CHAPTER 5

497 16 4
                                    


CHAPTER 5

"Anong ispiritu na naman ang sumapi sa iyo?" ito ang bungad ng mga ka-officemate ni Jane nang makita siya naglalakad patungo sa kaniyang cubicle.

"Bakit? Hindi ba bagay?" tanong nito sa kaniyang mga katrabaho. Muli siya nitong sinipat mula ulo hanggang paa.

She's wearing a nice dress, with a cute printed winnie the pooh t-shirt on top at a pair of red pearl earrings at a red doll shoes. She's like a barbie type of a girl you usually saw on the dress shops. She's quite weird but in a beautiful weird.

"Hindi," sagot ni Olga. Na isa sa mga kontrabida sa lahat ng kontrabida.

"E, wala namang magandang lumalabas diyan sa bibig mo kundi hindi maganda e," pagtatanggol pa ng kaibigan niyang si Olivia.

"Friend, ang ganda-ganda mo ngayon. Infairness bagay sa iyo," proud na sabi ni Olivia sabay irap naman nito kay Olga. Bumalik na sa upuan nito si Olga at gano'n din ang iba at nagsimula na silang magtrabaho.

Lumapit si Marvin kay Jane at sinabi nito na pinapatawag siya ni Sir. Dame sa loob ng opisina nito. Napahawak sa dibdib nito ang dalaga, at tinanong ang sarili. May nagawa ba siyang mali? E 'yung isang manuscript na tatapusin niya e sa susunod pang buwan ang deadline. Kinuha nito ang kanyang planner at bolpen saka tinignan ang sarili sa maliit na salamin. Okay pa naman ang make-up niya. Plinatsa niya ang kaniyang damit at palda gamit ang kamay nito at naglakad ng maayos at nang makarating na ito sa harapan ng office ni Sir Dame ay huminga muna siya nang malalim bago ito kumatok sa pintuan at sinabing narito na siya. Nang sumagot ang boss niya na pumasok ito ay napabuntong hininga muli siya at saka hinawakan ang doorknob ng mahigpit at inikot ito hanggang sa bumukas na ang pintuan, at pumasok na siya sa loob.

Nakatalikod si Sir Dame na nakaupo sa shivel chair nito. Likuran palang ng lalaki ay ulam na. Kahit na naka-coat and tie ito ay makikita mo kung gaano kakisig ang trenta anyos na lalaking ito. Tinatanong nga minsan sa sarili ni Jane kung bakit thiry years old na ang kaniyang boss nguni wala pa siyang nababalitaang nililigawan nito o dinadala sa office na babae? Base kasi sa mga kwento ang mga katulad ni Sir na isang bachelor ay babaero, ngunit ibang-iba ito sa mga librong kaniyang nababasa at binabasa pa.

Pagharap nito ay tila nagulat ang kaniyang boss at nabitawan pa nito ang hawak niyang folder nang makita nito si Jane. Nataranta at tila naaligaga.

"Okay lang kayo sir?" pag-aalalang tanong ni Jane sa boss nito.

"Yeah, I'm alright. Have a seat," yaya pa niya rito.

"Sorry for being clumsy, anyway pinatawag kita rito dahil gusto kong sabihin na malapit na ang manila internation bookfair. This will be on three months at may mga nakahanda na tayong mga programs at ang alam ko sabi ni Amy ay may booth na raw na napili ito sa convention, medyo malapit sa stage para at doon sa pinipilahan talaga ng mga tao. Since kilalang publishing house naman tayo ay gusto ko na ikaw ang mamuno at mag-isip ng ideya kung paano magiging mas exciting ang bookfair natin sa mga araw na iyon." napatulala si Jane sa sinabi ng kaniyang boss. Sa totoo lang wala siyang ni isang naisulat sa mga na sabi nito. Parang nawalan siya sa ulirat at tila na blangko ng minutong iyon.

"Jane?" he's waiting for her to recoverd.

"Yes! Sir, uhm ano nga ho ulit?" nasapo nalang si Sir. Dame ang ulo nito ng minutong iyon.

"I need your proposal this week, at may general meeting tayo this Friday, inaasahan kita diyan Jane. I know you can do it and I believe you can do it."

"Thanks sir," ang ngiti nito ay abot hanggang langit. Tumitirik pa ang mga mata nito sa sobrang kilig.

"That's all, you can back to your work now," ngunit hindi parin umaalis si Jane na minutong iyon.

Parang Tayo, Pero Hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon