Chapter 10

3 0 0
                                    

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko agad ang pag mu-mukha ni Kaiden. Medyo naduduling din ako kasi sobrang lapit ng mukha niya sakin. Pinagmamasdan ko ang detalye ng mukha niya. Makinis ang balat, matangos ang ilong, mahabang mga pilikmata, parang inaantok na mga talukap sa mata, mapupulang labi at nakakatunaw na tingin--

"K-kaiden? Anong ginagawa m-mo?" Tanong ko.

"Ang ganda mo talaga pag malapitan" Halos kilabutan ako hanggang batok sa sinabi niya. Sobrang lapit namin sa isat isa. Halos malanghap ko na yung malamig na hangin na lumalabas sa bibig niya. Amoy strawberry mint. Napapikit nalang ako habang inaanoy ang mabangong pabango niya. Ang sarap amuyin!

Habang nakapikit ako ay may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Bigla akong napadilat, nanlaki ang mga mata ko nang nalaman kong hinahalikan nako ni Kaiden

SHIT!

"AAAAHHHH!" napaupo ako at sapo sapo ko ang dibdib

Bigla naman nakita ko si Kaiden sa harap ko

"WAAAAAAAAH! Umalis ka dito!" Binato ko siya ng mga unan. Lahat ng unan!

"Ara-- aray! Shit! Aww! Stop! Aray!" Sigaw niya

Bigla naman dumating si Kuya, Keith, at Pierce. Lahat sila may laman pa ang mga bibig. Si Pierce naman ay may cake pa sa gilid ng bibig. Gusto kong matawa. Ang kyot niyaaa

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Kuya sa aming dalawa

"S-si Kaiden  kiniss niya ako kuya! Ew ew!" Sabay bato ko ulit ng unan sa kanya

"What?! Bakit ko naman gagawin yun?! Ano ako baliw para halikan ka?! Crazy!" Sabi niya. Hinihilot niya yung sa may bandang ilong niya at umiiling

"P-pero--"

"Shit--!" Bigla naman tinakpan ni Kuya yung bibig ni Keith.

"Minumura mo ba kapatid ko?" Blangkong tingin ni kuya kay Keith

"H-hindi sa ganon. Kung akala ni Sab hinalikan siya ni Kaiden. Ibig sabihin--"

Nanlaki ang mga mata niya at

"HOLY--   mouse? Ibig sabihin napapanaginipan mo si Kaiden!" Pinandilatan kasi siya ni Kuya

Nanlaki lahat ng mga mata namin pero syempre except kay Pierce.

"So inistorbo niyo ang pagkain ko ng cake dahil diyan sa halik na yan? Psh"

Hindi ko parin kayang ikalma ang sarili ko. Napahawak ako sa bibig ko habang habol habol ang aking paghinga. Shit bangungot nga naman!

Napansin kong naiwan lang si Kuya. Naka tingin siya sakin pero seryoso ang mukha niya. Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Dalaga na talaga ang princess namin" sabay ginulo niya yung buhok ko.

"Kaso ikaw ang prinsesang tulo laway. HAHAHAHHA" pinalo ko siya

"Kuya naman eh!"

"Ang seryoso kasi kanina eh. Pero ako nagpipigil ng--

kasi may panis na laway ka pa! HAHAHHAHAHAH" naglumpasay siya kakatawa.

"Aish! Paepal ka talagaaaaa!"

"Okay, okay. Hindi nako tatawa. Sumunod kana duon sa garden. Nandun na sila" nagpaalam na siya at nagpunta duon.

Naghilamos nako at nag toothbrush para sigurado.

Nag punta nako sa garden. Mag gagabi na pala. Nakita ko sila kasama si zoey? Anong ginagawa ng linta na yan dito?

Kung naalala niyo, si Zoey yung babaeng nangaway sakin na pinagtanggol pa ni Kaiden. Kainis

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon