Chap 8: "Are Angels capable of having lust?" (SPG SCENES!)
Medyo SPG (medyo lang naman) ang Chapter na 'to kaya pasintabi sa mga "may gatas pa sa labi" Lol.
Nakapangalumbaba si Gabriel na naka-"indian sit" sa gilid ng kama at nakatitig kay Lourdes na lagi niyang ginagawa gabi-gabi, habang ang dalaga naman'y mahimbing na natutulog. Nagulat na lang si Gabriel ng bumalikwas ito bigla ng kama at iwasiwas sa kanya ang kumot na tumagos lang naman sa katawan at pakpak niya.
"Naku! Late na naman ako! kailangan ko nang mag-ala-The Flash sa pagligo. Hindi naman puwedeng wisik-wisik na naman ang gagawin ko. Amoy galunggong na 'tong kili-kili ko sa pawis. Nakakaiyak!!"
Sinisigaw ni Lourdes habang hinahablot ang tuwalya at dire-diretso sa banyo. Madali niyang binuksan ang shower matapos iwasiwas sa sampayan ang kanyang mga saplot. Binasa ang buhok at madaliang kinuskos ng sabon ang maputing balat. Dinig ang lagaslas ng tubig mula sa kinatatayuan ni Gabriel na unti-unting lumilingon sa pintuan ng banyo. Namula ang kanyang pisngi at iwinawaksi sa isip ang ideya na tingnan ang kalagayan ni Lourdes sa banyo.
Nakita na lamang ng binata na kusa nang naglalakad ang mga paa niya. Tumutugon sa bawat hakbang ng papalapit na binata ang bawat pagpatak ng mga tubig sa katawan ni Lourdes. Slow motion ang paligid. Kasabay ng unti-unting paghawi ng buhok ng nakapikit na dalaga ang paghawi ng kamay ni Gabriel na nakatakip sa kanyang asul na mga mata habang tumatagos sa pader papunta sa pinaliliguan ni Lourdes.
Balot ng hamog ang paligid mula sa mga patak ng tubig. Unti-unting lumantad sa mga birheng mata ng Anghel ang kahubaran ng dalaga. Alam niyang mali ang nagaganap ngunit ibang-ibang sensasyon ang nagtutulak sa kanyang mala-taong pagnanasa.
Nahulog ang sabon at napaharap si Lourdes sa kinatatayuan ni Gabriel. Kasabay ng pagharap ni Lourdes ang pagkagulat rin ni Gabriel at biglang pagtakip ng kanyang mga pakpak sa mata nitong halos nang makadilat dahil sa tumatambad sa kanya.
Huminto ang daigdig ni Gabriel. Habang unti-unti niyang ibinababa ang nakaharang niyang pakpak at idinidilat ang ipinikit na mata, gayon ding unti-unting bumabangon si Lourdes sa pagpulot sa nahulog na sabon. Slow motion ang tagpong ito at tila may background music na tumutugtog habang pulang-pula ang pisngi ng binata at napapanganga kahit na natatakpan ng puting-puti nitong pakpak ang kanyang bibig at tanging kapiraso lang ng dalawang mata ang nakadungaw sa dalaga.
♫ ♬ ♪ May isang umagang 'di mo hahagkan
ang mata kong 'di ka magigisnan,
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...