The Second Time Chapter Three: The blackmail

351 10 0
                                    


Sometimes, darating sa'yo ang tinatawag na "Luck" and all of a sudden, dalawang pinagpalang gwapong lalaki ang katabi mo sa klase. Pero bakit ganun? Hindi ko na feel ang saya nito bagkus kaba ang aking nadarama. Ewan, parang di ko nagustuhan na nandito si Daniel. Parang pinaglalaruan niya ako eh. Kanina nag pretend siya na hindi niya ako naalala pero naalala pa pala niya ang pagmu mukha ko! Naiinis ako ha! Humanda siya!


"Hoy bestie!" Kinurot ni Joanna ang pisngi ko. "Kanina ka pa tulala bestie!"


"Sorry. Kasi naman..."


"Oo, alam ko. Si Daniel. Akalain mo noh seatmates pa kayo. Dalawang crush ng bayan ang seatmates mo!"


"Hindi ako masaya ha. Hindi to maganda." Ininom ko aking milkshake. "Wait. Saan mo nalaman yan?"


"Eh di sa chismis," Sagot niya, "Usap-usapan na girl na ikaw ang pinagpala dito sa school. Isang campus heart throb at isang sikat na artista ang mga  katabi mo. Ikaw na talaga!" Ang bilis ha.


"Hoy, kung alam mo lang. Gusto ko ng mag transfer ng upuan."

"Ay girl huwag! Sungkutin mo na ang pagkakataon na dalawang hot ang kasama mo."


Ewan ko dito sa babaeng to. Alam naman niya lahat na nangyari. Bestfriend kaya kami mula childhood. Parehas pa nga kaming fans ni Daniel. NOON. Basta ako, ayoko sa isa kong katabi. "You know, may kasibihan. The more you hate, the more you love." Pwede bang tumahimik ka girl? Baka di ako makatiis eh!


From canteen, pumunta kami ni Joanna sa Library. Ensaktong wala akong klase sa hapon, Magca-call ako ng meeting sa ibang members ng Cinematography society mamaya. Sa library, humiram ako ng libro "Pride and Prejudice." Excited akong mabasa to. I love Jane Austen!


Maaga dumating sa meeting room ang mga tinawagan ko. We talked about our storylines and funds para sa film. Sinabi ko rin sa writers na may ire revise ako sa script. Ang dapat na ka loveteam ni Franco (ang gaganapin na character ni Daniel) ay si Julie (role ko) pero gusto kong ibahin. So I asked Claire, pinsan ko, na gumanap bilang love interest ni Franco. At ang bagong role ko ay friend niya. I hope dadating ngayon si Claire. "Look, Denise, phinotoshop ko ang pictures ni Daniel at Claire together. They actually look cute." Cindy handed me her phone. Bagay sila, pero hindi gwapo si Daniel. Hindi!

"Good you're here Daniel!!" Jusmiyo!

Muntik ko mabitawan ang basong hawak ko. Si Jairus  kasi ang lakas ng boses eh! They all stared at me and I said, "I'm fine." Then, tumayo silang lahat at binati ng welcome si Daniel. Ako lang yata ang nakaupo. "Hindi mo ba ako babatiin, Ms.Ocampo?" I stood up, fake a smile and shake hands with him.

Inorient nina Anna at Paulo (ang writers) si Daniel tungkol sa story. Nakaupo siya sa harap ko. Maya-maya nagtanong siya,"Sino ang leading leady ko?" habang nakatingin sa akin. Ensakto naman na dumating si Claire. "Hey Denise! Sorry late ako!" Nakipag beso ako sa kanya.

"Sorry pinsan ha, ang prof kasi namin eh."

"It's alright. Come on, take a seat." Umupo si Claire sa tabi ko. Napansin ko lang si Daniel, titig ng titig kay Claire. Mukha siyang tulala. Nung sinabi na si Claire ang katambal niya, hindi maalis ang ngiti sa mukha niya. Si Claire din, masaya. Nag-alala pa ako eh okay naman pala tong dalawang to.

After the meeting, nag shoot kami ng few scenes. Ang first scene ay si Daniel bilang Franco. Chickboy (bagay na bagay sa totoong buhay) at mahilig mang-busted (EHEM!). Second ay si Claire bilang Hannah- sweet, maalaga at mayaman. Pero galing sa strikto pamilya. Para silang Romeo at Juliet. Bukas isho shoot ang pagkikita ng dalawa.

After the shooting, umuwi na silang lahat. Ako, bumalik sa meeting room. Ire-revise ko tong script. When I was almost done, biglang pumasok si Daniel. "Why are you here?" I asked him. My hands are shaking. "So tell me, Ms. Ocampo. Pinsan mo ba si Claire?"

"Why are you asking that?" sabi ko habang nakafocus sa laptop.

"Because gusto ko siyang ligawan. Alam mo naman na magkaibigan kami noon diba?"

"So ano naman ngayon kung pinsan ko siya?"

"Help me para makuha ko siya."

Napatigil ako sa pag type. "What?"

"She's the reason why I'm here in this school. I know may manliligaw siyang iba and baka matalo ako so I need your help."

I stood up and faced him."Natatakot ka palang matalo eh. You don't deserve her. Sa pag-ibig, wala dapat duwag. Kung gusto mo, sabihin mo. Iparamdam mo sa taong gusto mo.You need to do your best kahit mapahiya ka pa. Kasi mahal mo eh." Oh. How awkward. Tumahimik kaming dalawa bigla at bumalik nalang ako sa pagta type. Ano ba kasi tong sinasabi ko? 

"Kagaya ng ginawa mo noon?" Bwisit to!

"Please, nakalimutan ko na yun" Weh? Totoo kaya yan Denise? "Just leave. I won't help you."

"Look, if you won't help me get her, hindi ako papasok bukas at magqu-quit ako sa pelikula mo. Ikaw director diba? This is your responsibility?" Ay blackmail ang peg?!

Uminit ang ulo ko at lumakas ang boses ko."How is this my responsibility?! Kung ayaw mo, eh di umalis ka!!"

"Fine! Tignan natin!"  

"Fine!!" I'm confident kaya!

He took one last look at me pero iniwasan ko ang tingin niya. Pagkatapos ay umalis siya. Alam kong makakakuha din ako ng mas magaling pa na actor kaysa sa kanya. Tiwala lang. There are many fishes in the sea.


Kinabukasan...

"ANONG SINABI MO?! NAG QUIT SI DANIEL??!!" Beast mode si Cindy. Nandito kami nang napaka aga sa meeting room dahil nag announce ako na ayaw na ni Daniel. Hindi lang yata si Cindy ang beast mode, silang lahat actually. Si Claire nalang ang wala dito.

"Bakit daw?!" Si Anna

"Eh kasi...may hiningi sa sa akin at blinack mail niya ako pero hindi ako pumayag kaya ayun, nag quit talaga siya."

"Is it...you know...yung pagka babae?" Grabe tong si Anna mag-isip!

"Hindi! Ano ba! Basta iba!"

"I don't know what that is pero make him come back." Sabi ni Cindy

"We can find other people na pwedeng ipalit." Sabi ko

"But he's the number one in demand ngayon! Plus, naka shoot na tayo ng scenes at napakaganda! Gaganda ang film dahil sa kanya! As a director, alam mo yan."

"But-"

"Gawin mo ang dapat mong gawin, Denise. Take your responsibility." Then she walked out of the room.

Puno na talaga ako sa word na "Responsibility." Hindi ko na alam ang gagawin.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon