Day 5: 'Day I Realize That His Eyes Are Beautiful'

18 0 0
                                    

Luke's POV

Papunta na ko sa exit gate

Tatakasan ko na yung practice

Kaso psh di ko natakasan tong isang toh =.=

"Luke!! May practice tayo"

Tas hinatak na ko nang babaeng late =.=

"Do you even know where to go?"

Tinignan niya lang ako na parang nagtataka tapos napakamot siya nang ulo

"San nga ulit tayo magpapractice??"

Napafacepalm na lang ako

"Pano mo nga naman malalaman e di ka naman nakinig kay Mr. Reyes" Ako

Himala nga na alam niyang may practice ngayon lahat nang kasama sa pageant

"E san nga ba??" Babaeng late

Hinatak ko siya papuntang auditorium dun naman kasi kami magpapractice para sa pageant

"Late na naman kayo, First day pa lang sinabi ko na na ayaw ko sa mga late" Mr. Reyes

Yan agad ang bumungad samin pagpasok namin sa auditorium

"Masyado ka atang nahihilig sa paghawak sa kamay nya" Singkit

Binitawan ko na yung kamay nang babaeng late, hawak ko kasi nga hinatak ko siya papunta dito

"Shall we start??" Mr. Vergara

Yun yung baklang teacher namin sa English na nagoorganize din nang pageant

"First tuturuan ko kayo nang tamang pagrampa" Mr. Vergara

At ayun rumampa siya dun sa stage, mukha siyang baliw

"Ang galing ni Mr. Vergara" Late

Magaling?? Iba rin taste nang babaeng toh =O=

"Alternate ang pagrampa, girl muna tas boy then girl ulit, you'll introduce yourself pag nasa gitna na kayo, kayo ang bahala sa kung anong gusto nyo ipakita sa judges, You can act fierce, cute, cool, sophisticated kayo ang bahala, your goal is to capture the judges and audience's attention"

Pinapila kami, magkahiwalay ang boys at girls, ang girls mangagaling sa left side nang stage tas ang boys naman mangagaling sa right side

"Insan! Nandito ka rin pala!!" Peter

Damn! Bat eto pang pinsan ko representative nang room nila

"Sino partner mo??" Peter

Tinuro ko yung babaeng late

"Naks naman!! si Raze talaga pinartner sayo, yung pinsan nya partner ko e" Peter

I wanna kill him. He's too noisy

"Grade 7 representatives ang mauuna tas panghuli yung mga grade 12" Mr. Vergara

Height naman ang binasihan sa mauuna sa mga grade 12

"Nakakababa naman! Ako unang grade 12 na rarampa" Peter

Di naman kasi sya katangkaran, pagkatapos ni Peter, may isa pang rarampa then ako pero may isa pa pagkatapos ko

"Doesn't surprise me, You're short" Ako

4 sections per level nga pala kami, kaya bali 4 pairs per level. Total of 24 pairs mula grade 7 hanggang grade 12, equivalent sa 48 individuals

"Parang ang tangkad mo ah" Peter

Mas matangkad naman ako sa kanya

"Si Raze pala rarampa pagkatapos ko" Peter

Forty Six Days To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon