Taglay na kagandahan, kaya't iyong niligawan
Pagpapacute at pangungulit ay di na mapigilan
Kaya't pagsusuyo inabot hanggang kinabukasan
Upang matamis na OO iyong mapakinggan.
Hindi minamadali paghingi ng kasagutan
Sa pagpasok sa relasyon, pagiging handa ay kailangan
Di lamang ang saya kundi pati kalungkutan
Ang siyang mararamdaman kung mga puso'y magkaIBIGAN.
Kung matamis na OO ay iyo ng nakamtan
Mahalin siyang tunay at huwag saktan
Pagiging sweet sa kanya'y wag mong kalimutan
Dahil isa yan sa dahilan kung ba't OO'y nakamtan.