Tulad Ko

39 4 2
                                    


I was your best friend for 15 f*cking years! Hindi ko akalaing mafa-fall o mahuhulog ako sayo. I decided to not tell you this, kasi ayokong ma-awkwardan o ma-ilangan ka sakin, kasi mostly ayun yung mga nangyayari.

Natandaan ko pa nung bata pa tayo, naliligo tayo ng sabay. Minsan sa ulan pa nga, eh. Wala namang malisya, magkaibigan naman tayo eh. Naglalaro pa nga tayo ng kasal-kasalan kasama yung ibang bata. Ako yung bride, ikaw naman yung groom. Tuwing nagkakasal-kasalan tayo, tinutukso tayo ng mga kaklase at kalaro natin pagkatapos. Wala na akong pake doon kasi since then, gusto ko ako yung bride mo at ikaw naman ang groom ko.

For those years na sobrang close tayo, may shinishare tayo sa isa't isa na secrets. Halos lahat ng crush mo, kilala ko. Vice versa, kilala mo rin lahat sakin. Minsan nga sabay pa tayo matulog sa isang kama, ganun rin, walang malisya. Pinayagan ako ng mga magulang ko kasi may tiwala naman si Mom sayo at close naman tayo at ng pamilya natin.

Sabay tayo nag-aral sa UST. Engineering ang kinuha mo at Communication Arts naman yung akin. Kahit ang hectic ng schedule natin, ginagawan natin ng paraan para magkita-kita tayo. Sabay tayo umuwi, sabay kumakain, at sabay rin tayong mag-aral sa library. Give and take tayo sa isa't isa. Kung sinong mauuna matapos ang klase, siya yung maghihintay sa isa. Nung mga panahong iyon, ang saya saya ko pa.

Pero.. Ng sinabi mo na may nililigawan ka nang ka-block mo, naglaho yung sayang yon. Hindi mo manlang ako napansin. Ako lang naman yung kasama mo for 15 years. Pero.. Wala akong magagawa. Naghanap ka na ng iba, eh.

A few months, nabalitaan ko sayo na naging kayo na ng nililigawan mo. I tried to form a real smile, but it turned out as a fake one. Sinabihan nalang kita ng isang congrats. Pagkatalikod ko, pumunta ako sa CR at doon ko ibinuhos yung sakit na binigay mo.

Hindi ko akalaing hanggang best friend lang ang turing mo sakin. And you know what? I want to ask for more.

Nawalang ka na ng time sakin dahil sa girlfriend mo. Sobrang na-miss kita. To the point na nabobother na ako. I took my time studying para maalis na kita sa utak ko. Mom said I should always bring home the bacon, so I studied hard kasi last semester, dean's lister ako. I want to stay still on the list. Gusto na kita makalimutan.

Isang araw nagparamdam ka sa telepono ko. Naririnig kitang humihikbi. Tinanong kita kung ano ba yung problema mo. Sabi mo break na kayo ng girlfriend mo at kailangan niya ng balikat para maiyakan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulunkot ako para sayo. Naisipan ko kasing may chance na ako sayo kasi nag-break na kayo ng girlfriend mo.

Pero.. Natandaan kong mga babae nga pala ang type mo..

Hindi isang lalaking katulad ko..

Tulad Ko (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon