Chapter 23

839 35 3
                                    

M A R I S

"Janelle, may sasabihin ako sayo"

naglalakad kami ngayon sa loob ng Village, pauwi na kami, kasabay ko ulit si Janelle, ngayon lang ako naglakas ng loob para sabihin sa kanya, at hindi pwedeng matapos ang araw na ito nang hindi ko sinasabi sa kanya.

"ano?" nakangiti niyang sabi.

patay parang ang saya pa naman niya, tapos baka magalit siya sa sasabihin ko.

"ano kasi eh ano---"

"ano yun Maris? wag ka ngang pabitin!" nakangiti niyang sabi.

"ano kasi eh, diba sabi mo, wag akong magpapaligaw?"

tumango siya

"kaso Janelle... si Mccoy kasi eh, pinayagan ko siyang manligaw sa akin..."

bigla siyang sumimangot, patay!

"Diba sabi ko sayo na wag kang magpapaligaw? hindi ba malin---"

hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya

"eh kasi Janelle May gusto din ako sa kanya eh, mahal ko siya..."

"eh kaso dib----"

"eh Janelle wala naman kasing masama kung magdedesisyon ako para sa sarili ko eh"

"Hindi naman kasi sa ganun yun! alam mo ba kung bakit ko sinabi yun ha? kasi si Mccoy yung ex ko! Mahal ko parin siya! kaya ayoko na magkasama kayo, ayoko na naguusap kayo, ayoko na nagsasabay kayong umuwi kasi ayokong magkagusto siya sayo! kaya nung nahalata ko na may gusto na siya sayo pinaglalayo ko kayo! kaya ko sinabi na wag kang magpapaligaw kasi alam ko na malapit ka na niyang ligawan!"

natulala ako sa sinabi niya.

ex niya daw si Mccoy?
siya yung ex ni Mccoy?

"sor---"

"atsaka naiingit ako! kasi feeling ko mas mahal ka niya kesa sakin dati... mas special ka, nagseselos ako, alam mo? pinipigilan ko na magselos! kasi kaibigan kita!"

"sorry talaga, hindi ko alam, dapat sinabi niyo sa akin, para kahit papaano napigilan ko yung sarili ko"

"wala na, nagawa mo na, pumayag ka na, alangan namang bawiin mo pa, alangan namang hindi mo siya sagutin, kasi alam kong expected niya na na sasagutin mo siya kasi nga pumayag ka na, kung mahal mo talaga siya sige na iyo na siya, hayaan mo na siyang manligaw, wag mo nalang akong intindihin..."

papaalis na sana siya pero hinila ko siya

"magpakasaya nalang kayo, sana magtagal kayo"

pagkasabi niya non bigla siyang nagtatatakbo, grabe si Mccoy pala yung ex niya na halatang mahal pa talaga niya.

"Hi ate Mariiiiis!"

" Marissssssss I miss youuuuu"
-Pagsalubong sa akin ni Andrea at ni Sab

"Aakyat muna ako, masama pakiramdam ko..."


The Adventures of Falling in love (McRis FanFiction) [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon