Sa lupit ng aking sinapit, hindi ko namalayan na ako'y naiipit.
Naipit sa sitwasyong masakit, kaya sa pag move-on aking pinipilit.
Namatay nga ako kahapon, pero buhay na buhay na ako ngayon.
Sa pagsapit ng tamang panahon, mga hinanakit ko ay aking ibabaon.
Kalimutan ang nakaraan, 'yan ang laman ng aking isipan.
Sa kanyang pagdating, bagong buhay ang nakahain.
Sana s'ya ay makita na, dahil s'ya ang aking pag-asa.
Bilisan mo naman, dahil ikaw ang aking kailangan.
'
Mamahalin ko s'ya ng buo, higit pa sa nakaraan ko.
Kahit itong aking buhay, ay kaya kong i-alay.
Puso at kaluluwa ko'y ibibigay, dahil s'ya ang magiging lakas sa aking paglalakbay.
Sa paglalakbay nitong mapaglarong mundo, s'ya ang magiging inspirasyon ko.
