SHE CAUGHT MY HEART <3 >>> [HIS POV]
*************************************************************************************
Paalala: Eto po ay POV ng bidang lalake. Mas mabuti po kung mababasa niyo muna ang POV ng bidang babae. Para po ito sa ikabubuti niyo.hahaha XD
Please click the external link para makapunta sa "HE TOOK MY HEART" which is the POV ni bidang babae. Thank you po. :)
*************************************************************************************
[ KEITH’S POV ]
Ganito na lang lagi. Araw-araw ko siyang sinusundan kahit saan man siya magpunta. Stalker ba? Hindi ah. Ganito naman na ako simula pa lang pero hindi naman niya iyon alam eh, hindi niya iyon napapansin dahil best friend lang ako. Ewan ko, pero sa ginagawa kong pagsunod sa kanya eh sumasaya ako lalo na tuwing nakangiti o tumatawa siya. Gustuhin ko mang ako ang maging dahilan ng pagngiti at pagtawa niya ay hindi ko magawa dahil alam kong nasaktan ko siya. Oo, ---------
[Ngiti]
Sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko’y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana’y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Napatingin ako bigla sa isang estudyanteng babae na dumaan. Wow! Sapul ako doon sa pinapatugtog niya eh.
Teka? Saan na nga ba ako? Ahh! Oo, alam ko na nasaktan at nasasaktan ko siya dahil sa pag-iwas ko pero kelangan ko itong gawin. Bakit? Kasi kung patuloy akong mananatili sa tabi niya ay lalo lang akong masasaktan dahil para sa kanya mahal niya ako as a best friend eh samantalang para sa akin mahal ko siya higit pa sa best friend.
“I miss you Ana.” mahinang sabi ko habang nakatingin ako sa isang babaeng nasa may tapat ng locker niya sa di kalayuan
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Bro, buti naman at nandito ka na.” sabi ni Allan sa akin pagkapasok ko pa lang sa room
“Ano na namang kailangan mo sa akin? -__- ” tanong ko sa kanya
“Grabe ka naman Bro. Eh, may assignment pala tayo sa Trigo pero nakalimutan ko kaya hiramin ko sana notebook mo. Pakopya na lang ako.” siya na sinundan ako hanggang sa upuan ko
“Ayoko. Gumawa ka ng sarili mong assignment.” sabi ko sa kanya
“Kadamutan. Parang ngayon na nga lang ulit mangongopya eh. Ano bang nangyari at ang sungit-sungit mo ngayon ha?” siya
“Wala kana doon.” sagot ko sa kanya
“Nakita mo na namang nakangiti si Ana ano? At naiinis ka kasi hindi ikaw mismo yung dahilan kundi yung note sa locker niya.” sabi niya
“Tsk! Tantanan mo nga ako.” saka ko inilabas ang notebook ko sa Trigo at iniabot sa kanya
“Selos ka lang eh. Kung nilapitan mo na lang kasi siya kesa diyan sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya.” sabi niya ng hindi nakatingin sa akin
BINABASA MO ANG
She Caught My Heart [One-Shot]
Teen FictionLahat naman ginawa ko para maiparamdam sa kanya na mahal ko siya higit pa sa pagiging kaibigan. But she sees me as her best friend only. Nothing more, nothing less. I tried to move on kahit wala naman kaming naging relasyon bukod sa pagiging mag-be...