May naramdaman akong gumagalaw sa tabi ko pero hindi ko maimulat yung mga mata ko. Sobrang sakit ng katawan ko na halos hindi na rin ako makagalaw sa kinahihigaan ko.
Oo nakahiga ako ngayon at naramdaman kong may nakapatong sa akin.
Kumot.
O.A. lang?
Pinilit kong ibukas ang aking mga mata para sana magmasid sa aking paligid pero hindi ganun kalinaw yung paningin ko. Medyo blurry pa kasi ehh.
Silhouette lang ng isang tao yung nakikita ko na parang may inaayos sa tabi ko. May kumikinang din dun sa may dibdib niya?
Star?
Star pendant?
Mukhang pamilyar yung silver star na yun sa akin. Parang nakita ko na yun dati at sobrang importante yun. Pero hindi ko masyadong matandaan.
Teka, siya na ba to??
Binalikan niya na nga ba ako sa wakas?
Kinabukasan…
Ring. Ring. Ring. Ring.
“Tss ano na naman ba?? Panira ng tulog eh”
Ring. Ring. Ring.
Kinuha ko yung alarm clock ko at unti unting iminulat ang mga mata ko.
“Sh.t!”
Late na naman ako!!!!
Hindi naman ako laging late ehh. Nagkataon lang na tinanghali na ako ng gising.
Dali dali akong napabalikwas para sana makatayo na at dumeretso sa banyo para maligo ng biglang may mahulog sa may lap ko galing sa noo ko.
Bimpo? Huh? Panong nagkaron ng bimpo dito? Wala naman akong matandaang naglagay ako nito kagabi.
Hawak hawak ko yung bimpo sa kamay ko. Medyo basa pa. Teka nilagnat ba ako kagabi? Saka paano napunta to dito?
Tss. Yaan na nga. Tinapon ko na lang sa tabi yung bimpo at dali daling tumayo at pumunta sa banyo.
Pagkatapos kong maligo siyempre nagbihis na rin ako. Ito ang ayaw ko sa school na to ehh. College na nga ako at lahat lahat kelangan pang mag uniform.