1

6 0 0
                                    

Snow's POV

"Love." Malambing na tawag sakin ng boyfriend ko habang may hawak na bouquet of lollipops. Yung hindi tig pipiso ha? Chupa chups mga ateng.

"Yes love?" Naka-ngiti kong sagot habang nanlalaki ang mga mata ko sa hawak nya. Omg lang talaga.

"For you."

"Talaga love? Ang sweet sweet mo naman talaga." Ngumiti ako ng pagka tamis tamis sakanya. Kasing tamis ng mga lollipop na hawak nya. Grabe ang swerte ko talaga sakanya. Inabot ko yung lolliloves at tinitigan. Shems. Naglalaway nko.

"Ang ganda talaga ng ngiti mo love. Kahit bigyan kita araw-araw nyan gagawin ko basta ngingitian mko ng ganyan kaganda."

Oh my lollipops! Lagi talaga nya ko pinapa kilig. Hihi.

"Ikaw talaga love! Binobola mo pa ako. Wag naman araw araw baka wala pa tayong isang taon bungal nko nyan."

"Hahahahaha. Kaya mahal na mahal kita eh. Lagi mo akong napapatawa. Happy Monthsary Love. I love you." Oh my lollipops talaga!

"I love you too, love. Happy first monthsary din. Hihi." Sobrang saya kong sagot.

Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Pinag mamasdan ang magagandang tanawin habang naka sandal sa Trailblazer n'ya. Inipit niya sa tenga ko yung buhok kong kumakalat sa mukha ko dahil sa hangin. Pagka tapos e hinawakan nya ang pisngi ko habang naka ngiti. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na lalo pang bumilis ng mapansin kong palapit na ng palapit ang mukha nya sa mukha ko.

Shems.

Kissable lips, get ready! Hihi.

Sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko. Naka pikit pa sya. Hihi. Samantalang ako, titig na titig sakanya. Hay. Nakaka insecure naman! Bakit sya walang pores?! Amper nemen.

Napa pikit na talaga ako nung nararamdaman ko na yung hininga nya. This is it. Malapit na. Ayan na tala-

"Hoy Yebe!!! Ano nanaman yang pinipikit pikit mo dyan at naka nguso ka pa dyan sa lollipop mo?! Naka droga ka na naman ba ha?

"Ay chupa chups!" Sa sobrang gulat ko, nadikit ko sa mukha nya yung lollipop na hawak ko. Anak ng? Ano ba tong babaeng to. Panira na naman. Huhu.

"Hahahahahahaha. Ayos ka talaga Snow!" Sabi ni Kier. Gagatong na naman to panigurado.

"SNOW NICOLE TORRES TUAZON!"

Uh-oh. Namumula na sya sa sobrang galit. Haha. Ang cute ni pinsan talaga pag galit. May laway laway pa sa pisngi. Hahahaha. Yes pinsan ko yang babaeng paging HB. Si Serenity Tuazon.

"Run for your life, Snow!" Natatawang sabi ni Gabe.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko sa desk at kumaripas ng takbo habang matino pa ng konting konti si pinsan. Nakakatakot kasi sya. Seryoso. Nung last kasi na ginulat nya ako, nasuntok ko sya, ang hilig naman nya kasi ilapit mukha nya sa mukha ko.

#Aba't! Hoy Yebe! San ka pupunta?! Hindi pa ko tapos sayo! Hoy!"

Nasa hallway na ko at tumatakbo pdn. Ang dami ko ng nababangga. Sabagay, sanay na lahat ng nasa department namin sa ganitong eksena namin ni pinsan. Araw arawin ba naman nya kong habulin eh. Hihi.

Nakarating ako sa freedom park at hingal na hingal. Luminga linga ako para tignan kung nasundan ba ko ni pinsan. Pero walang bakas niya. Hihi. Thank you Lord!

Umupo muna ko sa ilalim ng puno. Hay sarap naman. Ang lakas ng hangin.

Naalala ko na naman yung imagination ko kanina. Hihi. Kinikilig pdn ako kay Love. Masarap kaya mangarap ng kahit na ano. Libre lang naman e diba? Lubos lubusin na. Pero minsan naiisip ko din naman na sana matupad din lahat ng pinapangarap ko. Masarap siguro sa pakiramdam yon no? Yung iniisip mo lang kapag wala kang magawa tulad ko. Tapos sa susunod na araw biglang nangyayari na pala. Hayy life. Sana nga. Sana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon