CHAPTER 53
Hindi ko na rin ma-point ang sinasabi ni Camote Cue. Parang tinatamad na ang utak kong mag-isip pa ng kung anu-anong bagay sa halip ay parang pag-inom nalang ng alak ang alam kong gawin.
"Dark, alam kong hindi ka basta ordinaryong tao," patuloy na sabi ni Camote Cue. "...Pero sa mata ng iba, isa ka pa ring normal na tao. Hindi ka dapat nagkakaganito, hindi ka dapat agad na magpaapekto. Hintayin mong sila ang magsabi ng mga bagay na yun sayo, hindi ang isip nila!"
"Ganun din yun Camote Cue! Sa isip o sa salita man ito manggaling. Yun at yun din ang kalalabasan nun, ang katotohanang ampon ako!" sigaw ko
"Hoy! Hoy!" biglang dumungaw yung matandang tindero ng tindahan. "...Kung ikaw lasing na bata, umuwi ka na. Eskandaloso ka sa tindahan ko oh,"
"Hindi pa ako lasing manong," sagot ko sa kanya. "...Pagbilhan mo nalang ako ng isa pang bote dyan,"
"Pero Dark," narinig kong sabi ni Camote Cue
"Please hayaan mo na ako Camote Cue," sabi ko
Mga ilang oras na ang lumipas matapos kong maka apat na bote. Susme, naubos na ang tirang baon ko pero parang kulang pa sa akin ang lahat. Nakatambay pa rin kaming dalawa ni Camote Cue sa tindahan, ni-hindi na rin kami nag-usap pagkatapos nun.
Pakiramdam ko ay parang may gusto akong gawin at parang bigla akong naging agresibo. Gusto kong! Gusto kong! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko pero bigla akong tumayo at sa pagtayo ko ay nakaramdam na ako ng hilo.
Mukhang may tama na ako ng konte pero malinaw pa sa akin lahat ng nangyayari. Sinubukan kong humakbang at sigurado namang kaya ko pang lumakad.
"Saan ka na pupunta Dark?" biglang tanong ni Camote Cue
"Kahit saan!" sagot ko
Ang totoo nyan, gusto kong mahanap ang kalalagyan ko. Yun bang may magtangkang patayin na lang ako. Oh kaya naman masagasaan na lang ng humaharurot na kotse at bawian na ng buhay.
Iniwan ko na si Camote Cue, tutal kaya nya naman na sarili nya. Hindi ko na nga alam kung anong oras na pero sobrang init sa kalsada nung naglakad ako o baka mainit lang talaga ang pakiramdam ko at sa paglalakad ko eh napansin kong parang tinahak ko rin yung lugar pauwi sa amin.
"Hinde! Ayoko pang umuwi," sabi ko sa sarili
Iikot na sana ako ng lakad pabalik ng may napansin ako sa bahay nila Fhane. Oo, sa bahay nga nila Fhane di kalayuan sa bahay namin. Kahit na umiikot na ng bahagya ang paningin ko, sigurado akong isang lalaking naka-uniform na katulad ng sa pinapasukan kong school ang nakita kong nakatayo sa harapan ng bahay nila Fhane.
Sa curious ko, unti unti akong lumapit hangga't hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking yun at ng medyo nakalapit na ako ay saka ko lang sya nakilala.
"Anong ginagawa ni Kiel sa lugar nato?" tanong ko sa sarili
Teka, anong araw na ba ngayon? Tama byernes nga pala ngayon. Malamang uwian na nila ngayon dahil mga tanghali ang uwian ng math classes namin pero hindi ako nakapasok ngayong araw.
Pero ano nga bang ginagawa ni Kiel dito sa tapat ng bahay nila Fhane? Hanggang ngayon hindi ko parin naiintindihan ang lahat tungkol kay Fhane at Kiel. Ang ugnayan nilang dalawa at ang tungkol kay Fhane.
Maya maya pa ay nakita ko na si Fhane sa pintuan nila. "Halika pasok ka muna," pag-imbita nya kay Kiel na naroo't nakatayo pa rin sa harapan nila
Mukhang maayos naman na ang lahat kay Fhane. Nahuli ko pa nga syang nakangiti pero agad ding namang nawala ang ngiti na yun ng makita nya akong nakatayo di kalayuan sa kanila ni Kiel. Hinihintay nyang makapasok si Kiel sa bahay nila at aktong pagsasarahan pa ako ng pinto pero...
"Sandale Fhane," sumigaw ako
Huminto naman sya, ganun din si Kiel na ngayon lang ako napansin, pero agad din nyang iniliko ang ulo nya ng makita nya ako. Noon ko pa napapansin ito pero malaki ang hinala ko na parang guilty saken si Kiel.
"Hoy!" sigaw ko habang papalapit sa kanila. "...Oo ikaw nga Kiel,"
Napansin ko kasing nag-aalangan si Kiel na harapin ako kaya ako na ang gumawa ng way para magharap kami ngayon. Pakiramdam ko ang lakas lakas ng loob ko ngayon na parang eto na nga ang epekto ng alak saken.
"May problema ka ba saken Kiel," bulyaw ko
Napakamot lang ng ulo si Kiel, pagkatapos ay hinawakan nya ako ng dalawang kamay nya sa magkabilaang balikat ko na parang nagpapahiwatig na ayaw nya kong sagutin.
"Dark, huminahon ka. Amoy alak ka ah, nakainom ka ba?" sagot nya
"Sagutin mo muna ako Kiel, may problema ka ba saken?" sabi ko
Hindi pa man sumasagot si Kiel ay ibinaling ko naman agad ang tingin ko kay Fhane.
"Ikaw din Fhane, kausapin mo naman ako? Galit ka ba saken?" sabi ko sa kanya
"Tama na Dark," pagpipigil saken ni Kiel na tinutulak pa ako paatras kay Fhane. "...Lasing ka na eh, umuwi ka nalang,"
"Ano ba! Bitawan mo nga ko!" sabay tabig ng mga kamay nya
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasíaAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...