Please, not this time.

78 1 0
                                    

People come and go, pero wag kang mabahala baka may pinuntahan lang babalik din yun. :)))

  Maraming chances na binibigay sa atin na kung minsan sinasayang lang not knowing na yun na pala ang last. Binigyan tayo ng chance na magmahal sa taong mahal din tayo ng totoo. Pero nandyan yung salitang "uncontenment". Gusto natin ganito, ganyan,dapat ganun  hindi man lamang natin naiisip na nakakasakit na pala tayo. Hindi nagiging open-minded ang isip natin. Yung tipong yung mahal mo almost perfect na; Sweet, maasikaso, concern sayo, maalaga, ginagawa lahat ng best para sayo mapasaya ka lang. Sarado pa rin yung utak mo. Iniisip mo kasi na hindi sya mawawala, na hindi sya magsasawa. Hindi totoo yun. Tao lang kasi tayo, may puso na nakakaramdam,may utak na nagsasabi ng tama at mali. Kaya wag kang magtataka kung isang araw paggising mo nagbago na lahat. Yung lagi nyong conversation na sobrang sweet, yung paglalambing nya tuwing nag-aaway kayo, yung mga surprises at yung mga I LOVE YOU. Minsan natatauhan din ang mga taong ganito. Feeling nila one-sided love. Tama nga naman, hindi maganda ang laging nag-aaway dahil ang tunay na magka-relasyon, wala sa vocubularyo nila ang salitang break.

 Nakakapagod din sigurong magsori ng magsori, siguro. Tao lang naman kasi sya, anu bang pinaglalaban ko. Nakakapagod rin sigurong mag-isip at gumawa ng paraan para magka-ayos kayo,siguro. Bakit naman kasi ngayon lang ako nakarealize? Sa hinabahaba ng panahon, ngayon lang. Kung kelan sobrang komplikado na ang lahat. Bakit naman kasi ngayon pa sya naging ma-pride, kung kelan sising-sisi na ko. At higit sa lahat, bakit ngayon pa nangyari to? kung kelan ngayon na lang kami magkikita. Yan ako, dating ma-pride, walang puso, hindi makuntento, gusto ganyan, gusto ganito. Bakit ba hindi ko na lang inappreciate yung ganyan noon, ganito noon, ganun noon? Naturingan pa naman akong isang taong nakakaappreciate ng kahit maliliit na bagay at ayaw sa taong di marunong makaappreciate. Ganun din pala ako, di ko lang napapansin.

 Masaya nga kakwentuhan yung mga kaibigan mo pero mas masaya pa ring kasama ang mahal mo. Magaling nga magturo ang classmate mong matalino pero mas natututo ka pag ang mahal mo ang tutor mo. Mahalaga daw ang kaibigan dahil sa oras na may away kayo , ang kaibigan mo ang matatakbuhan mo. Totoo yun pero aminin man natin o hindi mas masaya tayo pag may minamahal.c:

    Ngayon alam nyo na. Kaya alagaan nyo ang mahal nyo. Pag nawala nya yung pinakainiingat-ingatan mong file, yung file na ginawa mo para sa kanya, magtampo ka lang wag kang magalit. c: Pag di nya binuhat ang gamit mo, magtampo ka lang ulit wag kang magpapamiss at wag kang magtatago c: . Pag may nakita kang babae na kausap nya sa personal o facebook, kalma lang, malay mo pinsan nya o may tinatanong lang wag kang makikipagcool-off or worst makipag-break. Hindi tayo ROBOT na kayang saluhin ang masasakit na salita at higit sa lahat hindi tayo SUPERHERO na kailangang magparaya. Kaya kung alam mong hindi pa ito ang katapusan ng istorya nyo wag kang susuko. Hindi uso yan ngayon. Kaya kung alam mong may umaaligid-ligid na, galaw galaw din pag may time pero wag mo namang gerahin. Wag ganun c: . Konti lang :D.

    Kung mabibigyan ulit ako ng chance para magbago at maibalik ang lahat, I'll make his days perfect. :)

   We're not broken just bent. We can learn to LOVE again. :)

Message ko sa sarili ko at sa mga taong nasa ganitong sitwasyon. :))) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please, not this time.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon