaman ko kagabi, kung alam ko lang sana..kung kaya k o lang sabihin ang mangyayari sa mga susunod na araw..edi sana nandito pa sya.. kapiling at Masaya..
Hindi ko mapigilan ang luhang umaagos sa mukha ko..hindi ko kayang pigilan ang sarili ko... Ang sakit... ang sakit. Sakit..
Nagsiuwian na ang mga tao.. nandito ako ngayon sa puntod ng mahal ko.. Hindi ko akalaing aabot ng ganito.
Reign Carlo Cruz
Born: April 0, ****
Died:March 00.****
Kasabay ng agos ng luha ko ang pagbuhos ng ulan.. parang nakikiramay sa pagka wala nya. Pero hindi nito kayang tumbasan ang sakit na nararamdaman ko, ang pasakit na dala-dala ko araw-araw at dadalhin sa susunod pang araw.
"Bakit ako pa?" I keep asking to myself..why me? Bakit ako? Mula pagka bata sinunod ko naman ang inuutos ng magulang ko. Ba't ako pa, naging mabait naman ako, Bakit ako pa nagmahal lang naman ako ng totoo ah.. Masama bang maghangad ng unting kaligayahan.Masama bang humiling makasama ang taong mahal ko?
He died on that night, napasama sya sa gulo na sana hinayaan nya nalang.. sya na nga ang tumulong sya pa ang nadawit.. Nasaksak sya dahil sa gulong aawatin nya lang sana pero huli na..
Sana hindi na lang sya tumulong..
Edi sana buhay pa sya ngayon...
****present**
Nagising na lang ako sa katotohan nung nabitawan ko ang hawak hawak kong bola. Naalala ko nanaman,
pilit kong magising sa isang bangungot na hindi ko kayang takasan dahil hanggang ngayon ayaw akong tantanan..
.....................................................................................................................
S/A: Sana naman may magbasa nito..haha. pero kahit wala, tutloy ko parin..
Thanks for reading! na sa puntong ito, naabot mo ang Chapter 1..
BINABASA MO ANG
Bidding Goodbye
Short StorySix letters, two words, Easy to say. Hard to explain, but Harder to do: MOVE ON. Ika nga, yan ang paulit-ulit na payo para sa mga broken-hearted. Mahirap magmahal sa taong hindi masuklian ang pagmamahal mo, sa taong akala mo makakasama hanggang sa...