Chapter 21
"Hey, did you cry?" Kunot noo na tanong ni Michael sa akin dahil kanina pa akong sumisinghot dito sa upuan ko. Oo, umiyak ako. I just can't help it. I trusted Dark so much at tinuring sya na isang tunay na kaibigan.
Bumuntong hininga ako at pumikit para pigilan ang umaambang luha na lalabas sa mata ko.
Naging isa na sa mga importanteng tao si Dark para sa'kin. Di ko sya iiyakan ng ganito kung hindi man. Napakabuti kasi nya na kaibigan sa akin. Pero nag-aalangan na ako ngayon kung mabuti nga ba sya o nagpanggap lang sya para mapalapit sa akin.
Ano ba kasi ang dahilan kung bakit nya ako binibigyan ng mga ganung sulat? Ano bang pakay nya? Saka... bakit ganun 'yung mga nilalaman ng mga iyon?
Nagulat naman ako nang biglang hinablot ni Michael ang panga ko paharap sa kanya, "I'm talking to you, Carlo." may hint ng galit na sabi sa akin ni Michael.
Nagulat ako sa ginawa nya at pinanlakihan ng mata dahil hindi ko napansing nakatayo na pala sya sa harapan ko. Nakalimutan ko kasi na kinakausap nya ako at tuluyan nang lumipad ang utak ko sa sobrang kaiisip kay Dark.
Umiling naman ako ng marahan at sumagot sa tinanong nya kanina, "No. Sinisipon lang ako." Pagsisinungaling ko at nilingos ang ulo ko para makawala sa pagkakahawak nya.
I heard him groaned because of what I did.
"Who made you cry?" Seryosong sabi nya at umakto na parang hindi narinig ang sinabi ko."Is it a man?" May halong panghihinala pa na dagdag pa nya.
Natawa ako sa tinuran nya pero naiinis rin at the same time. Bakit umaakto syang na parang isang boyfriend na pinagtataksilan? Psh.
Napakamot ako sa kilay ko. "Does it matter?" Tila naiirita na tanong ko sa kanya.
I know, ang tanga ko para i-provoke ko pa si Michael kahit na alam kong madali syang mabeastmode.
Pero ano ba naman ang isasagot ko? Yes, a man. And it's Dark, 'yung pinag-awayan natin dati at pinalalayo mo sa akin. Ganun? Edi mas nagalit naman sya sa akin. Sigurado na ang pag-aaway namin pag sinabi ko 'yan. Masama pa nito baka bigla nyang sugurin si Dark.
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Michael mula sa seryoso hanggang dumilim na ng tuluyan ang mukha nya. Ngayon ay pinaulanan na nya ako ng nakamamatay na tingin. Naiikot ko nalang naman ang mata ko dahil doon.
"Look, I didn't cry, ok?" Sabi ko na agad bago pa lamang sya magsalita. Baka kung saan na naman mauwi ito. Wala ako sa mood makipag-away sa kanya. "Sinisipon lang talaga ako." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"So, it is a man." Walang emosyon na sabi ni Michael at marahang lumapit sa'kin. "I know it when you're lying, Carlo. Isa pa, hindi ako tanga para maniwala na ganito kapula ang mata ng isang tao dahil lang sa isang simpleng sipon."
Hinawakan niya ang baba ko at marahang iniangat ang ulo ko.
Nagtama naman ang mga mata namin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis na napayuko ako sa desk ko dahil ramdam ko ang biglaang pamumula ng mukha ko. Damn, he's killing me.
Really, Carlo? Hindi ito ang tamang oras para kiligin ka. Paalala ko sa sarili ko. Grabe naman kasi ng epekto sa akin ni Michael. Kakaiba.
"Now tell me, who is it?" Biglang tanong gamit ang mababang tono.
Gusto ko sumagot pero nablanko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano isasagot ko dahil sa biglaang tanong nya.
Nanatili akong nakayuko at hindi tahimik sa harap nya. Pilit na nag-iisip kung ano ang tamang isasagot sa tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...