start

8.2K 121 42
                                    


Alam ba talaga natin ang ibig sabihin ng pagmamahal?

Alam ba talaga natin ang pakiramdam ng minamahal o nagmamahal?

Sapat na ba ang salitang "Mahal Kita" para mapatunayan na nagmamahal ka nga.

"Cheat with me Tiff." Bulong ni Maki

Paano nga ba nalalaman o nararamdaman ang pagmamahal ng isang tao sayo?

"Am I falling?" Tanong sa sarili ni Tiffany

Pagmamahal nga ba itong matatawag o sadyang nabubulugan ka lang sa pagpapahalaga nya sa iyo.

""I'm sorry baby forgive me.I'll be good promise susundin ko na lahat ng gusto mo. Just don't be mad at me." Ani ni Maki.

Kailan mo nga ba malalaman kung dapat ka na bumitaw at sumuko nalang?

Kung kailan tama at mali?

"Mahal din kita Maki."

Kapag wala ka nang ginawa kundi umiyak at tanging nararamdaman mo nalang ay sakit?

Kapag hindi mo na magamit ang isip mo at puro puso nalang?

"I'm sorry.I'm really sorry kung hindi ko agad sinabi kailan ko lang din nalaman." sabi ni Chivas

"Ang masaktan ay kakambal ng pagmamahal kung hindi ka masasaktan hindi ka nagmamahal."

Yan ang lagi nila sinasabi.

Pero kung masasaktan ka lang dahil magmamahal ka ano pa ang saysay ng pagmamahal na iyon.

Kung nagmamahal ka gagawin mo lahat ng bagay para sumaya ang minamahal mo at papaiyakin mo sya hindi dahil nasasaktan sya ginusto mo man o hindi. Iiyak lang sya dahil sa katuwaan nya na minahal mo sya.

Wala nga siguro ang salitang "Forever" sa mga taong hindi nakakaintindi nito.

May nagsasabi pa na "Nothing last forever"

Ang "Forever" ay nagmumula sa puso ng mga taong tunay na nagmamahal na walang alam ibang gawin kundi ipadama sa taong mahal nila ang pagmamahal nila.

"He doesn't deserve someone that's broken like me.Gusto ko syang mahalin ng buo ng walang takot at buong tiwala.Sana maintindihan mo ako ate." Ani ni Tiffany

Hanggang saan ka nga ba dadalhin ng pagmamahal?
Hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal na sinasabi ko?

READ AT YOUR OWN RISK!

I Fall(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon