CHAPTER 1

34 1 1
                                    

"Pabili po,ay este bayad po pala sa may Mabuhay Village bandang Iniwanan Street lang total parati naman akong iniiwan eh" sabi ko habang inaabot yung bayad, seriously yung street namin sa village iniwanan st. Talaga,yung iba naman nagkulang st. Tinakasan st. Lupet no? Kasing lupet ng pag-iwan nya saken .



--

Malapit nakong bumaba pero yung sukli ko wala parin,
"Manong yung sukli po ng bente" sigaw ko, andito kasi ako sa dulo malapit sa pintuan ng jeep.

"Ay pasensya na iha, nakalimutan ko, oh ito makikiabot lang" sabi ni manong sa isip isip ko tuloy "buti pa si manong yung sukli ko lang nakalimutan nya, samantalang sya ako mismo ang kinalimutan" hays pagkaabot ng sukli pumara na ako at bumaba na ng jeep, kapag kasi hindi pako bumaba lalagpas nako at ang ending maglalakad ako ng malayo at mahihirapan lang ako, parang sa love kung patuloy kapa ring didiretso at ipaglalaban ang hindi na dapat in the end ikaw at ikaw parin ang mahihirapan at masasaktan

araw araw ganito ako, Lahat nalang ata ng bagay hinuhugutan ko simula nung nagbreak at iniwan nya ko.

Ganun talaga ang buhay hindi natin alam kung hanggang kelan sila mag s-stay.


Oo nga pala ako nga pala si Marieya Trina Antoinette Cashinfiao ang panget ng apelyedo ko no? Kasing panget ng pinalit nya sakin pero kahit ganun maganda parin ako kahit hindi connect. K.

Merun akong 2years boyfriend before sya si Jayco, Engineering student nagkakilala kami nung time na nagkasabay kami magpaenroll sa school parehas lang kami ng pinapasukan, ok naman yung relationship namin, until one day our Relationship becomes RelationSHIT! .

oo niloko niya ko,hindi lang isang beses o dalawang beses o tatlong beses kundi maraming beses oo maraming beses, pero kahit ganun pinagbibigyan at pinapatawad ko parin dahil mahal ko, Pero itong huli nauntog nako masyado nakong tanga, Tanga sa katotohanang ako nalang pala ang umaasa, oo mahal ko parin sya hanggang ngayon pero mas namumuot na ang galit na nararamdaman ko sakanya.

Manloloko . Bakit kasi may mga ganung tao? Mahal munanga pero hindi parin makuntento ..
Binigay mo na lahat nakuha pang maghanap ng iba ..

that's life, tama pala yung karamihan na kahit gaanu mupa kamahal ang isang tao magtira kaparin para sa sarili mo, para kapag iniwan ka niya hindi ganun kahirap ..

"Ma andito nako" sigaw ko pagkapasok ko ng pinto, wala kasi yung maid namin nagbakasyon

"Anjan kana pala hija" sabi ni mommy sasagutin ko sana ng "hindi ma,wala pa actually picture ko lang to,pinauna ko lang para dika mag-alala" kaya lang pag sinabi ko yan baka magrounded ako.

Agad nakong umakyat papuntang kwarto at nagbihis nako kaagad..





---

Mabilis natapos ang gabing yun at ito nanaman ang panibagong araw, panibagong araw na aasa kananaman .

pagkatapos ko kumain agad nakong umalis at mabilis rin naman akong nakarating sa school.

Habang naglalakad sa school may kung anung bagay ang tumama sa ulo ko "aray" sabi ko at pagtingin ko sa daan isang papel na nakalamukos,

pinulot ko yun "pati ba naman ikaw sinasaktan ako? Ang hard nyo sakin ah"
Inopen ko yung papel baka sakaling may pangalan yun at malaman ko kung kanino galing yun .



Pagbuklat ko may nakasulat na "ang ganda mo!"
Ay ? we? Talaga ba?
pero wait sasabihan ako ng maganda pero binato pa sakin? Anu yun ?

Ah siguro para daw madama ko talaga na maganda ako . Okay okay. Hahaha


"Ay miss sorry!" Sigaw ng isang lalake na Medyo malaki yung katawan na matikas yung tindigan, naka pang wash day sya satingin ko Transferee siya.

Luckily Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon