Sarah PO'VAko nga pala si Sarah Mae Ramos isang simpleng babae lang sabi nga nila maganda daw ako e kung mag-aayos ako, may mga kaibigan naman ako na sumusuporta saakin e mahal na mahal ako ng mga yun lagi ako sinusuportahan sa mga achievements ko kaya nga sapat na saakin ang buhay na binigay ni God saakin hindi ko kailangan sumikat para mahalin ng mga tao sa iba't-ibang lugar sapat na yung may nagmamahal saakin pamilya ko,kaibigan at mga nakakakilala saakin.
"Beh,saan mo gusto pumunta ngayon?."tanong ng isa ko best friend lima kasi kami e si Trysia,Emma,Mariane,Aira at ako.
"Kahit saan basta kasama ko kayo masaya na ako."sabi ko habang nakangiti.
"Wow beh,love na love mo talaga kami."sabi nila.
"Oo naman swerte ko nga kasi may kaibigan akong katulad niyo."sabi ko habang payakap sa kanila.
"Kami din beh swerte dahil may
kaibigan kami na katulad mo."sabi ni Trysia at niyakap naman nila ako pabalik, si Trysia ang best friend namin na madrama ngunit kahit ganyan yan love na love namin yan."Mga beh tama na ang drama na natin."sabi ni Mariane siya ang best friend namin na hindi nagsisinungaling at higit sa lahat straight to the point wala ng paligoy-liguy pa.
"Oo nga e tara na nga, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."sabi ko habng tumatawa.
"Inggit lang ang mga yan kasi wala silang true friend nagplaplastikan lang naman ang mga yan e, tayo kasi hindi ganun."sabi ni Aira habang iniirapan ang mga babaeng nakatingin saamin napakasungit at taray talaga ng best friend kong ito.
"Tigilan mo nga yan Aira hayaan mo sila."sabi ni Emma siya naman ang tahimik pero mabait na best friend at ayaw niya ng may nag-aaway.
Umalis na lang kami kasi baka may mamuo pang away, ayun ang pinakaiiwasan namin. Nagpunta nalang kami sa Park kasi sabi nila gusto daw nilang makalanghap ng fresh air.
"Buti dito tahimik at walang gulo."sabi ni Emma sabay tingin sa langit.
"Oo nga e, sana lagi nalang ganto ang mundo."sabi ko ng nakangiti.
"Wait beh, look may isang gwapo dun oh!."sabi ni Mariane sabay turo sa lalaki na nakaupo malapit sa amin, ngayon ko lang siya nakita dito siguro sa iba siya nag-aaral kasi hindi ko naman siya nakikita sa school pero ang gwapo niya nga, ano kayang pangalan niya? Sarah, enough for that malay mo masamang tao siya.
"Oo nga gwapo, pero parang ngayon ko lang siya nakita?."tanong ni Trysia.
"Baka bago lang dito o kaya sa iba siya
nag-aaral."sabi ni Emma.Nakita na lang namin na papaalis na si kuyang gwapo, haysss nakakalungkot naman kasi hindi man lang namin siya nakilala.
"Wala na siya."malungkot na sabi ni
Mariane."Oo nga e, sana makita ulit natin siya."sabi naman ni Trysia samantalang ako ay tahimik lang iniisip ko kasi kung sino siya e parang nakita ko na siya dati.
"Oh? Bakit tahimik ka Sarah?."tanong naman ni Emma napansin niya siguro na tahimik ako't walang kibo.
"Ah? Wala nagugutom lang ako."pagdadahilan ko.
"Bakit ngayon ka lang nagsabi ayaw naman namin na magutom ka e."sabi ni Mariane at bumili na ng makakain namin, ang sweet nila diba?.
Nakabalik na si Mariane na may dalang mga pagkain at kinain na namin ang mga ito. Pagkatapos namin kumain nagsiuwian na kami magkakalapit lang naman ang mga bahay namin.
*****
Hindi ako makatulog kasi iniisip ko kung sino yung lalaki parang nakita ko na talaga siya e hindi ko lang matandaan kung saan. Sa sobrang kakaisip ko mabuti nalang at nakatulog pa ako.