Chapter one

11 0 0
                                    

Hindi mapakali si Jamaica habang sakay sa pedicab.
Madilim ang langit at anumang sandali ay babagsak ang malakas na ulan.

"Manong, puwede pong pakibilisan pa?" Pakiusap niya sa driver. Kailangan niyang makarating sa bahay bago bumuhos ang ulan,kung hindi ay mababasa ang mga sinampay niya.

Wala siyang ibang aasahang gagawa niyon kundi ang sarili. May mga kasama siya sa bahay ngunit pawang mga hindi maasahan. Ang tiya VIoleta  niya at ang mga pinsang sina Jamie at Zel ay walang ginawa kundi magpaganda,kumain at humilita maghapon. Ang kapatid ng mga ito na si Julio ang tanging maasahan niya ngunit nasa eskwelahan pa ito nang ganoong oras.

Ulila na siya sa nga magulang.Namatay sa sakit ang kanyang nanay noong labingdalawa taong gulang palamang siya. Ang tatay naman niya ay mag kakalahating buwan palamang nanfg itoy namayapa. Wala siyang kapatid kaya mag-isa na lamang siya sa buhay.

Nang namatay ang tatay niya ay dumating ang Tiya Violeta niya at mga pinsan upang sa bahay nila makitira. Kapatid ito ng kanyang ina. Galing ang mga ito sa probinsiya at gusto siyang damayan.

Noong una ay natuwa siya dahil may makakasama siya kahit hindi naman siya malapit sa mga ito. Hindi sila madalas dumalaw sa probinsiya at ang ilang mga dalaw na iyon ay maiikling panahon din lang.

Hindi na siya mag-iisa, iyon ang sabi niya sa sarili noon. May makakatuwang na siya sa buhay. Ngunit wala pang isang linggo ay lumabas na ang tunay na kulay ng kaniyang tiyahin at dalwang pinsan niya na babae. Walang alam sa mga buhay ito. Ni walang trabaho at walang balak maghanap ng trabahi ang mga ito dahil pawang hindi nakatapos bg kolehiyo. Walang ginawa ang mga ito kundi ang magpaganda upang makahanap ng mayamang mapangangasawa. Tanging si Julio lang ang kasundo niya dahil masipag ito at mabait. May ambisiyon sa buhay kaya hindi siya nag dalawang isip pag aralin at suportahan ito.

"Diyan lang po sa mga asul na gate," sabi niya sa pedicab driver. Iniabot agad niya ang bayad at bumama agad.
Pag pasok niya sa gate ay bumungad sa kanya si Julio na kinukuha ang mga sinampay. Ni hindi pa ito nakapag palit ng damit.
Matapos ibaba ang bag sa terrace ay tinulungan niya ito.

"Ate nariyan ka na pala,"gulat na sabi nito.
"Bakit maaga kang umuwi?. Hindi ba dapat  may klase ka pa ngayon?"
"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Second Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon