CHAPTER 53.5

39 0 0
                                    

CHAPTER 53.5

Halos naging ugat yun para magkrus ang paningin naming dalawa ni Kiel dahil sa lakas ng pagkakatabig ko sa kamay nya.

( "sige Dark, hindi kita uurungan," ) >>> Kiel

Sa isip nya mukhang handa din syang makipagbasagan ng bungo saken. Pero pumagitna samin si Fhane at pinaglayo nya kaming dalawa ni Kiel.

"Tama na tumigil nga kayo," pag-awat ni Fhane pero ako ang mas tiningnan nya ng masama pagkatapos "...At ikaw naman Dark, please tigilan mo na ako,"

"Pero Fhane gusto kong malaman ang tungkol sayo, hindi ka naman ganto sakin dati diba," sagot ko

Muli ay pumagitna naman ngayon si Kiel "Tama na sabi Dark, hindi mo ba narinig ang sinabi nya. Tigilan mo na si Fhane," sabi nya

"Ikaw! May kinalaman ka dito no?" mariin kong tanong kay Kiel. "...Sabihin mo saken Kiel, anong mga sinabi mo kay Fhane,"

"Oo na! Sige na!! Sinabi ko nga sa kanya ang lahat. Lahat ng plano nyo ni Jazer, yung tungkol sa setup nyo. Ano masaya ka na?"

"Kiel, tumigil ka na rin," narinig kong sinabi ni Fhane

"No, Fhane, sabihin na natin sa kanya ang lahat, wag na nating isikreto pa sa kanya yun," si Kiel

Sa pag-amin ni Kiel, dun na ako naliwanagan. Tama nga ang mga hinala ko na sinabi nya nga yun kay Fhane. Mabilis akong napangunahan ng galit at walang bwelo bwelo ay sinuntok ko sya sa mukha.

"Gag* ka!!" bulyaw ko

Parang hindi nya ininda ang suntok na ginawa ko at mabilis nyang naibalik ang tingin nya saken. Malamang masyadong mahina ang binitawan kong suntok dahil nag-aalangan akong pwersahin ang katawan ko dahil sa tinamo kong saksak sa tagiliran nung nakaraan.

Sa paglingon saken ni Kiel pabalik ay dala na pala nito ang rumaragasa nyang kamao papunta sa mukha ko. Halos tamad ang buong katawan kong ilagan pa ang igaganti nyang suntok dahil nga may tama ako ng alak.

**PUGS**

Isang solidong tama ng suntok ang tumama sa kaliwang pisngi ko. Ramdam ko yun pero nangingibabaw pa rin ang galit saken kaya kinaya kong makipagsabayan ng suntok sa kanya.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nagpalitan kami ng mga suntok habang si Fhane naman ay hindi kami magawang lapitan para sana awatin.

"TAMA NA!!!"

Biglang sumigaw si Fhane dahil yun lang ang magagawa nya para awatin kaming dalawa pero si Kiel lang ang huminto. Ako naman walang alinlangan na humirit ng isa pang suntok at dun na napaupo si Kiel at mukhang solido nga ang huling binitawan ko sa kanya. Dumugo ang labi nya na pinunasan nya naman ng kanyang hinlalaking daliri. Ako naman nakatayo na pinagmasdan ang kinalalagyan nya.

"Bakit mo nagawa sakin to Kiel! Nagtiwala naman ako sayo ah!" sagot ko sa kanya

"Pasensya ka na Dark, pasensya sa tiwalang binigay mo pero... Hindi ko kayang malaman na may umiiyak na babae lalo't alam kong kasabwat ako. Kaya nagworried agad ako ng malaman na umiyak si Fhane ng dahil sa atin... Lalo na sayo Dark,"

"Pero baket? Bakit ikaw ang nagsabi? Sana hinintay mo kong gumawa at umayos nito. Pwede naman akong magsorry sa kanya... Sayo Fhane," tiningnan ko si Fhane pero agad din bumalik ang tingin ko kay Kiel. "...At alam mo yun Kiel! Alam mong may balak na akong kausapin si Fhane nun, lahat yun pinaplano ko na sa isip ko. Alam mo yun diba?"

"Oo!" mabilis na sagot ni Kiel pero sa pasigaw na boses. "...Pero ginawa mo ba? Diba hinde? Hanggang kailan mo itatago sa isip mo ang mga bagay na yun? Hanggang kailan mo pa paghihintayin si Fhane? Hanggang maubos ang luha nya sayo? Tsk! Alam mo Dark, wala ring mangyayari kung hanggang plano't isip ka lang... Walang epekto ang iniisip mo kung hindi mo sasabihin!"

You know what? Natahimik ako sa mga sinabi ni Kiel pero hindi dahil tanggap ko na ako ang mali. Yun ay dahil halos yun din ang nilalaman ng mensaheng sinabi saken ni Camote Cue kanina.

Kung hindi lang ako isang mind reader, at kung isa lang akong ordinaryong tao. Malamang hindi ako apektado sa iniisip ni mama na ampon lang ako. Kaylangan sila mismo ang magsabi sakin nito at hindi ang isip lang. Kaylangan kong makasiguro at malaman ang buong detalye mula sa kanila.

"Tara na Kiel," tinulungan ni Fhane si Kiel na makatayo

Para naman akong poste na iniwan nilang nakatayo sa lugar na yun. Nakatingin parin ako sa kawalan habang nag-iisip ng mga susunod kong gagawin. Nang tuluyan ng nakapasok ng bahay sila Fhane at Kiel ay kaagad nila akong pinagsarhan ng pinto. Hinayaan ko lang silang gawin yun at saka marahan akong naglakad paalis. Pero parang nagkusa na ang mga paa ko na tahakin ang daan pauwi ng bahay namin.

Narating ko ang bahay namin pero hanggang tingin lang ako mula sa kinatatayuan ko. Magkahalong hiya at kaba ang nararamdaman ko kung tutuloy ba ako sa loob o hinde.

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon