This is a work of fiction. Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, is forbidden without permission from the author.All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author. Names, characters, businesses, places, and events are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from, or exploit the content of this story in any way. Please obtain permission.
Playing Provincial Proxy
Original Story by:
©kimperfections
All rights reserved.
Started: January 15, 2017 (4:12PM)
Prologue
"Noong unang panahon ay may isang napakagandang isla na pagmamay-ari ng isang napakayamang pamilya. At ang islang iyon ay puno ng karangalan. Ngunit ang dangal na siyang pinakamahalaga sa mga tao ng panahong iyon ay waring binasag ng dalawang taong nagmamahalan. Kagaya ng mga madalas na love story, bawal ang kanilang relasyon. Kasi prinsesa kung ituring iyong babae dahil sa labis na kayamanan ng kanyang pamilya at dahil na rin sa kagandahan nito, samantalang anak ng pobreng magsasaka lamang iyong lalaki, bagama't hindi maitatangging mukha itong prinsipe. At kahit anong pigil ng pamilya noong babae, palihim pa rin siyang nakikipagkita sa lalaking mahal niya.
"Ano'ng pangalan noong babae, Ate?"
Nanatili ang mata ko sa mga along marahang nakikipagsalpukan sa mabuhanging dalampasigan.
"Ruralia. Prinsesa Ruralia. Noong kanilang kapanahunan, ang pamilya ng prinsesa ang pinakamayaman sa probinsiya nila. At iyong lalaki namang mahal niya ay isa sa mga pinakamahirap. Hanggang sa sumapit ang ika-labingwalong kaarawan ng prinsesa. Magara iyong naging selebrasyon dahil buong probinsya ay kasali. At, 'diba, kapag kasi debut mo, Rossa—"
"Debut?"
"Kapag sumapit na ang ikalabingwalong kaarawan mo, Rossa, at doon, mayroon ka ring labingwalong isasayaw na lalaki. Una, siyempre, ay ang iyong Ama, at ang panghuli ay ang lalaking pinaka-espesyal sa buhay mo.
"Siyempre, iyong pinili ng pamilya ni Prinsesa Ruralia ay iyong pinakamayaman na lalaki din sa probinsyang iyon. Ngunit tumanggi iyong prinsesa dahil hindi niya naman mahal iyong lalaking magiging kasayaw niya, pero wala siyang nagawa dahil magulang niya ang nagdikta. Kalauna'y sumuko rin siya. Laking gulat ng lahat ng manonood nang mapagtantong ibang lalaki ang sumipot sa pinakapanghuling sayaw ni Prinsesa Ruralia at hindi ang lalaking itinakdang isasayaw niya. Hindi iyon ang taong kanilang inaasahan. Nagbulungan ang mga tao nang makitang anak lamang ng pinaka-pobreng magsasaka ang isinayaw ng pinaka-prinsesa ng probinsya...
"Kasi noon, Rossa, kapag mayaman ka dapat ang iibigin mo'y mayaman lang din. Atsaka, napaka-importante ng dangal para sa pamilya ni Prinsesa Ruralia. Siyempre, sila ang nagmamay-ari ng islang iyon. Ngunit dahil sa bulag niyang pagmamahal sa lalaking magsasaka ay nagawa niyang dungisan ang dangal ng kanyang pamilya. Kaya kahit sobrang napahiya ang pamilyang Leviticia noon ay hindi nila iyon ipinakita sa harapan ng maraming tao. Kasi kung mag-eskandalo sila at lapastangang itigil iyong selebrasyon ay mas lalo lamang mapapahiya ang pamilya ng prinsesa. Kaya hinayaan nilang isayaw ng prinsesa ang pobreng magsasakang binata. At isa iyon sa pinaka-nakakahiyang pangyayari ng pamilyang Leviticia.
"At noong natapos ang selebrasyon, hula ng mga tao na naging labis ang kaparusahan ng pamilya kay prinsesa Ruralia hanggang sa dumating ang punto na napagpasyahan nitong maglayas...kasama iyong magsasakang binatang kanyang tunay na mahal.
BINABASA MO ANG
Playing Provincial Proxy (MSS#3)
RomanceHow could you make a fierce angel cry because of your goodness? Third Instalment of Martyr Syndrome Series @2017 @kimperfections