Heto kami ngayon tumatakbo
Tumatakbo dahil gusto pa naming mabuhay
Halos lahat ng mga kasamahan namin ay patay na
At kaming lima nalang ng mga best friend ko ang buhay
Tumatakbo kami dahil gusto pa naming mabuhay
Tumatakbo kami mula sakanya
Hindi nga mamin kilala kung sino sya
Ang alam lang namin kapag andito ka na sa teritoryo nya wala ka nang matatakasan pa
Pumapatay sya dahil gusto nya.Pumapatay sya ng walang dahilan.Pinapatay nya ang mga inosenteng tao
At heto parin kami takbo ng takbo at hindi alam kung saan pupunta
Habang tumatakbo kami ng mga kaibigan ko ay hindi namin napansin na nasa harapan na pala namin sya
Tatakbo na sana kami ulit kaya lang nahawakan nya ang kamay ng isa sa mga kaibigan ko
"JULLIEE"
Sigaw namin nina Martha
"SIGE NA UMALIS NA KAYO!!"
Sigaw nya
"Pero pano ka?"
Tanong ko
"SIGE NA HAYAAN NYO NA LANG AKO DITO TUMAKAS NA KAYO"
"PERO---"
"SIGE NA"
Kaya wala na kaming nagawa kundi tumakbo
Habang tumatakbo kami narinig namin ang ipit na sigaw ni Julie
"AHHHH"
Masakit man isipin na wala na ang isa sa mga kaibigan ko ay kailangan ko pa rin tanggapin
Habang tumatakbo hindi ko napansin na ako na lang pala ang natitira wala na ang tatlo ko pang mga kaibigan
Tumigil muna ako sandali para hanapin sila
Tumingin ako sa likod ko
Pero sana hindi ko na lang ginawa dahil nasaksihan mismo ng dalawa kung mga mata kung pano nya patayin ang mga kaibigan ko
Pinutulan nya ito ng ulo
Wala akong nagawa halos iyak ko lang ang maririnig sa abandonadong building na ito
Sa kadahilanang gusto ko pang mabuhay ay tumakbo na ako
Pero sisiguraduhin kung makakapit ng mga kaibigan ko at ng iba pa naming kasamahan ang hustisyang kailangan nila
Nang nakalabas na ako sa abandonadong building na iyon ay tumakbo na naman ako
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa lugar na iyon
Nang nakasiguro na ako na malayo layo na ako sa lugar na iyon ay nag pahinga muna ako saglit
Hindi nag tagal ay may naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko
At pagtingin ko ganon na lamang ang pag kagulat ko at takot ng makita ko sya
Akmang sasaksakin nya na ako ng dala dala nyang kutsilyo ng biglang------