CHAPTER 52

44 0 0
                                    

CHAPTER 52

Friday

Ngayon ay araw ng byernes. Kahapon hwebes haha joke lang. Kahapon pa ako nakalabas ng hospital. Tinotoo kasi ni mama Syne yung sinabi nya na ilabas agad ako ng hospital dahil baka lumaki lang yung bill na babayaran namin dun.

Sa ngayon, stay in ako sa bahay. Hirap pa kasi akong kumilos. Ewan ah, natatakot ako gumalaw baka bumuka yung sugat ko. Anyway hindi tuloy ako nakapasok ngayon pati kahapon pero next week pipilitin kong makapasok.

Alas otso na ng umaga habang nakahiga lang ako sa sala ay bigla kong narinig na tumunog yung cellphone ko. Oops sya nga pala, naiwan ko pala sa kwarto yun. Kaya bago ko makuha yun eh kaylangan ko ulit umakyat ng hagdan. Nasa second floor kasi yung kwarto ko.

Sa totoo lang, medyo magaling na ang sugat ko. Yun nga lang hirap akong umakyat ng hagdan. Aakyat na sana ako kaso napansin kong may tao pa sa taas dahil sa anino galing sa bintana.

Alam kong si kuya Jay-R yung nandun. Malamang nagbibihis na sya para pumasok sa trabaho. Empleyado kasi sya ng isang maliit na kumpanya at madalas alas nuebe na sya umaalis.

"Kuya makikisuyo lang," sumigaw ako para marinig nya. "...Paabot naman ng cellphone ko dyan,"

Hindi sya sumagot pero nakita kong gumalaw ang anino nya at sa repleksyon nito ay mukhang tinungo naman ni kuya yung kwarto ko. Pagkatapos ay bumalik sya saka bumaba ng bahagya sa hagdan.

Ang akala ko nga ibibigay nya na saken kaya inabot ko agad yung kamay ko pero si kuya Jay-R naupo lang dun sa mataas na baytang ng hagdanan.

"Ayos ah, inuutusan mo nalang pala ako ngayon ah," si Jay-R na nakangisi saken

( "kapal talaga ng mukha nitong hayop na ito, feeling senyorito," ) >>>Jay-R

Ngayon ko lang napansin na mainit pala ang dugo sa akin ni kuya Jay-R ngayon. Sana pala ako nalang ang kumuha nun.

"Ahm kuya, makikiabot lang naman. May problema ba?" tanong ko

"Tss... Ikaw ang problema Dark. Wag mo ngang gamitin yang sugat mo para idahilan saken. Puro ka arte eh, ultimo paghuhugas ng plato ipapasa mo pa saken dahil may tama ka lang ng saksak sa tagiliran. Gusto mo kasi lagi exempted ka eh,"

Mukang eto nanaman yung start ng away namin bilang magkapatid. Aminado ako na hindi ako naghugas ng plato, pero hindi ko naman kagustuhan yun eh dahil si papa lang naman ang nagbabawal saken na gawin yun kahit alam kong kaya ko namang gumawa ng ilang gawaing bahay.

"Okey sige. Sorry... Next time ako maghuhugas ng plato. Gusto mo pati pwet mo hugasan ko eh," ganti ko

"Ah ganun ah, makapagsalita ka ah kala mo kung sino. Alam mo bang abonado pa ako sa binayad ni mama dun sa hospital, loko ka ah," sagot ni kuya

( "T@ng I#@, yung pinag-iipunan kong Iphone, di ko tuloy nabili hayop yan," ) >>>Jay-R

"...Nag-iipon pa naman ako ng pera, leche," dagdag nya

Medyo naunawaan ko naman si kuya dun kaya pinilit kong kumalma at kausapin sya ng maayos.

"Oh sige na kuya, akin na yang cellphone ko," sabi ko na may tonong pagmamakaawa

"Ayoko," mabilis nyang tugon. "...Akin na to ngayon, ibebenta ko sa mga kakilala ko ng mabawi ko naman yung pera na ginasta ko sa pagpapahospital mo,"

Pot@, nakakainis ito ah. Pinaghirapan kong pag-ipunan yung cellphone ko na yun tapos aangkinin nya lang.

"Ulol mo akin na yan!" sigaw ko

"Oh sayo na!" sagot nya pero bigla nyang hinagis yung cellphone

**CRACK**

Sa layo ng pagkahagis nya eh hindi ko nasalo. Isa pa mabagal ang pagkilos ko dala ng kirot ng sugat ko. Paglingon ko sa likod kalas kalas na yung casing ng cellphone ko.

Tatalikuran na sana ako ni kuya pero nabwisit talaga ako kaya pinwersa ko yung sarili kong akyatin sya sa hagdanan. Hindi pa man sya nakakaakyat, hinablot ko sya sa paa at sa sobrang galit ko eh hinatak ko sya pababa na ikinalaglag nya sa hagdan.

**BLAM**

Nakita ko kung paano sya dahan dahang bumagsak sa hagdan. Pero wala akong dapat ikabahala lalo't mababa lang ang pinagbagsakan nya. Isa pa, bagay lang sa kanya yun. Buti nga sa kanya.

"Aray!" sigaw nya. "...Tado ka!"

Pilit na bumabangon si kuya at mukang magpapang-abot na kami dito sa hagdan. Pero okey lang, handa na ako sa mga mangyayari kahit na may injury ako papatulan ko sya.

"Ano yung ingay na yun?" boses ni mama

Hindi ko namalayan ang paglapit ni mama dahil nakatalikod ako. Narinig nya pala ang ingay na nangyari dito at naaktuhan kami ni mama sa ganuong posisyon.

"Jay-R! Ano ka? Nahulog sa hagdan?" pasigaw na tanong ni mama na halos balyahin ako makalapit lang sya kay kuya

"Ayan mama!" sumagot si kuya tapos tinuro ako. "...Si Dark kasi hinigit ako pababa dito eh pota!"

"Hah! Paanong hinigit? Nasaktan ka ba?" tanong sa kanya ni mama

"Eh sya kasi Ma eh, sya ang nanguna!" sagot ko

"Pakyu, nananahimik ako eh!" pagkontra ni kuya

"Hala! Eh binato mo yung cellphone ko," sagot ko

"TAMA NA!" sigaw ni mama. "...Ikaw Dark, bakit mo hinatak itong si Jay-R? Pano pag nabalian to, may panggastos ka!"

( "sana hindi ka nalang namin inampon Dark," ) >>>Mama Syne

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon