Kinagabihan habang nagpiprito ng hapunan ang mama ni Lourdes sa kusina at naghuhugas naman siya ng pinggan sa lababo ay bigla niyang nausisa ang ina tungkol sa kanyang mga napapanaginipan.
"Ma, naniniwala ka ba sa mga Anghel?"
Nakatitig sa ina habang pinapabula ang mga pinggan sa lababo.
"Ba't mo naman natanong 'yan, bata ka? Siyempre naninniwala ako. Alam mo bang makailang beses na 'ko muntik makunan nang ipinagbubuntis pa lang kita at makailang ulit ka na rin muntik mahagip ng sasakyan nang maliit ka pa? Sinong nagliligtas sa'yo kung 'di totoo ang mga Anghel?"
Kwento ng nanay niya habang binabaligtad ang pinipritong galunggong. Hinarap niya ang anak at inilapag ang sandok habang nananabik magpaliwanag sa dalaga.
"Alam mo anak, sabi nila ang mga Anghel Dela Guardia ay ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng tao bago pa man sila ipanganak. Ililigtas ka nila sa tiyak na kapahamakan at gagawin lahat ng paraan para mapunta ka sa matuwid na landas at hindi mapariwara ang iyong kaluluwa."
Habang iminumuwestra kay Lourdes ang langit at ipinapakita sa dalagang kundi dahil sa mga Anghel Dela Guardia nila'y marahil matagal na sila parehong napahamak. Habang nagkukwento ang nanay niya, mula sa kawalan ay lumabas sa likod nito si Gabriel na nakahawak sa baba at tumatango na tila sumasang-ayon sa paliwanag ng nanay ng dalaga.
"Natumbok mo, 'Nay! Medyo lampa ka rin kasi nang ipinagbubuntis mo pa si Lourdes kaya lagi akong nandoon 'to the rescue', kundi baka lumabas na suhi oh bingot itong mahal kong si Lourdes. Oooppss.. buti na lang hindi niyo ako naririnig, pero sorry na Lord at alam kong lagi mo kong naririnig."
Bulong ni Gabriel sa sarili habang naglalakad sa gitna nina Lourdes na hindi siya nakikita. Ipinapagaspas ang pakpak at pinapatalsik sa ere ang mga kumikinang niyang balahibo na kusang nawawala habang tumatama sa anomang materyal na bagay. Lumapit si Gabriel sa dalagang nakatitig pa rin sa nanay niya habang pinupunasan na ang mga platong nahugasan.
"Ang ganda mo talaga kahit tagaktak nang pawis mo.."
Hinahaplos-haplos niyang pisngi ng dalagang hindi naman siya nakikita ni nararamdaman. Nakita na lamang niyang niyayakap ang nakatalikod na dalaga at malambing na inihihimpil ang baba sa balikat nito na tila asawang naglalambing sa may-bahay niya at itinatanong kung anong hapunan nilang dalawa.
"Bakit ba kasi hindi puwedeng maging tayo? Babae ka, lalake naman ako? Maganda ka, guwapo rin naman ako? Tao ka... (Lumungkot na ang mukha ni Gabriel).. Anghel naman ako...Hay.."
Nang maisip niyang kaibahan nila, bumitaw siya sa pagkakayakap sa dalaga. Tumalikod sa mag-ina at hinarap ulit ang langit.
"Bakit ganito, panginoon? Bakit kailangang maramdaman ko 'to? Hindi ba dapat pawang ispiritwal lang ang dumadaloy sa pagkatao este pagka-Anghel ko? Wala dapat bahid ng pagnanasa sa kahit alin mang bagay sa mundo ng mga tao? Pero bakit ako pinahihirapan ng puso ko? Ano bang nangyayari?"
Napayuko ang Anghel at binalot ang sarili ng kanyang malapad na pakpak habang tila nagdadasal. Sa likod naman niya'y tuloy ang paguusap ng mag-ina na 'di siya alintana bilang hindi naman siya nakikita ng mga ito.
"Eh kasi, ma, lagi akong nakakapanaginip ng Anghel. At alam kong toto siya dahil siya at siya ang parehong mukha na lumilitaw sa bawat panaginip ko at sa insidenteng ikwinento ko nang gabing sinamahan niyo 'ko sa pulis dahil muntik na 'kong magahasa. Siya 'yon! Alam kong siya yung nagligtas sa'kin! Gusto ko siyang makita! Gusto ko siyang makausap! Alam kong nandito lang siya! Nandito ka lang 'di ba, Anghel ko? Alam kong nakamasid ka lang sa'min ngayon pero ngayon pa lang, nagpapasalamat na 'ko sa pagiging 'super hero' mo ng buhay ko!"
Taas kamay si lourdes, kahit may hawak pang kutsara, saktong nakaharap sa puwesto ni Gabriel, parang batang nakangiti at tila kinikilig na bumubuntong hininga habang nakasandal sa pader ng lababo.
Biglang nabuhayan si Gabriel at kumawala sa pakpak ng kalungkutan. Dali-dali niyang nilipad ang kinasasandigang pader ng dalaga at isinandig ang mga maskuladong braso sa parehong pader at ikinulong ang dalaga sa mga bisig niya. Magkaharap sila na tila nakikita ng dalaga ang masuyong mukha ng binata na isang pulgada na lang ang layo sa mukha niya.
"Oo, mahal ko. Nandito lang ako palagi. Nandito lang ako habang buhay! Para sa'yo!"
Ito na naman sila. Ipinagpapatuloy ang laging nauudlot na halikan sa panaginip, pero ngayon wala na sila sa panaginip. Kaharap na nila ang isa't-isa sa realidad. Papalapag nang mga labi nila sa isa't-isa nang...
"Ano yung naaamoy ko na 'yon? Ay! Anak ng tilapia! 'Yong galunggong na piniprito ko, nasusunog! Kamote ka kasing bata ka! Dinaldal mo 'ko ng dinaldal! Ayan tuloy, tingnan mong uulamin natin, natutong! Parang uling na lang 'to. Naging nognog na yung isda natin.."
Kunot-noo at hinayang na hinayang na sigaw ng mama ni Lourdes habang ubod bilis na sinasagip ang ulam nila sa pagkatupok ng gasul.
Napakaripas din ng takbo si Lourdes para kumuha ng bandehadong lalagyan ng mga nalalabing bangkay ng galunggong. Tumagos siya sa katawan ni Gabriel na napapitik ng daliri sa ere sa panghihinayang at napadabog ng paa na tila batang natalo sa laro.
"Ang consistent mo rin, 'Nay sa papel mong bitinin kami lagi ni Lourdes ko sa pagla-loving-loving eh no? Ayon na eh! Maglalanding na yong labi ko eh.. leleptolelang na.. naging bato pa.."
Napasuntok si Gabriel sa dibdib na tila kay sakit-sakit ng kapalaran niya at wala na siyang ibang magagawa pa kundi magmukmok sa sulok at hayaan nang itaguyod nina Lourdes ang pagsalba sa ulam nila kaysa sa pagsagip sa nangungulila niyang damdamin.
(Ang "emo" ng Anghel na 'to, kahit kailan. Lol!)
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...